Dumaan ang mga araw, linggo, buwan at taon sa high school life ni Gold na walang palya ang pagdalaw ni Silver sa kanyang panaginip. Although twice or trice a month lang nman nya napapanaginipan ito. Pero bakit kahit kelan di ito nawawala sa isip at puso nya. Wala syang pinagsabihan sa kararanasan nyang iyon. Baka kasi walang maniniwala sa kanya.
"Possible pala iyong mangyari sa isang tao na mapapanaginipan no sya ng paulit-ulit ang isang buwan? Anu kaya ang ibig ipahiwatig niyon sa akin? Magkikita kaya kami ni Silver uli? Ganun pa rin kaya ang nararamdaman nya para sa akin?"Ang mga katanungang nausal nya sa sarili ng minsang maisip nya si Silver. Nasa third year level na sya ng high school.
Marami ang nagtangkang manligaw or ligawan sya ngunit wala sya ni isa mang nagustuhan or napupusuan sa mga ito. Bagkus naging unfair pa sya at walang consideration sa mga effort ng mga nagtangkang manligaw sa kanya.
Isang araw kasi may nagpadala ng sulat sa kanya pinadaan sa window ng classroom nila na sa kanya nakapangalan dahil nga iniiwasan nya ito kaya doon na lamang idinaan ang sulat nito. Inihulog ng minsang nakatayo sya sa malapit sa window. Nang damputin nya iyon alam nyang para sa kanya kasi nakatayo ang lalaking malaki ang pagkakagusto sa kanya roon.
Sa inis nya kung saan nito ipinadaan ang sulat doon nya rin ibinalik iyon.Di pa rin ito huminto kahit pinakitaan nya ito ng masamang asal.
Minsang nasa linya sila ng flag ceremony. Pinaabot na nman nito ang sulat na para sa kanya sa isa nyang classmate.
"Gold, may pinabibigay sayo na sulat. Love letter ata hehe "sabi ng classmate nyang si Weng.
Agad nyang kinuha baka sa girl nya na friend sa ibang school. Nang nabistahan ang front ng envelope letter may nakalagay.
"Sana basahin mo ang sulat ko "ito agad ang nabasa nyang nakasulat sa unahan ng envelope ng sender. Para syang napaso na agad nalakumos ang sulat mula sa pagkakahawak noon. Saka nakasimangot nyang binalik sa kaklaseng nag -abot sa kanya ang sulat nito.
"Oh. Ibalik mo yan kung kanino man galing iyan dahil ayaw kung tanggapin o basahin yan! "Pagkasabi nya noon agad syang napairap sabay alis at bumalik sa pwesto nya sa linya.
Sumunod na araw meron na nman syang stalker. Adik daw iyon na school mate nila. Natakot syang umuwing mag-isa dahil nakaantabay ito sa labas ng campus. Nagpahuli tuloy syang umuwi kasama ng mga friend nya. Halos araw araw natatakot syang lumabas ng campus na nag-iisa lamang kasi nagpahiwatig na ng pagkagusto ang lalaking mukhang adik talaga.
"Sige ka maglakad kang mag -isa mamaya. Aabangan ka na nman nung adik. "Ang pananakot ng classmate nyang si Edgar.
"Edgar nman eh, wag mo nga akong takutin!"Maktol nya rito. Parati sya nitong pinagtitripan sa tuwing uwian nila.
Hanggang isang araw nagulat sya sa sinabi ng classmate nya.
"Gold, kilala ka pala ng pinsan ko? Nakita ka daw kasi nya ng minsang pumunta ka sa bahay nmin. Nadaanan mo ang house nila. "Ang nakangiti nitong wika sa kanya.
"Huh? Talaga? Sino? "Ang na curious nyang tanong kay Kiara.
"Si Silver, pinsan ko sya sa nanay. Iyong unang house na madadaanan no papunta sa amin kanila iyon. "Malawak ang ngiting sabi nito.
"Si Silver.. "ang mahinang usal nya. Napabilis bigla ang pintig ng kanyang puso. Malakas ang kabog niyon. Kakaiba ang kanyang nararamdaman ng oras na iyon. Napakislot pa sya ng walang dahilan na para bang may kuryenteng dumaloy sa katawan nya.
"Sabi nya pa pala regards daw "may halong panunudyo nitong ani sa kanya. Nakaramdam sya ng pamumula ng mukha dahil sa sinabi nito.
"Anu sasabihin ko mamaya sa kanya pag-kauwi ko? "Ang tanong nito na ikinabaling nya rito.
"Sabihin mo rebound "ang nahihiya nyang wika sa pinsan ni Silver.
"Ayy nagbablush ang ale. Hmmm... I smell love in the air! Wheww! Iba na talaga ang epekto ng love. Love, love love...."Ang napapalatak nitong awit habang papalayo sa kanya.
Napatulala nman sya sa kanyang kinauupuan. So ito na siguro ang meaning ng mga panaginip nya. Ramdam nya ang epekto ni Silver sa puso nya. Dahil minahal nya na ito kahit sa panaginip lang sila may ugnayan.
BINABASA MO ANG
UNFORGOTTEN CRUSH(COMPLETED)
Teen Fiction#2-requitedlove #6-fellinlove #6-distance #8-highschoollove #9-annoying #11-quarrel "Class! Class!! Did I told you to start gossiping? "Ang inis na sabi ng guro sa kanila. Matanda na ito at medyo mahina ng kumilos saka may alta pression ata ito k...