"Hoy Goldilocks! Tumabi ka nga dyan kasi dadaan si Silver oh. "Ang sabi ng katabi nyang si Marlyn.
Nasa alley kasi sya nakatayo ng time na iyon at nakikipagtsikahan sa kaklase nya. Dahil wala pa nman ang titser nila so nakipagtsismisan muna sya gaya ng iba nya pang mag-aaral.
Agad syang napatabi ng malingunan nya ang bagong dating na transferee student sa kanilang klase.
Ang cute talaga nitong tingnan sa suot na polo white with matching black slacks and shoes.
Kinagat nya ang kanyang bibig para hwag humulagpos ang paghanga nya rito. Baka kasi mahalata nito na may pagtangi sya rito eh di patay ang puso nya kapag nagkataong mabunyag ang pakatago-tago nyang paghanga sa gwapong kaklase.
Tumingin ito sa kanya ng mapadaan sa harap nya. Nagkatitigan sila sandali ngunit agad nyang binawi at iniiwas ang tingin dito.
Lumarawan sa labi nito ang isang simpleng ngiti na ikilundag ng puso nya . Muntikan na ngang lumuwa iyon sa sobrang excitement.
"Oy oy oyy! Magtitigan ba nman? "Ang agaw na tudyo ng kaklase nya sa atensyon nilang dalawa. Napatingin sya sa kaklase bigla dahil sa narinig mula sa bibig nito. Napalaki bigla ang kanyang maliit na mata.
"Sus! Ito nman napatingin lang po kami sa isat isa at baka pareho kaming may dumi sa pagmumukha hindi nman nmin nilaplap ang isa't isa ah!. "Sabi nyang paangil rito na napahalakhak pa para pagtakpan ang pamumula ng kanyang mukha. Sa pamamagitan lang man ng kanyang pagtataray maiwas ang pinakakatago-tago nyang paghanga sa lalaki.
"Ganoon? Eh, bakit ka nagba blush dyan, aber? "Ang pag-iintriga nito sa kanya. Ayaw pa rin syang tantanan. Talagang pinapahaba nito ang isyung nakita.
"Di yan nagba-blush noh!. Tinapik tapik ko yan kanina. Baka nman namamalikmata ka lang. "Ang sabi nya rito sabay tapik ng pisngi nya uli.
"Palusot pa to.. aminin? May lihim kang pagnanasa sa bagong salta dito sa ating room noh? "Wika nito na pabulong lang. Talagang iniintriga sya ng pagkaganda-ganda. Tila gusto nya na itong kuyugin at pasimpling tahiin ang malaki nitong mata at bibig para tumahimik na.
Napaawang ang bunganga nya sa sinabi nito. Asar na asar na talaga sya sa lokaret na kaharap nya.
Kung wala nga lang si Crush nya doon baka paglamayan na ang intragera nyang kaklase pero sa utak nya lang nman nya ito pinagpaplanuhang katayin.
Halata ba masyado na may crush nga sya sa new classmate nila? Pakiramdam nya di nman sya ganoon ka silver clear noh? Ayun sa akala nya.
"D-di... ano?!. Na cute-an lang ako sa kanya kaya napanakaw-tingin ako kanina kasi moreno sya!. Like ko skin tan nya, ganun!."ang biglang defensive nyang sagot rito saka pasalampak na naupo sa upuan nya at denedma ang intrigerang kaklase baka umusok ilong nya kapag hinarap nya ito uli.
Pagtingin nya sa harapan nagkasalubong ang mga tingin nila ni Silver. Nginitian sya nito ng matamis. Halos malaglag nman ang panga nya sa ngiting iyon ng crush. Ngiti pa lang nito ay ulam na sa kanya. Anu pa kaya kapag hawak na nito ang hands nya baka pawian na sya ng ulirat!
Naku! Naloko na talaga ang puso kong baliw na ata sa lalaking ito. But ba kasi dyan pa sya naupo sa pinakaunahan ng upuan kung saan kitang-kita ng pinapalaki nyang mga mata. Sore ito sa kanyang eyes!. Ang himutok nya sa sarili.
Sya kasi ay sa second to the last na upuan nakaupo at magkarow pa sila pareho ha.
Di tuloy sya mapakali sa mga tingin nito kaya kunwari nagsusulat sya kahit wala nmang dapat isulat. Naririnig nya na nman ang mala-bubuyog na kaingayan ng mga classmates nya.
Last section na nga sila sa grade six sila pa din ang may pinaka maingay na classroom. Buti at sa pinakadulo na sila ng school building kaya di sila masyado makakadisturb ng ibang class doon.
BINABASA MO ANG
UNFORGOTTEN CRUSH(COMPLETED)
Teen Fiction#2-requitedlove #6-fellinlove #6-distance #8-highschoollove #9-annoying #11-quarrel "Class! Class!! Did I told you to start gossiping? "Ang inis na sabi ng guro sa kanila. Matanda na ito at medyo mahina ng kumilos saka may alta pression ata ito k...