Kinabukasan nga around 3:30 in the afternoon nasa bahay na nila si Silver sinusundo na sya nito.
Nakasuot ito ng faded jeans at black Polo shirt. Napakagwapo nitong tingnan sa paningin ni Gold. Lalo tuloy syang na in love dito ng lihim.
"Bakit di ka pa ready? "Ang napakunot-noo nitong tanong sa kanya ng papasukin nya ito sa loob ng bahay nila.
"Ah eh sorry nakalimutan ko ang oras sa kakabasa ng pocket books."ang napangiti nyang sabi rito.
"Oh sya sige. Ayusin mo na ang sarili mo at baka mahuli tayo sa misa mamaya nyan. "Saad nito na kanya.
Mabilisan syang nag-ayos ng kanyang sarili. Ayaw nyang mainip si Silver sa kahihintay sa kanya. Napili nyang suotin ang isang bestida na made of jeans cloth. Para madali nya lang maisuot iyon, wala na syang aalahanin pa kapag iyon ang kanyang susuotin.
Saka nagsuot din ng step-in sandal. Mas comfortable sya sa ganoong sapin sa paa. Hinayaan nya lang nakalugay ang kanyang mahabang buhok. Nilagyan nya lang iyon ng hair clips sa bawat gilid ng kanyang tenga.
Napangiti si Silver ng bumaba na sya. Approved ang kanyang attire dito. Larawan sa mga mata nito. Di nya na kailangang tanungin pa.
"Halika na. Alis na tayo. "Sabi nya na nagpatiuna ng naglakad. Sumunod sa kanya si Silver.
Pinili nilang maglakad lamang para mas mahaba ang oras ng pagsasama nila. Walang pagsidlan ang sayang nadarama nya sa puso ng mga oras na iyon.
Habang naglalakad marami silang napagkwentuhang dalawa. Kahit anu-ano ang naging topics nilang dalawa.
Maya-maya nagulat pa sya ng lumipat sila sa kabilang line ng road kasi out of the way na yong daan nila papunta church.
"Dito ka na nga sa left side ko. Baka ma-side sweep ka dyan ng mga sasakyang dumaraan. "Ang concern nitong wika sabay hila sa kanya papunta left side nito.
Napalukso ang puso nya sa inaktong iyon ni Silver. Napaka gentleman nman nito ani ng isip nya. Di nya aakalain na magiging gentleman ito sa kanya. Lalo tuloy syang nakadama ng lihim na kilig para rito.
"Ang sweet mo nman... "ang di nya napigilang sabi rito.
Napatingin ito sa kanya bigla saka napangiti bago nagsalita.
"Eh ganyan talaga basta love mo ang isang tao. Saka lalaki ako any?. Ako dapat ang nasa danger zone hindi yung girl na kasama ko. "Ang wika nito sabay hawak sa kamay nya.
Namula ang kanyang pisngi kaya napayuko sya ng gagapin nito ang kanyang kamay. Di nito binitiwan hanggang sa makarating sila sa church.
Kilig na kilig sya sa simpleng gesture na iyon ni Silver para syang espesyal na espesyal dito. Damang-dama nya ang respeto nito sa kanya bilang babae.
BINABASA MO ANG
UNFORGOTTEN CRUSH(COMPLETED)
Teen Fiction#2-requitedlove #6-fellinlove #6-distance #8-highschoollove #9-annoying #11-quarrel "Class! Class!! Did I told you to start gossiping? "Ang inis na sabi ng guro sa kanila. Matanda na ito at medyo mahina ng kumilos saka may alta pression ata ito k...