Dumating iyong week na ang section naman nila ang in-charge sa program ng kanilang school.
At every Monday ginaganap iyon hanggang matapos magpalabas ng mga talento ang lahat ng section sa lahat ng level ng grade school sa elementary.
Pawang napili sina Silver at Gold na sumayaw ng Modern dance. Apat na boys at apat na girls ang kasali. At tuwing pagkatapos ng klase sa hapon sila nag -eensayo sa loob ng kanilang room.
Kung bakit ba nman sa apat na lalaki si Silver pa ang katabi nya sa pag-eensayo.
"Silver you're out of line. Get back,you should stay in your class mate's line. "Sabi ng trainer nila.
Ngunit talagang nawawala parati si Silver sa line habang nagsasayaw na sila.
"Ayy naku Silver! Ikaw na lang maging leader dyan. Ang tigas ng ulo mo! "Ang inis na maktol nyang sabi rito. Punum-puno na sya kakapakinig ng sigaw ng trainer nila.
Nagtawanan nman ang mga kasamahan nila dahil nagka-engkwentro na nman silang dalawa ng lalaki.
"Naku huh, baka kayo talaga ang magkatuluyan nyan sa huli. Dahil para na kayong aso at puso na parating nagbabangayan. "Tudyo ni Alison sa kanila.
"Hmmp! Di mangyayari yun noh!Sya na lang talaga?! Hmmp!!"Ang mataray nyang tugon kay Alison.
"Front nya lang yang pagiging mataray nya Alison but the truth is she had a crush on me too. "Sabad ni Silver sabay nagpacute pa sa kanya ng titigan nya ito ng masama.
"Huh! Kapal mo din huh! At saan mo nman nahagilap yang pinagsasabi mong crush kita? Baka kamo " I crashed you now!"ang sabi nya na nilapitan pa ito sa pwesto nito at binigyan ng matalim na tingin.
"Sa mga mata mo babe. Ayan oh may pruweba na nga eh. Biglang kumislap ang mata mo pagkatama noon sa aking mga mata"ang nakangising pang aasar nito.
"Grrr..... masasakal kita Silverado! "Ang galit na sabi nya sabay habol dito.
Tawa ito ng tawa dahil di nya ito maabut-abutan. Masyado itong mabilis tumakbo kaya di nya mahabol at mahawakan.
"Uyyy...! Naghahabulan na daw sila. Sige na, sagutin mo na kasi Silver si Goldie at ng hindi ka na nya hahabul-habulin "ang pang aasar din na sabi ni Jonathan.
" Sige! Pagtulungan nyo akong asarin! "Ang napikon nyang sabi na huminto na sa kahahabol kay Silver at tiningnan ng masakit ang dalawang lalaki.
"Ikikiss na lang kita Gold. Alam ko nman na matagal mo na akong pinagpapantasyahang mahalikan, diba Jonathan?. Gusto mong makuha ang pagkavirgin ko. "ang sabi ni Silver sabay yakap ng sarili at may nakakalukong ngisi sa mga labi.
Ang lakas nman ng tawanan ng kanyang mga kasamahan na nagdulot ng kulay-makopa pisngi sa kanya.
Pagkaraan bigla atang kumulo ang kanyang dugo sa mga kaharap na lalaki dahil sa pinagsasabi ng mga ito sa kanya. Dahil napikon na syang talaga sa mga ito.
"Sige, subukan mo lang at ng mabagwisan kita ngayon din! Angas mo din huh!"Inis na sabi nya rito. Mauubos ata ang kanyang isang latang pasensya sa lalaki.
"Weeh, di ka nman marunong noon eh. Baka nga isang halik ko lang himatayin ka na dyan eh"Ang sabi nito na nakisabay sa tawanan ng mga kasamahan nila.
"Kiss... Kiss! "Ang hiyawan ng mga ito na lalong nagpainis sa kanya.
"Guys, wag na lang baka umiyak mamaya si Goldilocks ko kawawa nman. "Ang pagkadaka ay awat na sabi ni Silver sa mga kasamahan nila.
Dahil di na sya nakapagtimpi sa kapilyuhan nito bigla nya itong pinitik sa tungki ng ilong nito ng matyempuhan nya.
"Ouch! "Sabi nito na hinawakan agad ang ilong nito.
"Iyan ang bagay sayo kulukoy ka! Malakas ang pasok ng hangin sa ulo! Intensity 10 talaga!"Sabi nya na sinabayan ng talikod ngunit nagulat sya ng may sumaklit sa braso nya at mabilis syang nahila pabalik sa tabi ng lalaki.
"Not so fast my Goldie. I want something to make it even. "Sabi nito na walang babalang ninakawan sya ng halik sa pisngi sabay alis at tumakbo palayo sa harapan nya.
"Grrrrrr Silverado mapapatay na talaga kita!!! "Ang naggagalaiti at nagpapadyak nyang sigaw na ikinatawa ng mga kasamahan nilang nanonood sa kanilang eksena.
Tanging pag-walk out na lamang sa practice nila ang kanyang nagawa matapos syang mahalikan ni Silver. Dahil di nya kayang harapin ang iba pang mga kasamahan sa pagkapahiya nyang naramdaman sa nangyari.
BINABASA MO ANG
UNFORGOTTEN CRUSH(COMPLETED)
Teen Fiction#2-requitedlove #6-fellinlove #6-distance #8-highschoollove #9-annoying #11-quarrel "Class! Class!! Did I told you to start gossiping? "Ang inis na sabi ng guro sa kanila. Matanda na ito at medyo mahina ng kumilos saka may alta pression ata ito k...