Nang sumunod na araw may sorpresang nag-aantay sa kanya sa classroom nila.
"Hello Gold.. good morning! Ayy! may sulat ka pala galing kay Silver. "Ang nakangiting sabi ng pinsan ni Silver.
"Oh? Talaga? "Ang wika nya na biglang tumambol ang kanyang dibdib,may kasamang pananabik iyon kahit may halo ding kaba. Nainis sya sa kanyang sarili. Marinig nya lang ang name ni Silver nagiging iratiko na kaagad ang takbo ng puso nya.
"Oh heto. Di ko binuksan yan huh. Mahigpit ang bilin ni Silver kelangan makarating daw sayo yan. "Ang sabi nito sabay abot ng sulat sa kanya.
Nang nasa kamay nya na ang sulat agad nya itong tinago. Di nya muna binasa kasi di sya mapakali sa kanyang nadarama ng oras na iyon.
Nang di na sya makatiis binuksan nya ang sulat nito. Nakalagay sa mabangong stationery ang sulat ng lalaki. Di nya napigilang ilagay ang mabangong papel sa kanyang ilong at samyuin iyon. Agad napadako ang kanyang paningin sa laman ng sulat nito.Dear Goldie,
"Smile "Hi Goldie,.kumusta ka na? Matagal na tayong di nagkita since elementary pa. Nakikita kita sa church every Sunday kaso di mo nman ako napapansin sa tuwing tinitingnan kita.
Kung papayag ka pupuntahan kita sa inyo para madalaw. Masaya ako na classmate mo pala ang cousin ko na naging daan ng pagkakaroon natin muli ng ugnayan.
Hanggang dito na lang. Baka malate ako sa school.Love,
SilverNakilig sya sa laman ng sulat nito kahit simpling message lang iyon. Di maalis ang nakapagkit na kasayahan sa mukha nya.
"Ayy nakangiti sya. Anung sabi nya? "Ang excited na tanong ng pinsan nito.
Ayaw nyang magsalita rito kaya inabot nya na lang ang sulat dito para mabasa nito.
"Hmmm...... nangiti ka it means maganda ang message. "Sabi nito saka bumalik sa upuan nito para doon basahin ang love letter ng pinsan nito.
Pati ang katabi nitong kaklase nila nakibasa rin. Nang matapos nilang mabasa ang sulat pinagpasa-pasahan na ng mga ito ang letter nya. Nakangiti at nakikilig ang mga iyon sa sulat ni Silver habang binabasa. Ginawa na nilang newpaper o pocketbook ang letter ng lalaki para sa kanya. But di nman sya nainis or nagalit dahil mas nananaig ang saya ng dulot ng love letter ng lalaki sa kanya.
"Wow Gold! Ang sweet nman ng sender ng love letter mo... "ang nakikilig na wika ni Analyn.
"Oo nga nakakakilig basahin kahit basahin mo pa ng paulit-ulit "sang-ayon na wika ng pinsan ni Silver.
"Nasaan na ang letter ko? "Tanong nya sa mga ito pagkadaka, gusto nya iyong itabi bilang remembrance ng sweetness ng lalaki sa kanya.
"Doon pa sa mga kaklase natin pinagpasahan na nila "Nakangiti nitong wika.
"Naku! ginawa nyo ng comiks yan! "Sabi nya. Maya-maya binalik na sa kanya ang sulat nito.
Ito ang unang sulat na tinanggap nya mula sa isang lalaki. Unfair man sa iba nyang manliligaw dahil pinipili nya ang sulat na tatanggapin bahala na. Basta wala syang gusto sa nagbibigay ng sulat di nya talaga tinatanggap iyon.
Kinahapunan sumaglit sya sa school supply na store at bumili ng stationery paper. Kinakabihan din ng araw na iyon sinagot nya ang sulat ni Silver. Ibibigay nya na lang iyon kinabukasan sa pinsan nito.
Dear silver,
"Ciao "Hi Silver, good day! Thanks pala sa letter mo sa akin. Ok lang ang kalagayan ko. Sorry mga pala kung di kita napapansin sa church nahihiya kasi ako sayo.
But di bale kung magkakasalubong tayo uli doon papansinin na kita promise.
Ok lang din na dalawin mo ako sa bahay nmin. Magpapaalam lang ako kay mama na may dadalaw.
Your's truly,
GoldMay ngiti sa labing isinilid nya iyon sa envelope saka sinilyuhan agad. Inilagay nya sa kanyang school bag saka naghanda na syang matulog. May ngiti sa mga labing pumikit sya ng kanyang mga mata hanggang sa makatulugan nya iyon.
BINABASA MO ANG
UNFORGOTTEN CRUSH(COMPLETED)
Teen Fiction#2-requitedlove #6-fellinlove #6-distance #8-highschoollove #9-annoying #11-quarrel "Class! Class!! Did I told you to start gossiping? "Ang inis na sabi ng guro sa kanila. Matanda na ito at medyo mahina ng kumilos saka may alta pression ata ito k...