CHAPTER SIX

579 20 0
                                    


 

   Simula noong mangyari ang insidenting hinalikan sya ni Silver tampulan na sila ng tukso sa buong klase na ikinayamot lalo no Gold sa nadaramang inis  para sa lalaki.
    "Uuyy Silver, narito na pala si Goldie oh. Batiin mo nman..iyong girlfriend mo"ang sabi ni Edward na katabi nitong nakatayo sa pintuan ng classroom nila.
   Di sya makadaan papasok dahil maliit ang espasyong naiwan sa tinatayuan ng dalawang lalaki.
  "Excuse me, pwede ba umalis kayong dalawa sa daraanan? Malaki kayong sagabal sa pintuan!"Ang nakataas kilay nyang sabi sa dalawa.
  "Hindi pwede, kaylangan humalik ka muna kay Silver bilang pagbati bago ka makakadaan dito! "Ang kunway serious nitong sabi na pilit pinipigilang tumawa.
   "Bakit di na lang kayong dalawa ang maghalikan dyan? Panunuorin ko kayo!. Hwag nyo ngang sirain ang tanghali ko at baka ako ay  makalimot sa aking sarili masakal ko pa kayong dalawa!. "Ang kagat-labing isinatinig nya sa mga ito. Pigil ang sariling patulan talaga ang mga ito.
   "Sakal talaga? Ang lupit mo nman Goldie. Magagawa mo talagang saktan si Silver?"Ang nakangiting wika nito.
    "Hala!sige na tabi na nga dyan at dadaan na ako....!"ang sabi nya sa mahinang tinig. Kagat kagat nya na lamang ang labi para di nya na matarayan pa ang mga ito.
    "Dadaan na daw sya Silver oh. Padadaanin ba natin? "Ang wika ni Edward na hinarap ang Silveryong  kolokoy .
   "Eh di dumaan sya. Di nman natin sya pinipigilang dumaan ah. "Ang pilosopong sabi din nito.
    Sa narinig walang babalang tinulak nya sa dibdib si Silver para makaalis ito sa pintuan ngunit na out of balance ito at napakapit sa kanya bigla. Kaya dalawa silang natumba sa sahig. Magkayakap at magkalapit ang mga mukha. Ito ang napailalim sya ang sa taas nman nito.
    Naghiyawan ang mga kaklase nyang nakakita sa nangyari. Namula ang pisngi ni Gold ng tingnan nya sa mukha si Silver. May kung anung damdamin syang nabanaag rito kaya dali dali syang napatindig mula sa pagkadagan rito. Dahil naasiwa sya bigla.
     "Oh Silver wala ka bang balak tumayo dyan huh?! "Ang narinig ni Gold na sabi ni Edward na may ibig ipahiwatig sa kaklaseng nakahilata pa din sa sahig.
   "Maya na pare parang ayaw ko pang bumangon eh..."ang nakatawang tugon nito.
"Sus... inimagine pa ang nangyari! Abah! Swerte mo nga nman.!"Ang napalatak na sabi ng kaklase nya.
   "Sayang! Hinayaan ko pang makaalis si Gold ko... "sabi nito na nagpapantig sa tenga nya.
    Napalapit sya rito ,nakahiga pa rin ito sa sahig. At wala nga atang balak na tumayo mula roon.
  "Ah ganun ba? Nanghinayang ka huh! Eh kung apakan kaya kita dyan at ng di ka na talaga makabangon ng tuluyan! "Ang nansisilik na mata na sabi nya rito.
  Grrrr! Ang tindi tlaga ng pagkaalaskador ni Silver! "Inis nyang naimutawi sa isipan .
   Halos araw araw kapag nagcross and kanilang landas parati silang nagbabangayan. Natabunan ng pagkainis ang crush nya sa lalaki. Ang pagtangi nya rito ay nawala na.
  She really hate Silver's guts.
    Isang araw nalate ng pasok sa tanghali ang teacher nila. Pagdating nito di sya kaagad napansin ng mga kaklase nya kaya na high blood ito dahil napakaingay ng buong klase nila. Dumeritso ito ng pasok sa comfort room sabay kuha ng tabo na may lamang tubig at inihagis sa kisame ng room nila. Lahat, nagulat at natahimik bigla. Pulang pula na ang mukha ng kanilang guro ng magsalita ito.
"Mga wala kayong respeto! Ang iingay nyo dinig ko sa daan pa lamang! "Tumaas baba ang dibdib nito tanda na naghahabol ng paghinga.
   Nagmarka ang tubig na isinaboy ng guro nila sa kisame di na talaga natanggal ,natuyo na lamang iyon.

UNFORGOTTEN CRUSH(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon