Every weekend magkasama sila parati ni Silver. Bahay at church lang ang parati nilang tambayang dalawa. Magkwentuhan ng mga bagay bagay o tungkol sa mga gusto nilang gawin kapag nagkolehiyo na.
Iang araw nagulat sya sa naging tanong nito sa kanya.
"Gold, kelan mo ba ako sasagutin...? "Ang malambing nitong tanong sa kanya.
Napaangat ang kanyang paningin mula sa book na binabasa nya saka napatingin dito. Mag -iisang buwan na itong dumadalaw sa kanya ngunit di nya nman alam na may iba pa itong pakay sa kanya.
Napangiti sya at may pilyang naisip.
"Bakit nanliligaw ka ba? "Ang kunway serious niyang tanong rito.
"Gold nman eh, matagal na kaya akong nanliligaw sayo. Hanggang ngayon di mo pa rin ba alam iyon? Wala ka bang pakiramdam o sadyang manhid ka lang talaga? "Ang serious nitong sabi.
"Nanliligaw ka na pala? Akala ko kasi pumapasyal-pasyal ka lang dito sa amin eh. Bakit di mo kasi sinasabi na nanliligaw ka na pala sa lagay na iyan? Di sana matagal na kitang...."ang napapangiti nyang wika rito na medyo binitin ang karugtong niyon.
"Gold nman eh... kelangan pa ba iyon? Eh alam mo nmang matagal na akong may gusto sayo noon pa. "Ang ani nito na napapakamot sa ulo.
"Ganun ba? "Ang sabi nya rito na napapangiting tinitigan uli ito.
"Oh di ba sabi mo may practice kayo ng sayaw ngayon. Bakit di ka pa umaalis? "Ang pang-iiba nya ng topic.
"Di ako aalis rito unless sagutin mo ko ngayon din. "Ang parang bata na saad nito sa kanya saka pinagsaklop ang mga braso sa dibdib.
"Bahala ka. Malelate ka na maya nyan... "ang sabi nya.
"Hmmp! Di pa rin ako aalis rito. "Ang sabi nito na nagmamatigas pa rin.
"Oh sya sige na nga. OO na. Alis na. "Ang sabi nya rito bigla.
"Talaga? Tayo na nga? Wala ng bawian yan huh. Yes!Sa wakas tayo na din Gold!. "Sabi nito sabay lapit sa kinaroroonan nya.
"Pwede ba kitang halikan Gold? "Ang narinig nyang sabi nito.
Napatingin sya rito bigla. Nagpacute ito sa kanya. Nagdadalawang isip pa sya kung pagbibigyan nya ito.
"Sige. Pero sa pisngi lang huh. "Ang ani nya rito.
Lumapit ito sa kanya ng bahagya saka ito yumuko at magaang hinalikan sya nito sa kaliwang pisngi nya. Para lang itong hangin na dumampi sa pisngi ng dalaga.
"Thank you Gold. You made my day. Sige na aalis na ako. Ingat ka lagi. I love you. "Ang sabi nito na hinalikan sya uli sa pisngi nya ng mabilisan saka ito mabilis na lumabas ng bahay nila. Napapangiting nahaplos ang pisnging hinalikan nito habang nakasunod ang mata sa papalayong kasintahan.
BINABASA MO ANG
UNFORGOTTEN CRUSH(COMPLETED)
Teen Fiction#2-requitedlove #6-fellinlove #6-distance #8-highschoollove #9-annoying #11-quarrel "Class! Class!! Did I told you to start gossiping? "Ang inis na sabi ng guro sa kanila. Matanda na ito at medyo mahina ng kumilos saka may alta pression ata ito k...