CHAPTER THIRTEEN

505 17 0
                                    

Weekend kaya sa bahay lang tumambay si Gold. Tamad syang gumala sa mga friends nya mas prefer nya pang matulog sa tanghali. Every Saturday morning meron silang school cleaning service sa public road nila. Kaya pagod at patang-pata ang katawan nya.
Mag-isa lang din naman sya sa bahay kaya walang sisita sa kanya sakaling matutulog sya buong maghapon. Matakaw sya sa tulog. Iyon lang ang main source ng energy nya.
Nagulat pa sya ng may magtao po sa labas ng bahay nila. Di nya nilabas baka kasi sa kabilang bahay iyon. Ngunit di pa rin tumitigil ang tao sa labas sa kakatao po.
"Tao po... "ang narinig nyang sabi uli ng kung sinuman sa labas. Napalabas sya ng bahay para tingnan kung sa kanilang harapan ba ng bahay iyon .
Nagulat sya ng makita nyang nakatayo si Silver sa labas ng bakuran nila. Nataranta sya bigla. Di sya nakapag-ayos ng sarili kasi bagong gising lang sya. Gustuhin nya mang magtago sa loob ng bahay nila di nya magawa dahil nakita na rin sya ni Silver.
"Hello Gold... "ang nakangiti nitong sabi sa kanya na lumapit sa kanilang gate.
"Oh, hi Silver!Nagawi ka ata sa amin?"ang medyo kinakabahang saad nya rito saka binuksan ang gate para makapasok ito sa loob ng kanilang bakuran.
"Dito talaga ang tungo mo or naligaw ka lang sa baranggay namin? "Ang di nya napigilang tanong sabay napangiti sa lalaki.
"Actually may hinatid ako dyan sa kabitbahay nyo. Dahil sinabi ng cousin ko kung saan malapit ang house nyo eh nagbaka sakali na akong puntahan ang house nyo baka narito ka. "Sabi nito na napakamot pa sa ulo sabay ngiti sa kanya ng may pangambang nakalarawan sa mukha nito.
"Oh I see. Halika pasok ka muna. Pasensya ka na magulo ang bahay namin. Kagigising ko lang kasi eh. "Ani nya sabay turo ng upuan malapit sa kanilang pintuan para makaupo ito.
Naupo ito kaharap ng mesa nila. Sya nman ay di mapakali sa kanyang kinatatayuan. Di nya malaman kung tatayo ba or mauupo. Sa huli pinili nyang maupo sa kaharap na upuan kung saan nakaupo si Silver.
"Ikaw lang mag-isa rito? "Ang narinig nyang tanong nito.
"Yup. Nasa work pa mama ko. Maya pa ang uwi noon. "Sabi niya rito na napatingin pa sa mukha nito. Sa paningin nya lalo pa itong gumagwapo kapag natititigan ng matagal. Biglang lumaki ang payating katawan nito noon. At tumangkad na rin ito ngayon. Noong elementary sila mas matangkad pa sya rito ngayon sya na ang pandak tingnan kapag itinabi silang dalawa.
"But ka napatitig dyan? May dumi ba ako sa mukha? "Ang sabi nito na may pilyong ngiti sa labi.
"Oo,iyan oh may itim ka sa noo "ani nya sabay kunway pahid sa noo nito kahit wala nman. Ayaw nyang mapahiya sa pagtitig nya rito.
"Hmmmm..."ang tanging sinabi nito.
"So, kumusta ka na? Ang laki ng ipinagbago mo ah. Di na ikaw iyong patpating Gold na klasmeyt ko noon. "Ang nakangiti nitong komento sa tindig nya ngayon.
"Hindi na kasi ako nakakalaro at nakakagala ng malayo simula ng lumipat kami ng bahay. Wala akong friends dito kaya nakapahinga ang katawan ko. "Ang nahihiya nyang sabi sabay pinamulahan ng mukha.
Patpatin kasi sya masyado noon saka ang gupit ng buhok nya ay maikli pa noon pinahaba nya lang ng malapit na silang gagraduate sa elementary noon. Now, mahaba pa rin nman ang buhok nya na mala buhok ng mais ang kulay. Kasi pinaglihi sya ng nanay nya sa yellow corn noon pinagbubuntis pa sya nito. Ang balat nya nman ay di maputi ngunit di rin nman maitim. Para syang golden brown minsan kapag nasisinagan ng araw. Tawag sa kanya ng mga kapatid nya ay negra kasi sya lang ang maitim kong itatabi sa mga ito. Pero kapag sa mga friends nya icompare ang kulay nya maputi syang tingnan sa mga ito.
"Ganun? Bakit puro laro ka lang ba noon?"ang tanong nito.
"Oo. Kaya nga parati akong napapalo ng mama ko kasi di ako ginaganahang kumain. Laro lang daw ang alam ko. "Ang napapangiting wika nya rito.
"Ayy! Sya nga pala, bukas susunduin kita rito huh. Sabay tayong pumunta ng simbahan. "Ang sabi nito saka napangiti pa. Lumabas tuloy ang dimples nito sa pisngi.
Di nya na nman napigilang titigan ito. Agad nyang binawi ang tingin rito ng muli syang nagsalita.
"Ok. Anung oras mo ba ako susunduin rito? "Ang tanong nya na di inaalis ang tingin rito.
"Around 4pm. "Wika nito.
"Ok. "Ang masaya nyang nawika. Hinatid nya ito sa labas ng pintuan nila ng papaalis na ang lalaki bisita nya ng may tuwang nakapa sa kanyang dibdib.

UNFORGOTTEN CRUSH(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon