Pinagmasdan ni Gold ang nakatagilid nyang crush na si Silver Albino. Di nya magawang ialis ang paningin dito para bang glue na nadikit at ang hirap ng alisin pa.
Naaaliw syang tingnan o titigan ng panakaw ang labi nito na kumikibot kibot habang nagsasalita sa katabi nito. Tila ba kay sarap damhin noon.
Puwesto sya sa bandang likuran ng kaklasing nakaupo sa unahan nya para di sya agad mapan ni mahalata ni silver na nakatingin sya rito.
Bakit ba kasi moreno ito na syang kinaiingitan nyang kulay sa lahat. Semi-morena kasi sya kung ididikit sa mga kapatid nya ngunit kung sa mga kaklase nya nman at maputi syang tingnan.
Hayy Silver kaylan ka kaya pagsawaan ng puso kong ito.. ani nya sa isip sabay daklot ng dibdib at nag-emo-emote sandali. Na para bang nasa kalagitnaan sya ng shooting. Iyon pala nagday-dreaming lamang."Hoy Goldie anu na nman ang nangyayari sa iyo dyan? At bakit may pa daklot-daklot ka pa ng dibdib mo ha?"ang sita ni Abby na syang katabi nya sa upuan. Napabaling tuloy sya dito dahil biglang naputol ang kanyang day-dreaming.
"Wala lang. Nag - eensayo lang ako sa drama acting ko baka kasi maisipan kong pumasok sa pagiging artista someday eh."sabi nya na napatitig rito sabay nginisihan ang katabing kaklase.
"Baliw! Nababaliw ka na nga! Ikaw noh, puro ka talaga kalukuhan dyan ano?. Tara, tutal wala pa si ma'am eh punta na lang tayo sa canteen para malagyan ng pagkain iyang nahahanginan mo ng pag-iisip!. "Yaya nito sa kanya saka walang sabi-sabing hinila sya sa kamay palabas ng silid-aralan nila.
"Ayy! Ayaw ko nga! Kasi mamaya sasabunin tayo ni ma'am kapag nadatnan tayo sa labas. "Tanggi nya na napanakaw-tingin uli sa gawi ni Silver na ng oras na iyon ay nakatingin na pala sa kanilang dalawa ni Abby.
Sumikdo bigla ang bubot nya pang puso. Namula ang kanyang pisngi kaya bigla syang napayuko.
"Oyy! Goldie nman eh!. Sige na nga mamaya na nga lang! "Nakasimangot nitong sabi sabay upo uli sa upuan nito at kumuha ng papel at nagsulat na lamang.
Sya naman ay inangat ang paningin kay Silver na nakatalikod na sa kanyang gawi ng sandaling iyon. Kaya napilitan na lang din syang maupo at gawing busy ang sarili.
"Easy lang heart. Wag kang kumuwala at baka tayo ay madali na. "Sabi nya sa kabadong puso. Malakas kasi ang pintig niyon dahil sa mga huling tingin ng crush nya sa kanya.
Sumunod na araw habang di pa nagbi -bell nagstay muna sya sa labas ng kanilang classroom. Nilapitan sya ng isang kaklase na si Kate na katabi nman ni Silver.
"Hoy!Goldie,may sasabihin ako sayo. Good news talaga ito girl!"sabi nito na nakangiti sa kanya at mukhang excited pa sa sasabihin nito.
"Anu ba yun? "Serious nyang tanong rito.
"Si Silver kasi may crush sayo... "ang pabulong nitong sabi sa kanya.
"Ayy ganun?! Bakit ngayon mo lang sinabi?! Ah, eh kako s-sino pala ang nagsabi nyan sayo?"ang medyo kambyo ng na-excite na nainis nyang turan rito sa biglang paglumanay at kunwari di sya interested. Pero kung susumahin kulang na lang magpadasal sya sa pasasalamat dahil ang crush nya ay meron din palang crush sa kanya.
"Sya mismo! Kahapon nya lang sinabi. Unang pasok pa lang daw nya rito sa classroom ikaw na daw agad ang nakakuha ng pansin nya girl!. "Ani nito na medyo kinilig pa.
"So ,anu nman ngayon? "Ang di nya napigilang pagtataray ng sagot nya rito.
"Sus!ito nman uminit kaagad ang ulo. Eh crush ka lang nman nung tao noh! "Wika nito saka padabog na umalis sa harapan nya.
"Hmmmp! Di ko na nagustuhan ang kaalamang crush nya din ako. Ayaw kong magkacrush sya sa akin. Dapat ako lang talaga ang magka-crush. Kakabad-trip nman oh!"Ang inis nyang sabi sa sarili lamang. Tuluyan na nga syang nabadtrip dahil soon. Kung kanina na excite sya ngayon nman talagang inis na sya.
Simula ng araw na iyon. Inis na ang lumukupa sa kanyang dibdib. Natabunan na ata ng pagkainis ang crush nyang naramdaman kay Silver. Di nya maipaliwanag kung bakit basta na lamang sya naiinis sa kaalamang may crush run ito sa kanya. Di nya ma-espeling ang takbo ng kukute at puso nyang bubot pa.
BINABASA MO ANG
UNFORGOTTEN CRUSH(COMPLETED)
Teen Fiction#2-requitedlove #6-fellinlove #6-distance #8-highschoollove #9-annoying #11-quarrel "Class! Class!! Did I told you to start gossiping? "Ang inis na sabi ng guro sa kanila. Matanda na ito at medyo mahina ng kumilos saka may alta pression ata ito k...