Iniiwasan na ni Gold makasagupa si Silver sa kahit anong dahilan. Minabuti nyang bantayan maigi kong nasa paligid nga ang lalaki para makalagay agad sya ng distansya rito.
Naiirita na sya rito. Ni katiting ng paghanga talagang wala na syang maramdaman kundi ang pagkairita nya kapag nasa malapitan lang ito. Binabalewala nya na rin ang mga pang-aasar ng mga classmates nya sa kanilang dalawa.
Nagpakabulag at bingi sya. Kahit gusto nyang angilan ang mga ito pinili nyang manahamik na lamang sa isang tabi.
Isang araw habang naglelecture ang kanilang teacher sa unang subject sa hapon niyaya sya ng katabi sa upuan na lumabas daw.
"Gold, bigla akong nagutom halika punta tayo sa likuran doon sa may canteen. Libre ko na please...? "Ang halos pabulong nitong sabi sa kanya.
Dahil kahit sya rin ay nakaramdam ng gutom sumang-ayon sya ritong lumabas.
"OK. Mauna kang magpaalam at susundan kita. Sige na. "Ang sabi nya rito.
"Excuse me, ma'am, may I go out? "Ang sabi nito sa kanilang guro. Tumango lang ang teacher nila bilang pagsang ayun dito.
Pinalipas nyang dalawang minuto bago sumunod na nagpaalam.
"Excuse me maam... can I go out? "Ang sabi nya sa guro.
"You may. "Ang tugon nito.
Dali-dali syang pumunta sa labas Kung saan nakaabang ang katabing si Reina.
Dahan-dahan silang pumunta sa likurang bahagi ng silid-aralan para doon dumaan. Hindi kasi masyadong mapapansin ang mga dumadaan doon kapag pagapang ang gagawin nila.
Daig pa nila ang magnanakaw na pumupuslit palabas.
Nasa kalagitnaan na sila ng paggapang ng biglang magsalita ang teacher ng room na dinadaanan nila mula sa bintana.
"Hoy! Anung ginagawa nyo dyan, hu?. Bakit dyan kayo dumadaan at gumagapang pa? "Ang sabi nito sa istriktong tinig
Nang marinig nila ang tinig nito madalian nilang nilampasan ang room nito at patakbong lumabas sa back gate ng school.
"Whew!muntikan na tayo roon huh. Ang istrikta pa nman nyon. "Ang sabi ni Reina na napahagikhik.
"Oo nga eh. Naku! San pala tayo dadaan mamaya? "Ang worried nyang tanong rito.
"Sa harapan na ng room nya. Di nya na malalaman na tayo yung napadaan na gumagapang sa back yard ng room nya hehe. "Ang wika nito sa umapir sa kanya.
"Sige ayos yung naisip mo B1..."ang wika nya na napangiti rito.
Nagpakabusog silang dalawa sa canteen. Patapos na sila ng makita nila sina Edward at Jonathan patungo sa kinaroroonan nila.
"Hala! Kayong dalawa bakit nasa labas kayo huh? "Ang kunway parang teacher nitong sita sa kanila.
"Bakit kayo din nman ah. Nasa labas na rin? "Ang tugon ni Reina rito.
"Pare-pareho lang tayong mga pasaway kaya wag ka ng magmalinis ano. "Ang baling nya sa mga ito.
"Hehehe oo nga. Wala na talaga tatalo pa sa 'most pasaway grade six section earth '"ang sabi nito na kumumpas kumpas pang kamay sa ere.
"Oh sya sige. Kayo nman pumalit sa amin at kami nman ang babalik sa silid aralan. "Sabi nya na nagpatiuna ng maglakad kasunod ang kaklaseng si Reina.
Parang wala Lang nangyari ng dumaan sila sa katabing classroom at painosenting bumalik sa kanilang silid-aralan. Di na sila napansin ng kanilang guro kasi busy ito sa kasusulat ng lesson sa board.
"Saan kayo galing huh? "Ang tanong ng classmates nila sa likuran.
"Dyan lang sa tabi-tabi lumanghap ng fresh air. "Nakangiting wika ni reina sa mga ito.
"Wehh... sa canteen ang napadparan nyo,anu? Kayo pa, eh yan lang nman ang pinipuntahn natin kapag nag excuse na sa teacher. "Sabi nito na medyo pabulong.
"Oo na, wag ka ng maingay at marinig tayo ni maam mamaya "ang napahagikgik ni Gold na sabi rito.
BINABASA MO ANG
UNFORGOTTEN CRUSH(COMPLETED)
Teen Fiction#2-requitedlove #6-fellinlove #6-distance #8-highschoollove #9-annoying #11-quarrel "Class! Class!! Did I told you to start gossiping? "Ang inis na sabi ng guro sa kanila. Matanda na ito at medyo mahina ng kumilos saka may alta pression ata ito k...