CHAPTER SEVEN

576 23 0
                                    

              Feeling ni Gold nasa loob pa rin sya ng isang oven ng marating nya ang kanilang classroom. Naglakad lang kasi sya ng tanghaling tapat papunta sa kanilang school dahil malapit lang din nman ang bahay nila . Di sya gumamit ng payong kasi parati nyang naiwawala ito sa sobrang makakalimutin nya rin minsan.
     Pawisan sya ng makapasok sa loob room at agad  napasalampak sa kanyang upuan. Buti na lang mahangin sa kanilang silid aralan kaya pinagpahinga nya muna ang nararamdamang pagod at init.
    Nakamasid lang sya sa mga magugulo at maiingay na mga kaklase. Di pa rin nadadala ang mga ito sa kanilang kaingayan kahit nasampulan na sila  ng kanilang guro na matanda na noong nakaraang araw.
     Makalipas ang twenty minutes nakatitig lang sa harap ng black board si Gold pero wala nman syang tinitingnan doon. Nakatitig lang sya sa kawalan.
   "Meron akong crush dito sa loob ng  classroom "ang narinig nyang sabi ni Silver na noon ay nakaupo sa unang seats ng row nila. Nakaharap ito sa kanyang direction. Di nya inintindi ang mga sinasabi nito.
  "She's wearing a yellow tee shirt... "ang sumunod nyang narinig dito.
   Nakuha nito ang atensyon nya kaya bigla syang napalinga sa mga classmates na naroroon din sa room nila. Napakunot noo sya ng mapansin na walang ibang nakasuot ng yellow shirt kundi sya lang. Agad sumulak ang kanyang dugo sa galit dito.
"Hoy! Ako bang tinutukoy mo? "Ang galit nyang sita dito na di umalis sa kanyang pwesto sa upuan.
" Bakit, ikaw Lang ba ang nakasuot ng yellow na damit? "Pang-iinis nitong wika sa kanya.
"Ayy... baliw ka pala eh! Ako lang nman ang nakadilaw rito oh! "Ang turan nya na tuluyan ng uminit ang kanyang ulo sa inis.
    Dahil doon hinubad nya ang suot-suot na makapal  nyang  pink islander  slipper at walang babalang pinalipad iyon  patungo sa nakaupong si Silver.
  Pero nakailag ito ng patamaan nya kaya sa black board tumama ang slipper nya.
  "Whoa! Muntikan na ako tamaan noon Goldie Llano. "Sabi nito na napangisi pa sa kanya. Napatigil sa tsimisan ang mga classmates nya at napatanga sa kanilang dalawa ni Silver.
  "Anu yan lover's quarrel under the hottest sunshine? "Ang tudyo ni Edward sa kanila.
  Binalingan nya si edward at pinansilakan ng kanyang mata. Pagkatapos hinarap nya si Silver uli.
   "Pasalamat ka at nailagan mo iyon. Sapul ko sana ang pagmumukha mo bruho ka! Wala ka na talaga magawa sa buhay ano? "Ang yamot nyang sabi rito.
    "Ayaw mo kasi akong tingnan eh ni ang tapunan ng pansin so no ginawa"ang napapangiting wika nito sabay kindat sa kanya .
   "Insane! Pwede ba ,ako nga'y tigil-tigilan mo ha kasi kumukulo ang dugo ko kapag nagkakasagupa tayong dalawa. "Ang gigil nyang wika rito na ikinatawa pa nito.
   "Eh kasi ayaw mong aminin na yung hate mo sa akin ay naging love na. "Pang aalaska pa nitong muli.
  "Grrrrr! Kapal mo ha! Akala mo kung napakagwapo mo na. Tse! Moreno ka lang at wala kang ka appeal-appeal sa akin!"ang pagtataray nyang saad rito. Pinasinugalingan nya ang unang nadarama rito noon.
   "Sa ngayon siguro wala pa akong appeal sayo. Ngunit itaga mo dyan sa puso mong masungit na sa huli sa akin rin ang bagsak mo! "Pagkawika ay nagpalipad pa ito ng flying kiss na ikinakilig ng mga babae nyang classmates.
   "Wooww! Ang tindi ng love story dito sa room natin oh. "Ang napapalatak na sabi ng alaskador na si Jonathan.
  "Ok ba ang drama pare. Pasok na ba sa box office?"Wika ni Silver rito saka ng apir ang mga ito.
    "Magsama kayong mga kolokoy! "Ang inis na wika ni gold sabay labas ng room nila.
   "Hahahaa.... bad ka talaga Silver. Ang tindi mong tumira ng mga girls. But patok iyon sa takilya pare. Kaya idol kita.. "ang turan ni Jonathan na inakbayan pa ang kaibigang si silver.

UNFORGOTTEN CRUSH(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon