CHAPTER NINETEEN

571 12 0
                                    

   Pagkapasok ni Gold sa classroom nila agad syang sinalubong ng pinsan ni Silver.
"Hello Gold good morning.... oyyy! Nakita ka nga pala ni Silver kahapon. "Ang masigla nitong wika sa kanya.
"Oh? Saan nman daw nya ako nakita? "Ang nakakunot noong sabi nya.
"Sa may front daw ng isang store. "Ang sagot nito sa kanya.
So tama pala ang sapantaha nya na nasa malapit lang ang lalaki. Kaya pala ang lakas ng kaba nya at kakaiba ang kanyang naramdaman kahapon.
"Gusto ka daw nya sana lapitan kaso umalis ka daw agad. "Ang narinig nyang sunod na sabi nito.
Di sya umimik sa sinabi nito. Maya-maya dumating ng subject teacher nila kaya napaupo na silang lahat sa kanilang mga upuan.
   Nang sumunod na weekend inaya sya ng mga kaklase nya na magpunta sa beach. Dahil wala nman syang gagawin sa bahay pumayag sya at sumama sa mga ito.
As usual with partners ang mga ito. WAla syang magawa kasi nasa beach na sila ng malaman nya iyon. So, imbes makihalubilo sa mga ito dumistansya na lamang sya.
Napili nyang magbabad sa sikat ng araw sa may batuhang bahagi ng beach. Di nya alintana kong umitim sya. Dahil mas gusto nya ang morenang kulay kesa puti. Saka nya na lang popoblemahin ang sunburn kapag nagstart ng humapdi na ang balat nya.
"Are you  insane?!"ang medyo mataas na boses ang narinig nya galing sa isang boses lalaki.
Kaya mula sa pagkakaharap sa dagat napabaling sya ng mabilis sa taong nagsalita sa kanyang likuran.
Nagulat pa sya ng makitang nakatayo sa batuhan malapit sa kanya si Silver magkasalubong ang mga kilay na nakatingin sa kanya. Only wearing his beach short without his top shirt. Bagay rito ang get up nito dahil moreno ito. Di nya naalis ang paningin sa lalaki kaya nagulat sya ng muli itong nagsalita dahil tila di pa naabsorb ng utak nya ang nakikita ng kanyang mata
"Are you going to stare at me all day Goldie? "Ang amused nitong wika na nakapamewang sa kanya.
Wala syang maapuhap na sabihin tila nabaluktot ang kanyang dila kaya binawi nya lamang ang pagkakatitig rito at ibinaling uli ang paningin sa lumalalim na tubig dagat.
Napapitlag pa sya ng bigla syang hinawakan ni Silver sa magabilan balikat sabay sabi.
"Gold... can you speak to me for a while? I want to talk you about us. "Ang malumanay nitong sabi sa kanya.
Napatitig sya sa kamay nito na nakahawak sa kanya. Binawi agad ni Silver iyon ng masundan nito ng tingin ang tinitingnan nya saka piniling umupo sa tabi nya.
Tahimik lang sya sa tabi nito. Di sya nagsalita kasi parang wala na nman sila dapat pang pag-usapan. Ayaw nyang magsalita dahil wala syang makapa na sasabihin rito.
"Gold..... please will you listen to me?. Please hear what I'm going to say. "Sabi nito na pinihit sya paharap rito. Napatitig sya sa mga mata nito na  tila nangungusap sa kanyang pansinin ito o bigyan pa ito ng pagkakataong magpaliwanag sa kanya.
"I know I was wrong when I ignored you that day. Am so sorry heart... I didn't meant to hurt you. Could you give me another chance? "Ang malumanay nitong sabi.
Di sya kumibo,give him another chance? And what will happen next?'atribidang anas ng isang bahagi ng utak nya.
"Gold please.. will you speak up? "Ang medyo nainis nitong turan.
"Alright Silver. I can give you second chance maybe but things are different now. We can't go back the same way we used to be. "Ang sabi nya rito ng walang kabuhay-buhay. Tiningnan nya ang reaction nito. Medyo nakitaan nya ito ng panlolomo but she can't give him her full trust now. She don't want to experience another rejection again if ever.
"Is that mean that possibly we'll back together? "Ang paniniyak nito.
"Maybe. Lets see what will happen next. "Ang napakibit balikat nyang ani  rito.
"Thank you Gold kahit di pa nman tayo talaga nagkabalikan at least may pag-asa pa ako. "Ang medyo masigla nitong sabi.
"But mo nga pala ako ginawang display girlfriend? Ganun lang ba ako sayo Silver,pandisplay lang? "Ang di nya napigilang isumbat rito.
"Gold..... am sorry about that. Di ko sinasdyang makarating sayo ang ukol sa bagay na iyon. Matagal na iyong napag-usapan ng tropa naungkat lang ng isang kagrupo kaya lumabas ang isyu about doon. "Ang di magkandaututo nitong paliwanag sa kanya.
"Niligawan kita dahil gusto ko at mahal kita di sa anupamang rason. "Sabi nito na inangat ang kanyang mukha para pumantay rito. Nagkatitigan sila sa ginawang iyon ng lalaki. Gusto nyang bawiin ang mukhang hawak nito at magmatigas rito ngunit sa huli hinayaan nya na lang ito.
"Di ko ninais saktan ka. Sorry... I love you... you know I do. Please heart don't make it hard for us. Do you still love me Gold? "Ang tanong nito na di inaalis ang pagkakahawak sa mukha nya.
Napatango sya bilang sagot rito. Ayaw nya pa sanang  aminin kaso nahihirapan na syang itago pa iyon rito dahil ito pa rin ang laman ng puso nya.

UNFORGOTTEN CRUSH(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon