CHAPTER SEVENTEEN

450 13 0
                                    

    Three months ng magkasintahan sina Gold at Silver nang makaramdam si Gold ng kunting pagbabago sa relasyon nilang dalawa. Pumapalya na ang pagpunta ni Silver sa bahay nila every weekend. Marami na itong alibis kesyo may practice daw ito at busy sa school projects sa school nito.
  Inintindi iyon ni Gold kasi alam nya kung paano maging  busy kapag mayroong projects or activities sa school.
   So, dahil di nman nakakapunta si Silver sa bahay nila. Sumama na lamang sya sa mga kaklase nyang umaaya sa kanya para mag-adventure daw sa bukid ng isa nilang classmate.
  "Kanino bang bukirin ang aakyatin natin huh Jecyl? "Ang tanong nya ng sunduin na sya ng mga ito.
  Marami pala sila. Partner partner ang drama ng mga ito sya lang at yung isa nyang kaklase na may ari ng bukirin ang walang partner.
"Ayy!bakit kayo may partner?  Di ba kakasuya nman sa part namin yan? Maa-out of place kami nyan eh. Dahil for sure meron mag didisplay of affection dyan sa inyo mamaya. "Ang sabi nya sa mga classmates nyang may partner.
"Di magdala ka rin ng sayo para meron ka ding partner. "Sabi ni Jecyl.
"Hmmp! Wala ngang makaray eh. Di bale lalayo na lang ako mamaya sa mga love birds at baka ako ay malanggam din kapag nadikit sa inyo sa sobrang sweet nyo mamaya. "Ang pilyang sabi nya sa mga ito.
Tawanan lang ang naging reaction ng mga ito sa sinabi nya.
  Naghiking sila sa kalagitnaan ng sikat ng araw. Iyon ang trip ng mga kasama nya kaya kahit ayaw nya sanang maglakad napilitan rin syang makisabay sa mga ito. Ayaw nyang matawag na kill joy.
  Tawanan ,kulitan at asaran ang kinahantungan ng paglalakad nila. Di nila namalayan na narating na nila ang kinaroroonan ng bukirin ng kaklase nila.
   "Hayy!salamat andito na rin tayo sa wakas. Nakikita ko na ang bahay kubo nila Richel oh. "Ang sabi ni Jecyl sabay turo sa bahay na di kalayuan sa kanila.
  "Oo nga. Kaya takbuhan na para agad makarating ang kubo! "Ang sabi ni Roy na agad napatakbo ng mabilis.
Nagpulasan na rin sa pagtakbo ang mga kasamahan nila. Si Gold na piling nya nasa loob sya ng oven ng sandaling iyon ay naglakad lamang. Di sya nakitakbo sa mga ito. Baka maya mawalan sya ng ulirat bago marating ang kubo ng kaklase nila sa pagod.
    Nagshort cut sya ng daanan. Di sya dumaan sa dinaanan ng mga kaklase. Doon sya dumaan sa may pilapil patungo sa kubo. May natanawan syang puno ng mangga na natumba at may mga bunga iyon.
  Napangiti sya bigla ng makita ang mga bunga ng mangga. Natakam sya kaya napabilis ang hakbang nya patungo roon para mamitas. Makapal ang dahon ng mangga kahit natumba na iyon.
   "Hmmm.. lagot ka sa aking mangga ka hindi kita sasantuhin ngayon. Ikaw ang pagbabalingan ko para mawala ang pagod ko sa hiking adventure na ito! "Ang sabi nya sa kawalan.
"Anu nman ang kasalanan ng mangga sayo? "Ang narinig nyang sabi ng kung sinuman sa taas ng puno ng mangga.
Napatingala sya sa nagsalita. Nagulat pa sya ng makita si Silver sa taas ng puno.
"Silver! Anung ginagawa mo dito?"ang maang na tanong nya rito
"Hinihintay ka. "Ang wika nito na nakangiti sa kanya .
"Eh diba busy ka ngayon, bakit andito ka? "Ang tanong nya na di inaalis ang pagkakatingala rito.
"Ayaw mo ba akong makita at makasama rito? "Ang wika nito na may himig pagtatampo.
"Di nman sa ayaw. Wala ka kasing pasabi na pupunta ka rin pala dito eh. Sabi ng pinsan mo busy ka nga raw. "Nakasimangot nyang usal rito.
"Lumiban muna ako ng practice para makasama ka heart... kasi alam kong two weeks na tayong di nagkakausap at nagkakasama. "Sabi nito na bumaba sa puno at nilapitan sya sa kanyang kinaroroonan.
"Oh sya sige punta na tayo sa kubo at gusto kong magpahinga muna. "Ang wika nya na tinalikuran na ito. Nainis pa rin sya sa lalaki kahit nagpaliwanag ito sa kanya.
Ngunit bago pa man sya makalayo rito nahila na sya nito pabalik sa tabi nito.
"You'll stay here.. with me. I want to take this chance to be with you heart.."ani nito na hinawakan ang mga kamay nya.
"Silver... "ang tanging nausal ni Gold sa kasintahan.
"I miss you my Goldie. Don't you miss me too ?"tanong nito sa kanya.
"I did missed you Sil."ang bulong nyang wika rito.
"Parang di nman eh kasi kung di kita napigilan kanina iniwanan mo na ako rito. "Himig tampo nitong wika.
"Na miss nga kita sabi eh. "Sabi nya na dinukwang ito saka hahalikan sana sa pisngi si Silver ngunit biglang humarap ito sa kanya. Kaya sa may gilid ng labi nito tumama ang lips nya.
"Ooops! My lucky day. I've got my kiss on the lips! "Ang napasigaw na hayag nito.
"Anu ka ba Silver! Maya marinig ka ng mga kasamahan ko at akalain nila kung anu na ang ginawa ko sayo. "Ang napasimangot nyang saway rito.
"Masaya Lang ako heart. "Sabi nito na iginiya sya paupo sa katawan ng puno.
Naupo silang pareho doon. Naramdamang nyang yumakap ang mga bisig ni Silver sa bewang nya at di nya iyon inalis hinayaan nya lang iyon.
"Dito lang muna tayo heart... gusto kitang makasama ng solo. "Ani nito na idinantay ang baba sa kanyang balikat habang yakap sya nito. Di sya sumagot bagkus ninamnam nya ang magandang dulot noon sa puso nya.

UNFORGOTTEN CRUSH(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon