CHAPTER NINE

542 18 0
                                    

        Dumating ang araw na pinakaaabangan ng mga students sa huling level ng primary school. Ang graduation day. Lahat ay excited sa nalalapit na pagtatapos sa elementary.
   Dahil kakaibang experience na nman ang kanilang kahaharapin sa secondary level. They feel like they're grown up already if you're a high school students.
      Kaya pagpasok ni Gold sa room tsikahan na nman ang mga kaklase nya na akala mo ay mga bubuyog sa kakaingay. Kanya kanyang bida kong saang paaralan sa high school sila mag-aaral. Tatlo ang high school sa lugar nila isang public, semi-private at private school.  Si Gold nakapagpasya ng magpapaenrol sa public school kasi malapit lang sa house nila. Although ang nanay nya ay nag-aral noon sa semi -private school sa kanilang lugar ngunit di iyon alintana ng dalagita.
     Narinig nyang babalik si Silver sa private school na pinapasukan  dati ng lalaki. Napadpad lang nman ito sa school nila kasi tinanggal na ng private school iyong elementary level sa school nito. High school na lamang at college meron ang nasabing private school.
   "Buti nman magkaiba tayo ng school. Para di sumikip ang mundong ating ginagalawan. "Mahinang usal nya sa sarili.
"May sinasabi ka ba dyan Goldie? "Ang tanong ng katabi nyang si Reina.
   "Wala nman... " pagkakaila nya rito.
    "Tingnan mong mga bubuyog na to, bukas mayron tayong achievement test di man lang nagse-review! Puro tsismis na walang kakwenta-kwenta ang nagsilabasan sa mga bibig ng mga ito!"Ang palatak na reklamo nito sa kanya.
  "Yaan mo na sila dahil matatalino na ang mga iyan eh. "Balaewalang usal nya sa kaklase.
     Kinabukasan lahat ay na-tense at kabado sa achievement test buong araw . At ang magiging proctor nila ay manggagaling sa ibang school.
    Kaya nman medyo behave sila ng kaunti habang inaantay ang teacher na magpo-proctor sa kanilang section.
     Maya maya dumating ang isang maliit na medyo may kaitiman na babae, nakasuot ito ng teacher's uniform kaya inisip nila na baka ito na nga ang magbabantay sa kanila.
    "Good morning class. I'm Mrs Mary Ruiz, teacher from kawayan elementary school. "Ang sabi nito na di man lamang ngumingiti sa kanila.
   "Good morning ma'am Ruiz. "Ang sabay-sabay na chorus nilang lahat .
   "Ok. Put all your things in the front. And we'll begin the achievement test. "Pagkaraan ay wika nito.
Lahat sila ay tumayo at sumunod sa pinag-uutos ng kanilang proctor. Nang matapos ilagay ang mga gamit nag -umpisa ng magbigay ng questionnaire ang guro nila.
    Mabilis silang natapos sa pagsagot ng mga questions sa kanilang test papers. Mayron lang kakaunti ang natitira pang sumasagot sa test.
      Dahil nakatanga na lamang may isang nagtanong sa guro .
   "Excuse me ma'am. Can we play chess while waiting for the bell to ring? "Tanong ni Jonathan.
    "Sure. But wag kayong mag-iingay huh. Makadidisturbo tayo sa kabilang room sakaling maingay kayo. Here may damath pa rito. "Sabi nito na binigay ang damath board sa nakaupong si Edward sa harapan nito.
   "Ma'am, pwede rin ba kaming magsungka sa desk nmin?. Magdo-draw lang po kami ng sungka sa desk. "Sabi nman ni Alison.
   "OK. Basta wag mag-iingay huh. "Pagsang-ayon uli nito sa mga classmates nya.
    Pati rin si Gold gumawa ng sungka game sa desk saka nagpaalam na kukuha ng maliliit na bato sa labas ng room nila. Nagsunuran na run iyong iba pa nyang kaklase nang magbigay ng go signal ang kanilang proctor.
     Lahat sila ay tapos ng sagutan ang mga tanong sa questionnaire ng test kaya naglalaro na lamang sila. Ngayon, iba na ang  kanilang kinabibisihan nilang lahat na  mag-aaral hindi test kundi games.
     Nang biglang dumating ang kanilang principal at natunghayan ang pangyayari sa loob ng classroom na imbes test ang pinagtutuunan ng pansin ng buong klase nakita nyang nagsusungka na lamang ang mga Ito na akala mo ay walang examination na nagaganap ng araw na iyon.
    "What is the meaning of this Mrs Ruiz?! "Amg madagundong nitong sabi na nakatayo sa may bungad ng pintuan nila na napatingin sa galit na galit na principal na nakatayo sa pintuan.
    "Ah eh ayaw po nilang makinig sir. Sinabihan ko sila na wag maglaro ngunit naglaro pa rin ho sila. "Ang sabi ng natatarantang guro. Binaliktad pa sila nito samantalang Ito nga ang nagsabi na pwedi silang maglaro.
    Galit na galit ang principal ng lisanin ang room nila . Tahimik silang lahat nakatingin sa gurong nakaupo sa harapan nila. Parang walang nangyaring inabala nito ang sarili. Hanggang sa marinig nila ang bell hudyat na uwian na nga. Kanya-kanyang kuhaan na ng mga gamit ang mga classmates nya at mabilis na nagsilabasan sa classroom.
   Kinahapunan kalat na kalat sa buong campus ang about sa ginawi nila during achievement test. Naghugas kamay pa ang guro na nakatalaga sa kanila. Sila ang ginipit para di ito masisi ng principal.
  Umabot hanggang department of education. Talagang ang tindi ng section nila sa pagiging pasaway. Kaya naman nagbibingi-bingihan na lang din si Gold sa kanyang mga naririnig sa paligid.

UNFORGOTTEN CRUSH(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon