Kring! Kring!
Malakas na nag-alarm ang alarm clock sa gilid ng kama ko. Hinikap-hikap ko at pinatay.
Nakakarindi na kasi, kahit kailangan ko bumangon ng maaga para magtrabaho tamad pa ang buong katawan ko. Di bale advance naman yun ng isang oras para sure kahit magtagal pa ko sa kama.
"Hah! Mag-sisix na pala!"
Nagulat ako pagkakita sa wall clock (hindi ata umepek yungisang oras na advance sa alarm clock ko eh?). Oo ala-sais ng umaga dapat nakahatid na'ko ng mga gatas at dyaryo sa harap ng mga bahay sa Greenville Subdivision. Isang subdivision na mayayaman lang ang nakatira. Tapos ako nakatira sa LABAS ng subdivision, labas lang. Malayo-layo rin ako, nagbibike pa nga ako bago makarating sa subdivision. Mga 10 minutong bike lang, wala akong masyadong kapit bahay at layo-layo ang mga bahay dahil malayo na sa bayan o downtown. Biglang nagring ang cellphone ko, kring-kring! Kinuha ko sa bulsa ko ang para tignan kung sino tumatawag, palagay ko si Terry.
Terry Calling..
"Si Terry nga."
Agad umikot pabilog ang mga mata ko. Sya kasi yung taga-tawag ng boss namin paglate na kami. Nagmadali nako. Bago ko sagutin syempre umalis nako ng bahay para sabihin na on-the-way nako. Lumabas nako at ini-lock ang pintuan ng bahay ko. Tapos sinagot ko na yung tawag ng tawag. Haaay kainis talaga! Ayoko kasi ng may tawag ng tawag habang may ginagawa ako.
"Hello Ter."
"Asan kana, MJ?"
"On the way nako. Nilalagnat kasi ako kagabi eh kaya nalate. Pasensya na pakisabi kay boss."
Usal ko na para bang totoo. Eh tinamad lang naman talaga ko, naglinis pa nga ako ng ding-ding kagabi.
"Ganun ba? Kaya mo naba?"
Sabi ni Terry na parang nag-aalala.
"Oo naman! Ako pa." Masayang sabi ko sa kanya.
"Sige na, sige na. Malapit nako jan."
"Sige. Ingat." Sabay binaba ko na. Tumakbo nako papunta sa bike ko at nagmamadaing pumaddle.
Nakaraan ang 10 minuto, nakarating nako sa opisina namin. Madali kong kinuha ang mga dyaryo.
"Goodmorning, Jane!"
"Ay, goodmorning din."
Sabi ko habang kinukuha ang mga dyaryo ng mabilis, hindi ko na nga sya nakuhang tignan, basta nag-goodmorning nalang din ako.
"Hinay-hinay lang uyy! Baka mabinat ka. Nilagnat kapa kagabi."
"Ha?"
Nagtaka ko habang naglalagay parin ng mga dyaryo, unti-unting tinaas ko ang ulo ko para tignan sya.
"Hindi naman ako-" natigilan ako nung makita ko, si Terry pala yung kumakausap sakin.
Oo nga pala, muntik nakong mabuko!
"Hindi ka?"
"Ahh! Hindi naman ako mabibinat kase uminom nako ng gamot! Yun!" kinakabahan kong sabi sabay tawa.
"Ah.. Mabuti naman." huminto sya sandali.
"Sige MJ, nandon yung mga gatas sa likod. Bale, nilagay ko na box. Nagalala kasi ako nung nalaman kong nilagnat ka."
Napaka-maalalahanin nya talaga! Natigilan ako sandali nun.
"Sige pasok muna ko sa office." sabay ngiti at kumaway. Ang bait talaga ni Terry, gwapo na, matalino pa! Bigla kong natauhan, magdedeliver pa nga pala ko!
Nilagay ko na sa bike ko ang mga dyaryo at gatas sabay padyak. Mabilis akong nagpepedal dahil gagawa pa ko ng project ko para sa school. Working student kasi ako, nakapag-aral ako dahil sa scholarship. 3rd year college sa kursong Journalism. Kaya din ako nagapply bilang delivery girl sa isang printing press dahil madami akong matututunan sa kanila. Tsaka marami narin akong kaibigan doon at may mga tumutulong sakin kung sakaling magipit ako.
Mga ilang sandali pa ay nakarating nako sa Greenville Subdivision, nilagay ko na sa mga gate ng mga residente doon ang kanya-kanyang gatas at dyaryo nila. Nagsimula ako ng 6:45 sa umaga at natapos ako ng eksaktong alas-9. Pabalik nako sa opisina para magreport at magpaalam.
"May nagdagdag na 3 gustong magpahatid ng dyaryo, yung 5 naman gatas lang."
Sabi ko sa opisina ng boss namin.
"O sige." Maikli nyang sabi habang may inaayos na mga papeles.
"Yun lang?" dagdag nya sabay tingin sakin at hinto sa ginagawa nya.
"Ah! Opo, bale uuwi narin po ako kase may project pa po ako.", madali kong sabi. Tumango lang sya, senyas na pinapayagan nya ko.
"Sige po boss." sabay bukas at sara sa pinto.
Pauwi nako sa bahay ko, isip ako ng isip sa mga kailangan ko sa project ko. Ang hirap kaya! Gagawa ng article tapos irereport at irerecord. Haay nako, san ako hahanap ng camera man! Sarap sabihin sa prof na dapat groupings yun.
"Article, article, article. Topic, topic, topic.", sabi ko habang tapik-tapik sa ulo ko at lakad pauwi.
Habang naglalakad ako at hila-hila bike ko ay napatingin ako sa banda kung saan nandoon ang bahay ko. May nakaparada na kotse sa harap ng katabi kong bahay, na date may tao at ngayon for sale na. Malaki at maganda yung bahay, may swimming pool, may balcony sa taas at halos gawa sa glass kaso nga lang, malayo sa downtown. Tingin ko, nabenta nayung bahay. Infairness, Ford din naman ang sasakyan, afford talaga nya. Tinititigan ko ang bahay habang papalapit ako, nang biglang may lumabas sa gate ng bahay. Napatigil ako. Isang lalake na naka-americana, matangkad, at maputi. Napatingin din sya sa daanan kung nasan ako at nakita nyang napatigil ako nung makita ko sya. Kumurap ng ilang beses ang mga mata ko nung makita ko sya, eh kasi naman, halatang mayaman sya at hindi ko matanggal ang mata ko dahil talagang ang gwapo nya. Nagkatitigan kame ng ilang segundo. Parang tumigil lahat nung makita ko sya. Siguro, kase bago sya? Bigla na syang lumakad papasok sa kotse nya at dun lang ako natauhan. Inalog ko ang ulo ko at kinurap-kurap ang mata ko.
"Ano yun?"
Dinaanan lang ako nung sasakyan nang masabi ko yun. Sinundan ko parin ng tingin yung sasakyan kahit nasa likod ko na.
"Sino kaya yun..", tanging tanong ko habang palayo sya.
Inalis ko na ang tingin ko sa taong yun. Sya kaya nakabili nitong bahay? Tanong ko sa sarili ko habang nakatitig sa bahay. kase parang ang bata pa nya para makaafford ng ganung kalaking bahay. Worth 4.5M? Dapat talaga mayaman ka. Sabagay, may FORD eh.
"Hala! Yung project ko!"
Waaaah, 1 month nalang pasahan na! Dapat maganda dahil nakasalalay sa grades ko scholarship ko. Agad nakong pumasok sa bahay at nakalimutan ko ang tungkol sa lalakeng nakasalubong ko.
*Eeeeengk. . .*
Kinakalawang na talaga gate ko kaya ang ingay pag sinasarado. Nakakahiya nga pag gabi na, tingin ko nagsasabog ng kaingayan yung gate ko. Buti nalang malalayo yung mga kapit-bahay kung hindi baka binato nako dito.
Pagkapasok sa loob, agad akong umupo sa lamesa at dinukdok ang ulo ko.
"MJ, isiiip! San ka kukuha ng camera? Eh cellphone mo nga 3315 lang!"
Oo. 3315. Nilagyan ko nalang ng backlight para astig konte. Tingin ko mabubuang nakooo! Hay nako, buhay mahirap. Maya-maya pa, sa kakaisip ko hindi ko namalayan, nakatulog na pala ko.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Getting Stuck with Mr. Perfect
Teen FictionThe orphan, Mary Jane Torres who was living a simple life meets an extraordinary young man and the so called "Mr. Perfect", Keith Valmonte, who will change her life upside down. How will she cope with this stubborn young man?