CHAPTER IV: Destiny

31 0 0
                                    

"Aah! Aray! Aray!"

Naiyak na talaga ko habang tinaas ni manang ang paa ko sa sofa at pinahiga ako.

"Pasensya kana, miss."

Tinakpan ko ng braso ko ang mga mata ko para hindi nila makitang naiyak ako at kinagat ko na ang labi ko.

"Ano nga pala pangalan mo?"

Tanong ni manang habang may pinapahid sa paa ko na parang oinment or pain reliever.

"Mary Jane po..." sabay tanggal ng braso ko at tingin sa kanya.

Biglang lumapit si lalake.

"Papunta na si Doc. Sya checheck sa'yo."

Sabi nya sakin nakatayo sa tabi ni manang.

"Keith!!"

Soo.. Keith pala. Taray?..

Pagalit na sabi ni manang, nanlaki tuloy ang mga mata ni Keith.

"Ijo, anu bang ginawa mo sa kanya?? Baka managot tayo nito sa mga magulang nya." salubong na kilay na sabi ni manang habang nagpapahid ng ointment sa paa ko.

Tumaas ang dalawang kilay ni Keith, sabay kamot sa ulo nya.

"Actually, I didn't really do anything to her. When I went to get my documents in my car, as I open the gate, I..."

Yung "I" nya, slow motion nyang pagkakasabi, kase nakita nya ko! Nakakahiyaaa!

Tumingin si Keith saken. Nakapikit isang mata ko tapos isa nakadilat at nakatingin sa kaniya.

"Ano, anak?" sabay tingala ni manang kay Keith.

"Nakita ko na-out of balance nalang sya tapos natumba."

Ahh.. Totoo naman yun? Perhaps. Hehe.

"Nako ganun ba? San ba ang bahay mo, ija?"

"Dyan lang po sa gilid nyo."

Nagulat sila. Naisip nila, ang lapit lang pala.

"Dyan? Ija?"

Tinuro yung gilid ng bahay nila.

"Opo."

"Nandyan ba ang mga magulang mo?"

"Wala na po akong mga magulang."

Natigilan sila, ako naman nakatingin lang sa ceiling nila. Nakahiga nga kasi ako. Naglakad naman palayo si Keith, sa may pintuan at sumandal sya don, nakaharap sa labas at chineck ang cellphone nya.

"Ahh.. Eh kapatid? O mga kamag-anak?"

"Wala rin po hehe."

Tumawa ako kasi ayokong makita nilang malungkot ako sa kabila ng pag-iisa ko..

Napatingin bigla si manang kay Keith at natigilan si Keith sa pag cecellphone nya.

Anung problema ng mga tao dito? Bakit lagi silang nagtitinginan?

"Ehh.. Pano ka nabubuhay?"

"Sariling kayod po." pangiti kong sabi.

Ngumiti lang din sya sakin, nang biglang may sasakyan na bumusina sa labas.

*peep-peep!*

"Nandyan na si Doc." sabi ni Keith habang papalapit sya samin.

. . . . .

"Nako, mukhang malala to. She needs X-Ray for further check-up, may tendency kasi na may fracture sa joint or maybe worst, nadurog ang buto. Its not sure, thats why we needed."

Getting Stuck with Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon