Binaba nya ko sa upuan ko sa may room. Wala talaga akong imik, naiirita na nga ako sa dami ng taong nagchichismisan.
"..may bf na pala sya. Bakit pa sya nagpapaligaw?"
"..duh? mahilig sa bigtime kaya yan.."
"..para lang yang Globe, go lang ng go kapag gwapoww. Hahaha!"
Nagtawanan sila. Alam ko naririnig din ni Keith yun pero binabalewala nya lang.
"Sige aalis nako."
Wala akong imik. Edi umalis ka..
"Sabi ko aalis nako."
"Ah, oo. Ingat ka." hindi ako lumingon sa kanya. Hiyang-hiya naman ako sa sinabi nya diba!
Umalis na sya. Nagsi-alisan nadin mga tao sa labas na kumpol-kumpol. Nagsimula nalang ang klase wala parin si Cheska. San kaya yung babaeng yun? Hays, wala tuloy akong kasangga.
. . . . . .
Pagkatapos ng skwela, tinamad akong mag-ayos. Naalala ko nanaman yung kanina. Haaaay grabe!
Erase. Erase. Erase. Sabay alog ng ulo ko.
"Hatid na kita."
May nagsalita sa likod ko habang mabagal na pinapasok ang mga gamit ko sa bag ko.
"Hindi, salamat nala - "
Pagtingin ko.. Si Jhed.
"Wag kanang tumanggi, dinala ko sasakyan namin." sabay kuha ng bag ko.
"Jheed!"
Inaabot ko ang bag ko pero pilit nyang nilalayo sakin.
"Uh-uh, not a chance." nakangisi nyang sabi.
Wala nalang akong nagawa kundi hayaan sya. Napaupo nalang ako sa desk ko.
"Nakita mo naba - "
"Narinig ko sementado daw paa mo?"
Pinakita ko ang kaliwang paa ko sa kanya. Nagulat sya at nabitawan ang bag ko pati bag nya sabay lapit sa sementado kong paa.
"Tsk! Ikaw kasi! Tinataguan mo ko eh, ayan tuloy nadisgrasya ka. Naman ohh, alam mo bang nag-alala talaga ko sa'yo? Akala ko hindi totoo." sabay tingin sa paa ko.
Hindi ko na nakuhang kunin ang bag ko kahit malapit na yung bag ko.
Mabuti pa si Jhed, talagang nag-aalala sakin. Hindi kagaya ni Keith, pekeng alala.
"Sige.."
Natigilan sya.
"S-sige?" napatingala sya sakin at mukhang na-shock.
"Payag nakong ihatid mo ko palagi."
"Totoo ka? Hay salamat! Woooo! Bakit ganon pakiramdam ko sasagutin mo nako! Hahahah!" napatayo sya at nagsisigaw.
Ayan nanaman yung tawa nyang nakakaloko. Nang may biglang dumaan na prof.
"Mister Villamor, yung tawa mo abot sa Batanes."
"Ngiting tagumpay sir!!"
"Hinay-hinay lang." at nawala na si sir.
Kinuha na agad ni Jhed ang bag ko at bag nya.
"Tara na??"
Tumango ako na nakangiti. Halatang ang saya talaga ni Jhed, nakakatouch sya.
*sa sasakyan*
"Ngayon ko palang nakita na dinala mo to?" tanong ko kay Jhed.
D-max na pick-up kasi yung dala nya. Pinaandar na nya ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Getting Stuck with Mr. Perfect
Roman pour AdolescentsThe orphan, Mary Jane Torres who was living a simple life meets an extraordinary young man and the so called "Mr. Perfect", Keith Valmonte, who will change her life upside down. How will she cope with this stubborn young man?