MARY JANES POV
Nagsimula na ang program, tumagal ito ng halos 2 oras. Sa pagpapakilala palang kay Keith gumugol na ng isang oras. Hindi ko akalain.. Totoo ngang sumacumlaude sya. May sarili syang companya ang Elise Incorporation. Wine-making ang forte nila at sumikat sila don, bukod sa wine, may airlines din sila, Elise Airlines na may branch worldwide. Grabeng yaman diba? Wew... Ang hinahandle nya ay yung sa wine. Papa naman nya ang sa Airlines. Totoo ngang marami syang alam at marami syang achievements, oo nga, he's almost perfect. ALMOST, kase wala paring taong perpekto.
The whole time lagi lang syang iniinterview. Napagbiruan pa nga ang lovelife nya pero tinawanan nya lang. Susss... Pribadong tao yang si Keith. -______-
Natapos ang program at nakilala ko sya. Well, hindi kilalang-kilala pero atleast may background nako sa kanya. Sya ang naging guest namin para maging inspiration sa mga studyante, na after many years naging successful sya kahit broken family sila. Walang mama at nagasawa ang papa nya ng bago. Only one child. Natapos ang program at pumunta sila sa faculty kasama si Keith. Maguusap siguro, ganun naman talaga pag may bisita. Naglalakad kami ni Cheska sa hallway nang biglang..
"Miss Torres, pinapatawag po kayo sa faculty." Sabi ng isang freshmen sakin.
Nagtinginan kami ni Cheska.
"May ipapagawa lang sayo. Sige na.." ngumiti sya sabay tulak sakin.
"Sige Cheska, salamat ha." Sabi ko habang palayo nako sa kanya.
Naalala ko, nasa faculty nga din pala si Keith. Baka magkita kami dun. Haaay patay. Kinakabahan ako..
Pagpasok ko sa loob, ang mga subject teachers ko lang ang nakita ko tsaka ang Head Mistress.
"Miss Torres, take your seat." Sabi ng Head Mistress namin.
Kinabahan ako, hindi ako uutusan nito. Nandito ang Head eh. Ano kaya to... umupo nako.
"Are you aware of your grades?" Tanong nya.
Nandito lahat ng teachers ko. Ano kaya to..
"Yes, ma'am." Sagot ko.
"Miss Torres.. Bumagsak ka sa Broadcasting.." malungkot ba sabi ng Head.
Nanlaki ang mata ko. "Ha?! Ma'am pano po nangyari yon??"
Halos gusto ko nang kumawala sa kinauupuan ko. Kung bumagsak ako, mawawala scholarship ko! Hindi pwede mangyaring bumagsak ako!
"Hindi ka nakapasa ng project nyo sa Broadcasting which is also na final examination ninyo."
Natulala bigla ako.
"Anung nangyari Miss Torres, nakalimutan mo ba?? Pero imposible.. We asked Cheska at pinahiram ka naman nya ng High Quality Camera na may stand."
Shoot.. Yung project nga pala.. Biglang napatigil ko. Ang halaga ng scholarship ko saken tapos mawawala lang ng ganon.
"Ma'am.. I admit pero pagbigyan nyo naman po ako - " pagmamakaawa kong sabi pero sinabat agad ako.
"We're sorry Miss Torres. Dahil bumagsak ka sa Final Exam mo we need to hold back your scholarship."
"Ma'am please... Kahit 1 week nalang." Nagmamakaawa kong sabi.
"Mister Phillips has extended 1 week. Isn't it enough? Give a valid reason."
"Napilayan po kasi ako. Baka pwede naman - "
"Pumapasok ka naman diba? Kaya bakit naging dahilan ang pilay mo. It means, kaya mo. Not valid."
What?!! Hindi daw valid?!! Pilay hindi valid?! Alam na nga nilang nasemento paa ko eh! Nanlaki ang mata ko.
BINABASA MO ANG
Getting Stuck with Mr. Perfect
أدب المراهقينThe orphan, Mary Jane Torres who was living a simple life meets an extraordinary young man and the so called "Mr. Perfect", Keith Valmonte, who will change her life upside down. How will she cope with this stubborn young man?