CHAPTER II: Walang Time sa Lovelife

40 0 0
                                    

Naalimpungatan ako.. Pagtingin ko sa relo ko..

"AAAAAH!"

Sabay tayo, nako, alas-12 na! Late nako sa school! Naku, naku, naku naman talaga. Napagod ata ako sa kakaisip san didiskarte ng camera. Tumayo nako at nagmamadaling kinuha ang twalya at naligo.

Maya-maya pa..

"Ah! 12:30 na!"

Nandilat ang mga mata ko. Ang dali naman ata ng oras? Anu bang ginawa ko sa banyo? Nako! Wala nang oras para sa flashback! Dali-dali nakong pumasok sa kwarto ko.

*Slik!*

"Bwaah!"

Ayun, muntik pako maslide.

Natapos nadin ako sa wakas. Lumabas nako ng gate at sumakay sa bike. Nagpedal agad ako ng mabilis. Sooobrang bilis! Mga ilangsandali pa ay nakarating nako sa school. Pagkatapos kong i-park ang bike ko ay nagtatakbo nako papunta sa room! Malamang isang oras nakong late!

*BLAG!*

Binuksan ko na bigla ang pintuan at nagtinginan lahat sila sakin. Agad tumingin ang prof namin nung mga oras nayon sa relo nya. Pumasok naman na ko sa room at umupo.

"MJ, sobrang late ka na ah?"

Pabulong na sabi ng friend kong mabait pero maarte, grabe maglagay ng make-up, tinalo pa sa contest si McDonalds, si Cheska Mercado.

"You're one hour late Miss Torres. Your reason?"

Nabato ako sandali. Hindi nako nakapagsalita kay Cheska, tumayo nalang ako, slooow motion.

"I'm very sorry ma'am. This is because of some personal related problems.

"Hmm. Well, first offense palang naman. Palalagpasin ko, pero wag na mauulit."

"Yes ma'am." sabay upo.

Nakahinga din ng maluwag.*buntong hininga*

"Okay, lets continue our topic..."

Naglecture na si Ma'am Felipe, ang prof ng campus. Nasa katwiran kasi sya, maraming gusto sya, super bait, understanding, at hindi madamot sa grades. Instant Doctor Love din ng mga studyante hindi kasi sya chismosa, for short, trust-worthy.

*Paak!*

Nanlaki ang mga mata ko dahil nagulat ako. Tinapik pala ko ni Cheska. Tumingin ako sa kanya.

"What's the prob? Share-share naman pag may time." sabay balat ng candy at kinain.

"Naglelecture pa si Ma'am. Mamaya."

After classes. Pag tayo ko biglang hinila ni Cheska braso ko.

"MJ! Ikaw talaga! Sabi mo sasabihin mo!" sabi nya na nagpapacute habang nagpopouty lips.

"Hala! Oo nga pala. Eh kasi..."

Napakamot ako ng ulo ko.

"Bakit? Kuto problems?" Napangiwi tuloy mukha nya.

"Adik! Kahit kalbuhin mo pa ko wala kong kuto!"

"Oo na defensive mo naman. Ano ba kasi yon?"

"Yung.. Yung project kasi natin kay Sir Phillips?" Alanganin kong sabi.

"Anung meron kay Sir?"

"Wa-wa-wala kasi akong camera."

Nahihiya talaga ko. Pwede i-rewind para bawiin ko?

"Hahahahahah!"

Bumahakhak ng tawa si Cheska. Nagtaka tuloy ako. Hello? Problema ko kaya yun? Tatawanan mo lang? Sa bagay naman kasi rich kid sya eh.

Getting Stuck with Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon