CHAPTER XIII: Hello

22 0 0
                                    

MARY JANES POV

Nagalit ako ng sobra kay Keith..

"Tama kaya yun?" tanong ko sa sarili ko habang nag-iisa ako sa kwarto ng bahay niya.

Tulala akong nag-iisip sa loob. Tama kaya ginawa ko? Tingin ko, dapat hindi ko yun ginawa. Pero dapat hindi nya ko nilasing! Bakit nya naman dapat gawin yun. Pero tama rin sya. Hindi ako si wonderwoman or darna, dapat hinihinga ko to sa iba. Eh ano pa nga ba nasabi ko na sa kanya. (# ̄▽ ̄#)

"Hihingi ako ng sorry.."

Lumabas ako ng kwarto at pinuntahan sya sa baba. Nanunuod kasi sya ng TV.

"..babae namatay matapos ma-rape ng kasambahay!"

Nanunuod sya ng balita. Dahan-dahan ko syang nilapitan. Hindi ko alam anung gagawin ko. Phew!  Bahala na!

"Balita bayan??" pasilip-silip kong tanong.

Hindi sya umimik. Tssss, snabero.

"Na-rape pala sya noh??" sabi ko habang pasimpleng umuupo sa tabi nya.

Hindi nanaman ako inimik. Nako naman...

"Keith.."

"Nakita mo yan?" sabay turo nya sa TV.

"Yan??" sabay turo ko din sa TV.

"Malamang."

Ayy kainis tong lalaking to. Nagtatanong nga lang eh. Tinignan ko ang balita, nakita kong na-rape ang babae ng kasama nya sa bahay na lalake. Tinignan ko sya.

"Ganyan mangyayari sayo kung hindi ka mag-iingat." sabi nya saken.

"Ha??" nagtaka ako.

"..excuse me, nag-iingat kaya ako noh. Hindi ako basta-basta pumapatol." pagmamayabang ko.

Totoo yon noh!

"Ah talaga? Kaya pala lasing na lasing kana kagabe na halos hubaran mo pa ko."

"Ha! Oy, umayos ka ahh!"

Ano sinasabi nito! Kinilabutan tuloy ako.

"Mabuti nalang ako kasama mo. Kung si Jhed payon malamang your a victim of HIV now."

Napaisip tuloy ako. Yuck! Kadiri! Ewwwww...

"Wag kang makikipaginuman sa labas kung ayaw mo ma-rape. Tsaka yung strap mo sa bra, ayusin mo para hindi ko nakikita."

Ha! Tinignan ko kagad balikat ko. Wala naman! Inayos ko nalang.

"Ikaw ahh.. Binobosohan mo ba ko??" tanong ko.

"Kung ganun ako, dapat hindi ko na pinaayos sayo." seryoso nyang sabi.

Sa bagay.. Hindi nalang ako umimik. Nanuod ulit kami ng TV.

"Why are you here.." mahinahon nyang tanong.

"Gusto ko lang humingi ng sorry."

Hindi sya umimik at nakatingin sa TV. Hanggang sa natapos ang balita.

"..maraming salamat at magandang gabi."

Pinatay nya kagad ang TV at nilingon ako.

"Ok na.." at tumayo sya, naglakad papunta sa balcony.

Wow! Ang bilis nya naman magpatawad!

"Talaga Keith?! So PEACE na tayo??" sinundan ko sya sa taas.

"Syempre." matipid nyang sagot habang lumalanghap ng hangin sa balcony nya.

"Kung ganon.. Pormal nakong magpapakilala sayo. Hello, ako nga pala si Mary Jane Torres. 20 years old, 3rd year college na nawalan ng scholarship sa Standforth University nang dahil sa nakalimutan lang ang project at final exam. Walang bahay at walang kamaganak. Eh ikaw??" masaya kong sabi.

Getting Stuck with Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon