MARY JANES POV
Ala-una imedya aalis na kami ng Manila papuntang Boracay. Tinignan ko relo ko, alas-11 na. Nakahanda na mga gamit na kailangan ko, hindi naman masyadong madami dahil 2 gabi at isang araw lang kami. Sinigurado ko lang ang mga personal kong kailangan. Isang malaking bag lang ang dala ko. May ticket narin ako, sa internet lang kasi kami kumuha ng ticket, si Keith ang nagbayad sakin habang kanya-kanyang credit card naman ang kina Jethro at Francine.
Naligo nako at nagayos. Tumingin ulit ako sa wallclock, 11:45 na. Tama lang, mga 12:15 or 12:30 pupunta na kaming NAIA. Nagpapatuyo ako ng buhok gamit ang towel nang may biglang kumatok. Napatigil ako. Pumunta ako at binuksan ang pinto, si Jethro pala.
"Lunch time." Ngumiti si Jethro.
Pagkababa ko, nakita ko si Keith nakaupo sa sofa habang si nanay naghahanda ng tanghalian.
"Kumain muna kayo, mahaba-haba pa ang byahe nyo." Bilin ni nanay habang kumukuha ng plato.
"Sigurado po kayong hindi kayo sasama?" Tanong ko sa kanya habang paupo sa lamesa.
"Alam mo ija, nagsawa nadin kasi ako sa mga lugar nayan. Lagi akong pinapapunta ni Keith sa mga ganyan pag may mga business trips sya. Ngayon, gusto ko namang maiwan sa bahay. Matanda nako para dyan."
"Wait granny, kelan nga pala birthday mo?" Tanong ni Jethro na nakaupo sa lamesa.
"Nako, tapos na, last October pa." Sagot ni nanay.
"Kumain lang kami sa labas non." Singit ko.
"Ahh.. So, how old are you now, granny?"
"71."
"Ahh. Infairness, you look only 17 yearsold." Biro ni Jethro. Nagtawanan kami.
"Sira ka talagang bata ka." Patawang sabi ni nanay. Kakain na kami nang tinawag ni grandma si Keith.
"Anak! Kain na!" Sigaw na tawag ni nanay kay Keith. Tumayo na si Keith galing sa sofa at pumunta sa lamesa. Pagkaupo ni Keith, nagdasal kami saglit at kumain na. May sinabi si Jethro sakin habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.
"Maria, don't full your stomach, babyahe tayo baka magsuka ka."
Napatigil ako sa pagnguya non at tumango. Kapansin-pansin rin ang pagslow motion ni Keith nung sinabi ni Jethro sakin yun. Mga ilang minuto pagkatapos non, biglang tumayo na si Keith. Tapos na ata syang kumain.
"Bilisan nyo, its already 12:20." Sabi ni Keith habang patayo sa lamesa.
Umalis kami ng 12:30, nagkotse kami papunta sa airport at ang security sa bahay ang nagdrive. Nasa frontseat si Keith habang nasa likod kami ni Jethro, nauna naman sa airport si Francine. May mga escort din kami na mga kasama, nakaconvoy ang mga security. Wew, naabutan pa kami ng traffic.
Pagdating namin sa airport tumingin ako sa relo ko, 1:05 na. Pagkalabas namin ng sasakyan, nagtinginan ang mga tao, syempre dahil sa mga kasama ko. Pumasok na kami ng NAIA, habang hinihintay ang flight namin ay nakaupo lang kami sa wala masyadong tao na lugar at nakapalibot naman ang mga security samin. Biglang tumunog ang cellphone ni Keith.
Ringtone: iPhone 4S Original Ringtone
"Hello."
"..dito malapit sa Starbucks tsaka Krispy Kreme."
"..okay."
Si Francine ata. May bigla kaming narinig na tumawag ng, "Guys!"
Pagtingin namin, si Francine. Fashionista talaga nya, ang ganda-ganda eh. Tinignan ko si Keith anong reaksyon, walang reaksyon. Poker face talaga ni Keith! Pano ko malalaman kung totoo sinasabi ni Sec. Anne! Ni hindi nya nga ko kinakausap. Tumingin lang ako saglit sa kanila tapos binaling ang tingin sa iba.
BINABASA MO ANG
Getting Stuck with Mr. Perfect
Novela JuvenilThe orphan, Mary Jane Torres who was living a simple life meets an extraordinary young man and the so called "Mr. Perfect", Keith Valmonte, who will change her life upside down. How will she cope with this stubborn young man?