MARY JANES POV
"Ano na?" Sabay pacute kay Keith. Napapakagat-labi nalang ako, ang sakit eh.
"Were planning to have a Victory Party SLASH Birthday Party of these two!" Jethro smiled while explaining.
"Oo nga pala! Your turning 25 na, Keith! Happy Birthday." Sabay halik sa pisngi. Aray.. Medyo nanliit ako kasi hindi nya pinansin yung birthday ko.
"Francine, I think your overdoing everything." Inalis ni Keith ang kamay nya kay Francine.
"Bakit? May ginagawa ba kong masama?" Sabay pacute ulit. Ayy grabe. Ikaw na talaga! Sarap mong hagisan ng jacket sa mukha para matabunan yang pagpapacute mo!
"Its exaggerating. Stop it." Seryoso si Keith.
Tumigil si Francine. Tinignan lang sila ni Jethro na parang nagtataka.
Malapit na magsimula ang bidding, pumunta muna ko sa CR. Inayos ko ang buhok ko, tinignan ko sandali ang mukha ko sa salamin. Tapos naghugas ng kamay. Narinig kong may papasok, pagkakita ko sa salamin, si Francine. Hindi sya umimik at naghugas lang ng kamay nya. Katabi ko lang sya.
"Is he really your cousin?" Tinignan nya ko mula sa salamin. Kinakabahan ako pero hindi ako nagpahalata.
"Ha? Oo naman. Bakit mo natanong?" Ngumiti ako.
"Nakakapagtaka lang kase. May something kasi sa kinikilos ni Keith at nagkataon na ikaw yung dahilan." Sa gulat ko, hindi ko na alam ang sasabihin ko.
"I will be very frank to you." Habang paharap syang lumalapit sakin at pinupunasan ng hand towel ang mga kamay nya at ako nakaharap lang sa salamin.
"Akin lang si Keith, and I know inlove pa sya saken. I don't care kung magkamag-anak kayo or what, basta lumayo ka sa kanya."
"Wala kaming ugnayan ni Keith. Wag mong bigyan ng kulay yung kanina." Naglakad nako palabas pero nagsalita pa sya.
"Sana nga!"
Napahinto ako.
"Sana nga hindi tama hinala ko, advance happy birthday nga pala."
"Salamat." Huminga ako ng malalim at umalis.
"Ano ba nasa utak nung babaeng yon? Dapat hindi ganon inaasta nya, pinsan nga kame diba? Grabe! Akala nya aagawin ko si Keith? Kahit isaksak nya pa sa baga nya." Inis na sabi ko habang naglalakad papunta sa table.
"What are you sayin'?" Biglang hinarang ako ni Keith habang naglalakad, sobrang nagulat ako!
"Aaaaahh!" Sigaw ko sa hall.
"I'm asking you.." Habang papalapit sya saken.
"H-ha?" Kinakabahan ako. Napapaurong ako sa gilid dahil unti-unti syang lumalapit sakin.
"Oyy.. Oyy ahh. Lumayo ka nga!" Tinutulak ko sya palayo pero lumalapit parin sya. Pilit ko talaga syang nilalayo! Pero..
"Pakiulit nga yung sinabi mo.." Nakorner nya ko sa gilid at hinarang nya ang kanang braso nya sa pader. Kumakabog na dibdib ko. Naglakas loob narin ako. "Sabi ko, kahit isaksak kapa ni Francine sa baga nya. Ayos na ayos lang!"
Inalis ko yung kamay na nakaharang. "Tantanan mo ko sa mga pananakot mo. Tsaka umayos ka, nakakahalata na sila." Sabay lakad ko papunta sa hall.
Nasa table na sila nung makalabas nako sa CR. Masyadong malaki ang hall, madaming kasali pero mukha silang konti tignan dahil ang laki ng venue. Pumunta nako sa table namin ni Jethro, nakita ko nadin sya don na nakaupo. Papunta narin si Keith sa table nila, habang kapwa kami paupo ay tinignan nya ko ng masama habang nginitian nya si Jethro at nang nakaupo na sya, ganun parin nakatalikod samin.
BINABASA MO ANG
Getting Stuck with Mr. Perfect
Teen FictionThe orphan, Mary Jane Torres who was living a simple life meets an extraordinary young man and the so called "Mr. Perfect", Keith Valmonte, who will change her life upside down. How will she cope with this stubborn young man?