MARY JANES POV
Kinabukasan pagkagising ko, nagbihis agad ako ng damit ko. Natatakot ako sa sasabihin ni Keith. Bahala na paulit-ulit!
Pagkatapos nung gabing nagaway kami at nagsaya ni Keith, pakiramdam ko gumaan ang kalooban namin sa isa't-isa. Kapag uuwi sya galing trabaho ay tatawagin nya ko para samahan o kausapin sya, minsan naaabala na nga trabaho ko eh.
"Mary Jane! Matagal paba yan?" Sabi nya habang nasa sala at naggagarden naman ako.
"Oo! Tulungan mo kaya ako para madali tong ginagawa ko at makapagusap tayo?" Sigaw ko lang habang nagtatrabaho, hindi umimik si Keith kaya nagtaka ako, huminto ako sa ginagawa ko at tinignan sya. Ayun, nagkakape. Eesh, ayaw talaga ko tulungan, mamatay ka sa kakahintay dyan.
Minsan tinutulangan nya ko magtrabaho dahil gusto nya kong kasama. Mas madalas na nga kaming magkasama ni Keith kaysa kay nanay, minsan kasama din namin si nanay na naguusap-usap patungkol sa trabaho nya. Mga problema sa companya at mga sakit sa ulo na mga empleyado. Napagsasabihan ko nadin sya, minsan ayaw nyang tanggapin na mali yung ginawa o sinabi nya sa empleyado nya pero habang lumilipas ang mga araw, natuto na syang makinig at tumanggap ng pagkakamali. At yun nga, naging matalik kaming magkaibigan ni Keith. Magkasama na kami kahit saan, lagi nya kong sinasama sa companya nya para maging personal assistant nya. Nakipagkwentuhan nadin ako sa mga officials nya at may nakita daw silang pagbabago kay Keith. Nung marinig ko sa kanila yun, napapangiti nalang ako. Ang sarap sabihin sa kanila na ako ang dahilan bakit sya nagbago, pero wag na, masaya nakong nalaman ko na may nagbago nga talaga sa ugali nya.
Gabi na nung makauwi si Keith galing sa kompanya. Nakangiti syang papunta sakin habang ako nanunuod ng TV at kumakain ng junkfood.
"We were chosen Mary Jane." Sabi nya habang nakatingin saken at umupo sa tabi ko. Napanga-nga ako dahil pinapangarap yun ni Keith!
"Waaaaaaah! Nagawa nyo Keith!" Sabay yakap sa kanya. Ngumiti lang sya habang yakap ko. At hindi na sya nagagalit, hahahah. "Diba sabi ko naman sa'yo kaya nyo??" At binitawan ko sya.
"Nagulat kame, thanks to.. YOU, ikaw ang nagsabi sakin about teamwork and that democracy thing. Then, we have this invitation." Nilabas nya ang isang letter at pinakita sakin. "Basahin mo."
Nung mabasa ko, "You are chosen to the Multibillion Auction Show at the Resorts World Manila Hall, 8 o'clock in the evening!!" Paexcite kong sabi.
"If we get this, kame ang magiging business partner ng Rio Grande Incorporation. I'm getting nervous, madami kaming company dito na Worldwide ang branch. Wew.." habang sinasabi yun ni Keith, nagbabasa pako.
"Eh next month pa pala to eh?"
"Yup. Atleast, we have the enough time para makapagready to face those other big company."
"Ahh. Teka.. Ball?"
"Oo, Ball yan. Formal party dapat, imagine multibillion."
Napangiwi mukha ko. Grabe, multibillion pinaguusapan dito. PERA! Ang yaman talaga ni Keith. Hindi ako umimik at nanuod nalang kami ng TV. Hindi pa nagbibihis si Keith kaya sinabihan ko sya.
"Magbihis kana. Buong araw kang walang bihis."
"Okay. I'll be back." Patayo na si Keith nang may biglang nagdoorbell. Napatigil sya. "I'll get it." Sabi nya, kaya umupo nalang ako. Matagal sya sa labas kaya sinundan ko sya.
"Keith, sino bayang -" napatigil ako nung makita ko, ang cute nang lalake na kausap ni Keith. Kumurap-kurap ang mata ko at natitigan nya rin ako. Nagulat siguro din sya. Nang biglang nagsalita si Keith.
"Um.. Jethro, meet Mary Jane Torres. Mary Jane, meet Jethro Yoon, my cousin from my fathers side."
"Wait, sino sya?" Tanong ni Jethro kay Keith.
BINABASA MO ANG
Getting Stuck with Mr. Perfect
Teen FictionThe orphan, Mary Jane Torres who was living a simple life meets an extraordinary young man and the so called "Mr. Perfect", Keith Valmonte, who will change her life upside down. How will she cope with this stubborn young man?