"Tara na." sabay tayo ni Keith galing sa bench.
"Eh pano to.." patingin kong sabi sa paa ko.
"Edi isesemento, tara na." kinuha nya braso ko at inakbay sa kanya tapos naglakad na kami papunta sa room ni Doc.
"Doc, sige po." malumanay na sabi ni Keith sa doktor.
"Good, but it's already 9pm, kumain naba kayo? Ako kase bago ako umalis kumain nako."
"Its okay doc, I think its better to cement her foot first."
"Aah.. Okay." patangong sabi ni doc.
Matagal-tagal din akong sinementuhan kasi may nilaay pa silang kahoy para maalign yung paa ko at mabalik sa dating shape. Masakit sya, napapasigaw pa nga ako. Halos dalawang oras din, labas pasok din si dok sa room.
*after 2 hours*
Lalabas nako ng room. Hindi ko parin matukod ang paa ko pero naayos na sya.
"Doc, mga ilang araw po ito?" tanong ko habang inaalalayan nya ko papunta sa labas, kay Keith.
"Estimately, three months. Depende sa bones mo. Dapat every month ka magpacheck-up para makita naten kung pwede naba syang tanggalin within 1, 2 or 3 months. It depends."
"Ahh.. Sige po."
Nakalabas na kami ng kwarto. Saktong pagbukas ko ng pinto, nandun si Keith, nakatayo sa tapat mismo at nakasandal paharap sa pinto. Tinignan nya ko at lumapit.
"Okay na doc?" habang kinukuha nya ko mula sa doctor.
"Okay na, salamat Keith. I hope she gets well soon. Kaano-ano mo nga sya?"
"Umm.." nagtinginan kami ni Keith.
"Ahh.. Nevermind nalang." patawang sabi ni doc.
"Sige doc, una na po kame."
Naglakad na kami papunta sa kotse at pumasok sa loob.
*sa kotse*
After masarado ni Keith ang pintuan nya. Parehas kaming nasa front seat.
"Magkano binayaran mo?"
Pinaandar nya ang sasakyan at hindi sumagot, parang walang narinig pero ang linaw ng pagkakasabi ko.
"Oyy.." tawag ko sa kanya.
"I don't remember my mother named me, oyy."
Nagdrive parin sya at diretsong nakatingin sa daan.
Aba.. Suplado?
"Ano nga pangalan mo?" tanong ko na kunwari hindi ko alam.
"Keith Valmonte."
".. bakit mo ko tinawag?" habol nya.
"Magkano nga kasi binayaran mo.."
Matagal sya ago nakaimik.
"Bakit mo naman gusto malaman."
"Eh syempre.. Paa ko kaya to?"
Hindi sya umimik, hindi narin ako nagsalita. Hanggang sa pag-uwi namin wala paring imikan. Pag-uwi namin inalalayan ako ni Keith, nung nasa gate ko na kami, napatigil sya.
"Oh, bakit?" tanong ko sa kanya.
"Ang lapit nga lang pala talaga ng bahay mo."
At naglakad ulit sya papasok sa gate hanggang sa bahay. Inupo nya ko sa kama ko sa bahay. Nakakahiya! Ang panget, liit ng bahay ko, wala pang gamit!
BINABASA MO ANG
Getting Stuck with Mr. Perfect
Teen FictionThe orphan, Mary Jane Torres who was living a simple life meets an extraordinary young man and the so called "Mr. Perfect", Keith Valmonte, who will change her life upside down. How will she cope with this stubborn young man?