MARY JANES POV
Nakakainis nadawit ako sa mga lakad nila. Tulala akong naglalakad sa Mall kasama silang tatlo. Si Keith naman halatang masaya sya dahil syempre, nandyan na si Francine. Ang ganda nga nya talaga. Pormal, babaeng-babae at smiling face. Nakatingin lang ako kay Francine. Hay, parang wala akong maipintas.
"Maria."
Nagtaka ko, Maria? "Hoy Maria!" Nagtaka ko dahil siniko ako ni Jethro.
"Anung Maria?"
"Maria nalang tawag ko sayo, ang haba ng Mary Jane eh. Nakakapagod sabihin." Tapos nginitian nya ko. Eee! Nakakapangilabot talaga ngiti ng taong to. Napahinto kaming dalawa ni Jethro sa paglalakad.
"Hey! Mary Jane and Jethro! Come on!" Napangiti lang kami ni Jethro at aktong lalakad na, hanggang sa may naririnig kami na mga mabibigat na yapak sa paligid. Akala namin lumilindol kaya napatigil kami ni Jethro. Pagkakita namin.
"..ayun sila!"
"..ang camera!"
"..tanungin nyo sila kagad!"
Naglabasan ang mga media. Nanlaki ang mga mata namin. Nagkahiwalay pa naman kami sa dalawang grupo. "Maria! Hurry!" Hinila ni Jethro ang braso ko. Pero nasa kahit saan ang mga media. Hindi na kami nakatakbo.
"Jethro.. Anung gagawin natin?? Tsaka sina Francine at Keith!" Unti-unti nang palapit ang mga media at pinapalibutan kame. "Stand back, Maria." Nagtago ako sa likod ni Jethro. Hanggang sa dinumog na kame.
"Mister Jethro Yoon, kelan kapa nakauwi ng Pilipinas?"
"Totoo bang may natanggap kayo na invitation mula sa Rio Grande?"
"Nakatira ba si Keith Valmonte sa labas ng Greenville subdivision?"
"Totoo bang don karin nakatira??"
"Kilala mo ba yung babaeng kasama ni Keith Valmonte sa playground kamakailan?"
Hah! Ako yun ahh. Nanlaki ang mata ko habang nagtatago sa likod ni Jethro. "Sorry pero sa ngayon hindi namin masasagot mga tanong nyo."
"Sino yang babaeng nasa likod mo?"
"Ikaw ba girlfriend ni Jethro?"
Napansin na ata ni Jethro na nahihirapan nako. Niyakap ako ni Jethro at tinabunan ang mukha ko. Naramdaman kong nakikipaggitgitan si Jethro sa mga media. Ang iingay nila. Halos hindi kami pinapadaan ng mga taong to. "Security! Security!" Sigaw ni Jethro, at lumapit ang mga security guard samin. Nung medyo lumuwang na ang daan, nagtatakbo kami ni Jethro sa garahe at iniwan ang mga media sa mall. Hingal na hingal kami pagdating sa kotse ni Keith. "Shit! Where did they get those informations??" Sabi nya habang hinihingal. Hanggang sa nakarinig kami ng tumatakbo, at nakita naming sina Keith at Francine na hingal na hingal. Agad binuksan ni Keith ang sasakyan nya. "Get inside! Hurry!" Nang nasa loob na kame ng sasakyan, nakita namin ang mga reporter tumatakbo papunta samin.
"Go, go, go, go!" Sigaw ni Jethro habang nasa loob at nagbacking si Keith tapos nagpaharurot palabas ng mall. Hanggang sa labas ay sinundan kami ng media ngunit masyadong mabilis si Keith, at naiwan sila sa labas.
"Sabi na nga ba mainit parin tayo dito." Sabi ni Keith habang nagdidrive.
"Hindi ko akalain. Lumabas na nga tayo ng bansa still ganun parin." Tapos bumuntong hininga si Francine. Tahimik lang ako nang mapansin ako ni Jethro. "Maria, are you okay?" Hindi ako nakasagot, nagulat ako sa mga pangyayari. Ganito pala kapag kilalang-kilala kayo. "Medyo nagulat lang." sagot ko kay Jethro. "She's little bit shocked." Napatingin si Francine dahil nasa frontseat sya at nasa likod kami ni Jethro. "I'm sorry Mary Jane. Mukhang madadawit ka samin." Sabi ni Francine.
BINABASA MO ANG
Getting Stuck with Mr. Perfect
Teen FictionThe orphan, Mary Jane Torres who was living a simple life meets an extraordinary young man and the so called "Mr. Perfect", Keith Valmonte, who will change her life upside down. How will she cope with this stubborn young man?