MARY JANES POV
Naghanda nako. Aalis nako sa bahay nato, namumuro na sakin si Keith. Naturingang crush-at-1sight ko pero habang nagiging 2nd sight, 3rd sight, 4th, 5th, nadidiscourage ako. Napakatamang hinala na tao! Sa bagay, mahigit isang buwan palang naman kame magkakilala.
Nakita ko si nanay mula sa bintana, naglilinis ng garden. Naalala ko yung sinabi nya na makikiusap muna sya kay Keith na dito muna ko. Ayoko na, masakit talaga sya magsalita eh! Tsaka nakakahiya na, kumakain ako at natutulog dito. Pagkalabas ko, nakita ko si Keith nakatayo sa gilid ng pintuan. Nagulat ako!
"Ahh!"
"I'll offer you a job."
Wala syang reaksyon parin. Tinitigan ko sya. Sa bagay, may ari ng Elise Incorporation. Baka gawin akong secretary nito. Hindi ko narin tinuloy yung pagalis ko sa bahay, may trabaho nako eh.
"Sige ba." Pagmamayabang kong sabi.
At nandon ako sa labas, nagdadamo ng garden! Kainis! Gagawin pala kong katulong!
"Dapat malinis yan ah." Sabi nya habang tinuturo ang ibang mga damo. "Ayun pa ohh. Ayusin mo nga.."
Pinapabayaan ko lang sya. Eh pano kase, 7k alok nya all-around lang ako. Malaki nayon para saken.
"Ayun pa oh.." sabay turo.
Tumigil ako at napatingin sa kanya,"Ikaw kaya magbunot dito?" Makautos parang ang dali gawin.
Nagulat ako nung umupo sya sa tabi ko, may dalang itak at nagdamo. Kumurap-kurap ang mata ko. Marunong pala sya?
"Halatang hindi ka marunong. Dapat alam mo to, diba ikaw lang mag-isa? Anung ginawa mo sa 9 na taon?" Sabi nya habang nagdadamo. Hindi ako umimik.
Sa totoo lang, hindi ako masyado marunong maglinis ng bahay, pati magluto. Puro ako noodles, kaya nga nagka-UTI ako, pati itlog hindi masyado. Nakakahiya to. Biglang dumating si nanay.
"Nanay!" Masayang tawag ko. Napansin kong napatingin si Keith saken. O ayan hindi na manang, nanay na.
"Ijo, nagtatanim kayo?"
"Nope, from now on, she's our maid."
Nakita kong naiba ang mukha ni nanay,"Ijo! Bakit naman maid??"
Tumayo si Keith,"I just wanted."
"Ijo..." tono na parang ayaw nya kong gawing katulong.
"Tumayo ka jan. Sumunod ka saken." Tapos pumasok sya sa loob. Hinablot ako ni nanay.
"Kaya mo ba?" Nagalala si nanay, halata sa mukha nya.
"Opo, tsaka malaki naman po ang sweldo." Binitawan nya ang kamay ko at sumunod nako sa loob.
Binigyan ako ni Keith ng instructions. Hindi ako makapaniwala, marunong sya ng gawaing bahay. Mapalabas o loob ng bahay. All in one nga talaga sya. Pinasok ko naman sa utak ko lahat ng sinasabi nya.
Gabi na kami natapos sa.. Seminar? Ngayon naman, sinubukan ni Keith kung marunong ako magluto. Nako, hindi talaga ako marunong!
"How do you cook an egg?" Seryosong tanong nya.
"Pano ako magluto ng itlog?" Kinakabahan kong sabi.
"I am asking you to demonstrate it, not to translate it."
Hay kainis! Kung hindi ko lang kailangan ng pera eh. Tinitignan kami ni nanay. Kinakabahan ako dahil inoobserbahan ako ni Keith. Kumuha ako ng kawali, mantika, syanse at itlog. Tumingin ako kay Keith.
"I want it, sanny side up."
Hindi ako nagpahalata kay Keith na hindi ko alam pano lutuin yung itlog na may pula sa gitna. Bahala na! Nilagay ko ang kawali, nilagyan ng mantika at in-on ang lutuan. Nang biglang may tumawag kay Keith sa cellphone.
BINABASA MO ANG
Getting Stuck with Mr. Perfect
Teen FictionThe orphan, Mary Jane Torres who was living a simple life meets an extraordinary young man and the so called "Mr. Perfect", Keith Valmonte, who will change her life upside down. How will she cope with this stubborn young man?