CHAPTER III: Bagong Kapitbahay

32 0 0
                                    

As usual, ganun parin trabaho ko. Gising maaga, punta office, hatid gatas at uwi ng bahay.

"Uwi nako Terry." pangiti kong sabi habang nasa desk nya sya.

 "Sige MJ, ingat ka pag-uwi mo."

 Ow yes, mag-iingat talaga ko. Nagbike ako pauwi. Natanaw ko nayung malaking bahay na katabi ko sa malayo palang, teka, yung lalake kahapon. Naalala ko nanaman yung lalaking yon. Kung paano nya ko natitigan rin, ang pogi nya talaga!

 "Hoy! Tumingin ka sa dinadaanan mo!"

Sigaw ng isang matandang lalake sakin. Napatigil ako. Nako! Malapit ko na palang masagasaan yung matanda!

"Pasensya na po! Pasensya na po talaga!"

Lumakad nayung matanda paalis.

"Haays! Tatanga-tangahan ka nanaman Mary Jane ha!"

Sabay tapik ng sarili kong ulo.

"Shunga mo talaga kahit kelan! Malapit kana makapatay alam mo bayon? Ha? Ha? HA?! Haays."

Para kong engot na kinakausap sarili ko, sumakay nako sa bike at nagpedal. Nakita ko nayung bahay. May mga ilaw na nakasindi na. Aba, may nakabili na nga talaga ng bahay. Inabangan ko sya kung nandyan sya.

 3...

 2...

 1...

 . . . .

 Wala eh. Sarado ang gate at walang sasakyan na nakapark.

 Siguro nga hindi sya..

Huminto ako sa harap ng bahay ko at pumasok. Hindi nako matutulog, baka malate nanaman ako. Nagbasa-basa nalang ako ng mga lectures ko. Nag-alarm nadin ako ng 10:30 para siguradong hindi nako malalate.

 *Kkrriiinnnggg!*

10:30 na. Tumayo nako at pinatay ang alarm. Kumuha nako ngtwalya at pumasok sa banyo. Maya-maya pa ay tapos nako at handa nang pumasok sa school. Kinuha ko na ang bag ko at nagsimulang magbike.

Pagkadating ko sa school, saktong pagkadating din ni Cheska, nangiwi mukha ko sa tindi ng pintura nya sa mukha! Ngayon ko lang nalaman na pwede palang alternative ang mukha sa pagpipinta.

 "Hi Mary Jane! Muah, muah, muah!"

Binati nya ko ng bonggang-bongga, may beso-beso pa.

 "Oyy Cheska, tignan mo nga yang mukha mo sa salamin o kahit sa tubig nalang. Eto ohh, may mineral ako dito. Ang kapal-kapal ng make-up mo!"

 "Ay nako madali lang solusyonan yan. Oh, eto.."

 Inabot nya ang camera. Shots! Camerang-camera talaga!

 "Hoooy! Cheska! Sigurado ka eto ipapahiram mo saken?!"

Napakabig time ko naman ata. Pang movie-type natong camera na'to eh!

"Oo naman. Eh ang hirap kaya i-on nyan!"

Kaya naman pala.. Napasimangot ako don.

"Wow galeeeng. Sakin pinahiram kase mahirap pala i-on. Baka hindi ko magamit to ah?"

"Subukan mo nga.. Baka sakaling ma-on mo."

Tinignan ko kung nasan ang button para On. Meron naman, pinindot ko. Pumula yung light nya kaso walang image sa screen.

"Oh diba? Ayaw nya?"

Hindi ko pinansin yung sinabi ni Cheska kase sayang eh! Ang ganda-ganda nung camera! Pinindot ko yung katabi ng On Button. 

Getting Stuck with Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon