CHAPTER XXVII: Best Birthday Ever

32 0 0
                                    

MARY JANES POV

"K-kasintahan??"

Napatayo si Jethro sa pagkakaupo nya sa sofa. Nganga naman si Francine. Pati ako, hindi ko alam anung sasabihin ko. Naramdaman ko ding hinawakan ni Keith ng mahigpit ang kamay ko. Nung mga oras nayon, naririnig ko yung inawit ni Keith sakin ng auction show. Parang paulit-ulit na nagrerewind yung piano sa utak ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko..

"Aalis nako.." Pabulong sa sabi ni Francine. Tulala sya nang sinabi nya yon. Bigla syang pumunta sa kwarto nya at nagempake. Wala nang imik si Jethro at halatang nagulat rin sa mga narinig nya. Humarap si Keith kay Jethro pero - ..

*BOOM!*

Nagpakawala ng suntok si Jethro kay Keith na napaupo si Keith sa sahig! Nagulat ako dahil hawak ni Keith ang kamay ko! Saktong pagkalingon ko rin nakita kong sinuntok nya si Keith! Napaupo ako sa tabi ni Keith.

"KEITH!" Sigaw ko.

"Don't ever try to explain." Sabay turo ni Jethro sa kanya.

"..niloko mo ko. Inagaw mo din babaeng mahal ko." Nakita kong inis na inis si Jethro. Umayos naman ng upo si Keith at pinunasan ng kamay nya ang dugo sa labi nya.

"..I just did that earlier. Pero hindi kapa rin natauhan. Damn you." Iniwan kami ni Jethro na ganun. Nakita din naming lumabas na si Francine sa kwarto na dala ang maleta nya. Ganun din si Jethro. Walang sabi-sabi umalis sila sa resthouse at ginamit ang sasakyan na dapat para na saming apat. Isa lang yon, kaya siguro bukas magcocommute lang kami.

Nakaupo parin kami sa sahig at nahampas ko ang ulo ko.

"We don't have to explain to them." Sabay ngiti sakin ni Keith. Magkahawak parin kame ng kamay ni Keith kaya tinanggal ko ng mabilis.

"..tayo na nga lang magsusungit kapa." Nakangiti nyang sabi. May naramdaman tuloy akong iba.

"O-oyy, a-ano ibig mong sabihin." Kinakabahan kong sagot. Tinitigan nya ko at tinaas ang isa nyang kilay. Nakita kong ngumiti sya, yung ngiting nakakaloko!

"Hoy! Umayos ka!" Napaurong ako habang nakaupo sa sahig.

"Naaalala mo bayung nalasing ka? Tapos hinatid kita sa kwarto mo?" Papalapit sya sakin na pagapang.

"A-anong lasing? Hoy Keith sisigaw ako ng saklolo!!"  Paurong ako ng paurong pero natrap nya ko! Lumapit sya sakin. As in sooobrang lapit!

"Edi sumigaw ka.." Bulong nya sa tenga ko. Brrrr! Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko! Napapikit ako at naluha nung aktong hahalikan nya ang leeg ko pero hinalikan nya lang ako sa noo. Napadilat ang mata ko nung naramdaman kong dumampi ang labi nya sa noo ko.

"Ano kaba? Hindi pako handa sa ganyan! Hahahaha!" Kanchaw ni Keith saken. Pero nangingilid ang luha ko nung mga oras nayon dahil akala ko itutuloy nya. Biglang naiba ang mukha ni Keith nung nakita nyang naiyak ako.

"Mary Jane.. Sorry ha? Hindi ko akalain. Sorry talaga! Tsk! Gago ko din kasi.. Bakit ba tinakot kita." Hinampas nya ang noo nya pero walang sabi-sabi ay niyakap ko sya at napahiga kami sa sahig. Humikbi ako habang nakayakap sa kanya.

"B-bakit?" Tanong ni Keith.

"Bakit hindi mo sinabi dati pa na gusto mo ko!" Umiiyak ako.

"Ha??" Nanlaki ang mata nya dahil nakita nyang tuloy-tuloy akong umiiyak.

"Alam mo bang pinilit ko sarili kong magkagusto sa iba! Tapos ganyan naman pala may gusto karin pala saken!"

"Mary Jane.. Hindi naman madaling umamin noh." Natatawa pang sabi nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Getting Stuck with Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon