"Kailangan mo akong e-date sa isang magandang lugar Mr. Dream boy kasi hindi pa ako nakakapunta sa mga ganyan eh!..yan ang kapalit ng pagtulong ko sayo..Choks ba yun?aws!may pahabol pa ako, BAWAL tumanggi kay Maribella Cynthia Catindig at walang iba kundi AKO yun!." and she winked at me at saka may pangiti-ngiti pa sa akin. Isang napaka-rugged na babae. Walang kaarte-arte sa katawan at nagsusuot ng maluwag na jeans at isang medyo maluwag din na t-shirt. Naka-tsinelas lang at nakaladlad ang maganda at mahabang buhok nito at may dala itong sling bag na kulay blue. Sa tingin ko ay nasa 5'6 or 5'7 ang tindig nito at ang mukha nito ay heart shape.
"Miss Catindig babayaran na lang kita dahil niligtas mo ang buhay ko pero akong panahon makipaglakwatsa at makipagbiruan sayo..look I'm too busy!may aatenan pa akong meeting!." wika ko dito.
"Yun lang?..diba sabi ko sayo bawal tumanggi sa akin?at saka isa pa Mr. Dreamboy, hindi tayo maglalakwatsa gusto ko lang kukuha ng mga picture sa mga tanawin eh kaso nga mahirap lang kami kaya wala akong pera para pumunta sa mga magagandang views..at saka grabe ka naman, hindi naman sa naniningil ako sayo, gusto ko lang kasi na may kasama ako eh." wika pa nito. Napakunot-noo ako at saka napailing. Ngayon nga lang kami nagkakakilala pagkatapos niyang akong iligtas dun sa holdaper kanina at ni hindi nga niya kilala ang pangalan ko tapos ganito na ito kung umasta?hindi ba talaga natatakot ang babaeng ito na baka pagsamantalahan ko siya na kahit naman hindi ko gagawin yun sa tulad niya, what if sa masamang tao siya naghiling ng ganyan?hindi ba siya natatakot?
"Miss Catindig, alam mo bang masama ang sumama sa mga taong ngayon mo lang nakilala?what if-" wika ko.
"What if pagsamantalahan mo ako?Mr.Dream boy, alam ko naman na hindi mo gagawin yun sa akin at saka may tiwala ako sayo kasi idol kita at ikaw ang Mr.Dream boy ko." nakangiting wika nito. Luka-luka yata tong babaeng to ah.
"What?at pwede ba DO NOT call me Mr.Dream boy?!.umuwi ka na." wika ko dito at saka nagbigay ng pera dito mga worth 50 thousand pesos.
"Ano to?" takang-tanong nito.
"Obvious ba?ano sa tingin mo?diba pera yan?" wika ko dito.
"Hindi ako bobo!alam ko pera to!" parang nainis na wika nito.
"Yun naman pala eh..bayad yan sa pagligtas mo sa akin." wika ko. Napanganga ito.
"At ano ang tingin mo sa akin?mukhang pera?" wika nito.
"Bakit?diba yan naman ang totoo?ikaw naman ang may sabi na mahirap ka lang?hindi naman ganun ang iniisip ko eh..isipin mo na lang na tulong ko yan para sayo." wika ko. Napahalukipkip ito at saka nabigla ako sa ginawa niya. Bigla na lang niyang hinampas sa mukha ko ang perang bigay ko.
"Salamat lang naman ang gusto kong marinig mula sayo! hambog!sayo na yang pera mo!" galit na wika nito at saka tinalikuran ako. Hindi na ako nagtangkang habulin pa ito..for what?I am a kind of person na hindi naghahabol ng kahit na sino lalo na sa mga babae. Ako ang hinahabol at sinasamba ng mga babae because for me they are just a toy..after the game I will set them aside at kapag gusto ko pang laruin ay babalikan ko pa at kapag naman nagsasawa na ako ay ibinibigay ko na sa iba. Maybe I am that ruthless when it comes to woman..pare-pareho lang sila except for my sisters.. Manggagamit ang mga babae!
Naikuyom ko ang mga palad ko na tumalikod. I remembered her again and everytime I think of her ay nandun yung galit ko sa kanya. She doesn't deserved to be happy. Gusto kong sirain ang kung anong meron sila ng asawa nito. Gusto kong maranasan niya ang ginawa nito sa akin. I sighed. I have marked your name Jessica de Jesus. Magkikita rin tayo. For now I have to call Krisna..gusto kong maaliw at sinasamba ako to release the stress that I have in my mind right now. Napailing ako nang maalala ko ang babae kanina..
"Maribella.." naisambit ko at saka pinaharurot ang sasakyan.
----------------------------
"Oh Ate maganda bakit nakasimangot yang mukha mo?" salubong sa akin ng ampon naming si Marie.
"May nakatulungan lang naman akong tao na akala mo ay mabibili ako ng pera niya!..kaya ikaw Marie wag kang lalapit sa mga mayayaman dahil pare-pareho lang din ang mga iyan!..mga mayayabang!" inis na wika ko.
"Bakit Ate?mayabang ba yung tinulungan mo?binili ka niya?so ibig sabihin..pagmamay-ari ka na niya?" sunod-sunod na tanong ko. Pinamaywangan ko ito.
"Ano ka ba Marie sobrang yabang talaga ng lalaking yun!..at saka hindi niya ako nabili at mas lalong hindi niya ako pagmamay-ari!" mariing wika ko. Pinamaywangan din niya ako.
"Okay relax ka lang Ate..masyado mo lang naman yatang dinibdib ang ginawa ng lalaking yun sayo eh!" wika pa nito. Sinimangutan ko ito.
"Hay! ewan ko sayo Marie!..nasaan ba si Inang at Amang?" tanong ko na lang.
"Si Inang namalengke at si Amang nasa munisipyo nagtatrabaho." sagot nito. Mahirap lang kami at ako lang ang tunay na anak dahil ampon lang si Marie. Si Inang ay isang reflexologist at si Amang naman ay isang Councilor ng bayan. Kahit papano ay napaaral nila kami ni Marie kahit na maliit lang ang kinikita nila. Nakatapos ako sa kursong Nurse at si Marie naman ay malapit na ring magtapos sa kursong Accountancy. Masaya kaming pamilya kahit na mahirap lang kami. Pangarap ko talagang mag-tour sa iba't-ibang lugar na may magagandang tanawin dahil gusto kong kumuha ng mga pictures. Gusto ko kasing maging Photographer kaysa sa maging Nurse. Sa katunayan nga ay mas marami pa akong oras sa pagkukuha ng mga pictures kaysa sa pagtatrabaho ko bilang Nurse sa isang kilalang Hospital sa bayan namin.
"Oh sige Marie magbibihis na muna ako para matulungan natin si Inang pagbalik niya." wika ko. Tumango naman ito kaya tumalikod na ako at nagtungo sa kwarto. Naisip ko bigla ang lalaking yun. He's so rude! nakakainis!..Nakakasira siya ng araw!
BINABASA MO ANG
You Stole My Heart
RomanceAlexander Singson is too tough when it comes to woman. Ayaw niya ng commitment dahil para sa kanya ay sakit lang yun ng ulo pero paano kung may darating na isang tao na bigla na lang guguluhin ang buhay niya at pilit na ipinapaniwala sa kanya na mer...