Chapter 2- Opportunities and Accident

10.5K 209 4
                                    

"Tin, mauna na ako..may aasikasuhin pa kasi ako." paalam ko sa kaibigan ko at saka kinuha na ang sling bag ko.
"Hay naku Bella, sanay na ako sa ganyang mga excuses mo..alam ko naman na maglalakad-lakad ka na naman para diyan sa picture-picture mo na yan. Hindi ka ba napapagod diyan?" wika nito. Ngumiti ako dito. Nasa Hospital kasi kami ngayon at gusto kong umuwi ng maaga para naman makapagkuha pa ako ng mga larawan sa paligid.
"Tin, I will never get tired of doing this..mas mahal ko to kaysa sa trabaho ko bilang Nurse..ayoko lang kasing biguin sina Inang at Amang sa mga pangarap nila sa akin kahit na hindi naman talaga iyon ang gusto ko.." wika ko pa. Umismid ito sa akin kaya kinurot ko ito sa tagiliran na ikinakiliti nito.
"Oh sige na..alam ko naman yun at naiintindihan naman kita..ako na ang bahala sa boss natin..ingat ka Bella.." wika nito. Nakipag-beso ako dito at saka lumayo na..While on the way ay hindi sinasadyang mapadako ang tingin ko sa isang kotse na naka-park sa isang puno sa labas ng Hospital at ang ikinapanlaki ng mga mata ko ay ang hambog na lalaking yun at may kahalikang magandang babae. Napapailing na lang ako na dumaan sa harapan nila. I don't know kung nakita niya ako o hindi and besides wala akong pakialam sa ginagawa nila.
"They shouldn't do that in public.." naisambit ko at saka nilampasan na sila. Bakit ba ganun ang mga lalaki?walang pakialam sa mga tao sa paligid at hindi nirerespeto ang dignidad ng isang babae?..sabagay minsan din naman ay may mga babaeng walang pakialam sa kanilang dignidad. They're just doing what makes them happy katulad ko. Ginagawa ko ang mga bagay na makakapagpasaya sa akin. Napangiti ako nang may makita akong kulay pink na bulaklak at may pumatong na bee at nakyutan ako kaya kinuhan ko agad ng larawan. Napangiti ako nang makita ko na maganda ang pagkakakuha ko sa naturang flower.
"Ah excuse me Miss.." biglang may umagaw sa aking atensiyon. Isang magandang sopistikadang babae na huminto sa harapan ko. Bumaba ito sa kotse.
"A-ako po ba Ma'am?" naniniguradong wika ko. Tumaas ang gilid ng mga labi nitong tumingin sa akin.
"Yeah exactly you..I saw you took some pictures and I found it amusing.." wika nito. Kumunot-noo ako dahil sa pagtataka.
"P-po?!.I don't understand what you're trying to say Ma'am." wika ko na rin. The lady crossed her arms at saka tumitig sa akin mula ulo hanggang paa.
"Well I like you..you want to be a photographer right?..you're hired and I'm going to be your boss.." wika nito. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
"P-po?!" hindi makapaniwalang wika ko. Ngumiti ito at saka may kinuha sa bag niya.
"Here's my calling card..you can call me anytime you want..oh by the way I'm Jessica de Jesus and you are?" diri-diritsong wika nito. Napanganga pa rin ako.
"Ah..I'm Maribella Cynthia Catindig po..n-nice meeting you po..p-pero totoo po ba talaga to?" hindi pa rin makapaniwalang wika ko. She smiled.
"Yes Miss Catindig..I owned a gallery and I'm a manager of one of the famous photo gallery here in the Philippines and gusto kong dagdagan ang mga photographers ko and luckily I saw you." wika pa nito. Talaga bang totoo na ito? The next thing I know ay tinapik niya ang balikat ko.
"Umaasa ako sa desisyon mo Miss Catindig.." wika nito at saka umalis na sakay sa kotse nito. I remained speechless. Paano ako makapagsalita kung biglang may dumating sa akin na tulad nito?It is a blessings for me dahil matutupad na iyong pangarap ko na maging isang photographer. Sumakay na lang ako ng jeep pauwi nang mag-ring ang phone ko. Agad ko iyong sinagot dahil si Marie ang tumatawag.
"Oh Marie napatawag ka?" sagot ko sa tawag nito. Humahagolhol ito ng iyak na ikinapagtaka ko. Bigla tuloy akong sinalakay ng kaba.
"A-Ate...A-te..si-si Inang at A-Amang.." iyak na wika nito.
"Marie anong nangyari kay Inang at Amang?sabihin mo sa akin!" wika ko dito. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.
"N-nasa Hospital sila ngayon..naaksidente ang sinasakyan nilang tricycle kanina habang papunta sila ng munisipyo Ate..malubha ang kalagayan nila ngayon Ate.." wika nito na nagpapalamig sa buong katawan ko.
"A-ano?!..s-saan?!" halos mapasigaw na ako dahil sa tensiyong naramdaman ko. Nanginginig ang buong katawan ko at napapaiyak. I don't care kung pinagtitinginan ako ng mga tao sa jeep.
"Sa bayan Ate..hihintayin kita rito.." wika nito.
"Okay..hintayin mo ako diyan." wika ko at saka pinatay na ang phone ko.
"Manong para po!" wika ko sa driver. Huminto ito at saka iniabot ang pamasahe ko at saka nagmamadaling umibis ng sasakyan. Tumakbo ako pabalik ng Hospital na umiiyak dahil hindi pa ako masyadong nakakalayo. Sana makayanan nila..sana buhay pa sila..ayokong mag-isip ng masama pero hindi ko mapigilan na matakot--takot na maiwan kami ni Marie habang buhay. I can't imagine myself without them by my side..sila ang inspirasyon ko at ayokong mawala sila..masyadong pang maaga para kunin sila sa amin ni Marie..
Ilang sandali pa ay narating ko ang Hospital. Patakbong sumalubong sa akin ang kapatid kong si Marie. Iyak pa rin ito ng iyak na yumakap sa akin. Ayoko mang umiyak sa harap niya dahil ayokong nakikita niya ako na pinanghinaan ng loob pero hindi ko napigilan ang lumuha. They are my weaknesses..
"A-ate..s-si Inang at A-amang.." hindi magkamayaw na wika nito. Hinagod ko ang likod niya.
"E-everything will be alright Marie..they're be alright.." wika ko dito. Parang pinipiga na yung puso ko.
"P-pero Ate..k-kanina pa ang mga doctor sa emergency room pero hanggang ngayon..h-hindi pa rin sila lumalabas..A-ate natatakot ako..natatakot ako na baka iwanan na tayo ni Inang at Amang.."wika nito. Maging ako ay natatakot din.
"Psshh..hindi mangyayari yun Marie..h-hindi mangyayari yun.." mabigat sa kaloobang wika ko. Umupo kaming dalawa sa waiting area. Isang oras pa kaming naghintay at dumating na rin si Tiya Susan na kapatid ni Inang. Katulad namin ay umiiyak rin ito. Lumabas ang doctor kaya dali-dali namin itong nilapitan.
"Kumusta po ang mga magulang namin?" agad na tanong ko sa doctor. Bumuntong-hininga ang doctor at saka malungkot na tumingin sa amin. Mahigpit akong napahawak kay Marie.
"I'm sorry Miss Catindig..we did our best pero wala na sila..masyadong malakas ang impact ng pagka-aksidente ng mga magulang niyo..I'm sorry.." wika nito at saka laylay ang balikat na tumalikod. Napanganga ako habang humahagolhol si Tiya Susan at Marie. Dahan-dahan akong napaupo at nanginginig ang buong katawan ko at saka tumulo ang mga luha ko.
"H-Hindi.." naisambit ko. Niyakap ako ni Tiya Susan at Marie na umiiyak.
"Hindi kami iiwan ni Inang at Amang!..Hindi!!Hindi!" wika ko. Wala na..ang sakit-sakit..hindi ko maintindihan kung bakit ang aga-aga pa para kunin ang mga magulang namin..Bakit?Bakit sa amin pa nangyayari ang mga ito?...mabubuting tao ang mga magulang ko pero bakit sa isang iglap lang ay mawawala silang pareho?bakit ngayon pa na malapit ko ng matupad ang isa ko pang pangarap?Paano ba kami makakapagsimula ng wala sila sa tabi namin?

You Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon