Simula nung nagkausap kami ni Alex ay palagi na itong umiiwas sa akin at hindi ko alam kung bakit. Maaga itong umaalis ng bahay at gabi na kung umuuwi at saka hindi ko na siya hinihintay pag-gabi dahil alam ko magagalit lang ito. Ayokong masaktan ulit sa mga sasabihin nito.
"Bella may bisita ka!" tawag sa akin ni Yaya Laydie kaya lumabas na ako ng kwarto para harapin ang bisita.
"Ate!!" tili ni Marie nang makalabas ako sa kwarto. Napangiti ako at napayakap rito. Dinala ko siya sa sala.
"Namissed kita.." wika ko at saka hinaplos ang buhok nito. Bigla itong nalungkot.
"Namissed din kita..Ate, sumama ka na sa akin..Uuwi na tayo sa bahay.." wika nito. Nagtatakang hinawakan ko ito sa kamay. Nag-usap na kami na dito muna ako titira kay Alex nung bago ako lumipat dito at sa katunayan nga ay gusto ko siyang isama rito pero ayaw nito dahil ayaw niya kay Alex.
"Marie, diba napag-usapan na natin to?" wika ko. Bumuntong-hininga ito.
"Sa simula pa lang ay ayoko talaga sa relasyon niyo ni Kuya Alex..Kilala ko siya Ate..He's a well-knowned architect, a playboy, at isang ruthless man kaya ayoko sa kanya para sayo..you deserve better than him." wika nito.
"Marie, alam mo namang--" pero agad na pinutol nito ang sasabihin ko.
"Bakit kailangan mo pang tumira rito Ate?pwede ka naman niyang suportahan kahit na dun ka pa sa bahay manirahan..Ate, ayokong pagdating ng araw ay nakikita na lang kitang umiiyak dahil sa gagong yun!" wika nito.
"Marie!.hindi gago ang Kuya Alex mo at hindi mo naiintindihan kung bakit mas pinili ko ang manirahan rito kasama siya." wika ko. Umiiling ito at napakumpas.
"Ano ang hindi ko naintindihan Ate?kung ikaw hindi mo nakikita ang mga ginagawa ng Alex na yan kapag wala ka pwes ako nakikita ko!.nakikita ko na palagi niyang kasama ang malanding sikat na may-ari ng photo gallery na si Jessica de Jesus na yun!.Nangaliwa na nga ay dun pa sa may-asawa!nakakadiri at nakakasuka ang ginagawa nila at sana makarma sila!" galit na wika nito. Napanganga ako. Gusto kong maiyak. Marie was right. Totoo siguro na kapag nagmahal ka ay nagiging tanga ka rin minsan at sa kaso ko ngayon ay nagpapakatanga ako.
"H-hindi mo pa nakilala si Alex kaya ka nagkakaganyan Marie but if you will know him ay siguradong magugustuhan mo rin siya." wika ko na sinubukang ipagtanggol ang lalaking minahal ko. Umismid ito and she rolled her eyes.
"Ewan ko sayo Ate..hindi ako kasing tanga mo..kung buhay lang sana si Inang at Amang ngayon ay siguradong gagawin din nila ang ginagawa ko ngayon..Ganun ka namin kamahal Ate at kapag may mangyari diyan sa pamangkin ko nang dahil sa kagagawan ng Alex na yan ay hindi ko talaga siya palalampasin!" wika nito. Tumulo ang mga luha ko. Ewan ko ba kung bakit napaka-sensitive ko simula nung nabuntis ako. Pinaglalaruan ng anak ko ang damdamin ko. Nag-alalang niyakap ako ni Marie.
"I'm sorry Marie but I have to do this..gusto kong makilala ng husto ang ama ng magiging anak ko kaya ginagawa ko to." wika ko. Hinagod nito ang likod ko.
"I know pero ayoko namang dumating ang panahon na magiging miserably ka Ate..nasasaktan ako sa tuwing maalala ko ang ginawa ng Alex na yan sayo..Gusto kong maibalik ang Ate Maribella ko..yung matapang, palaban at walang sinusukuan..Kaya natin kahit tayong dalawa lang.." wika nito. Umiling ako at saka kumalas dito.
"Hindi ko kaya Marie.." lumuluhang wika ko.
"Bakit ba nasabi mong hindi mo kayang iwan ang lalaking yan?He's not worth it for you!.balang araw ay makahanap ka rin ng lalaking magmamahal at mag-aalaga sayo at hindi si Kuya Alex yun!" wika nito.
"Mahal ko siya Marie..minahal ko siya at hindi ko sinasadyang mahalin siya..alam kong hindi ako ang mahal niya at alam kong mali pero hindi ko pa rin napigilan ang sarili ko na mahalin siya.." wika ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko at saka pinahid ang mga luha ko.
"Wag kang umiyak..Kita mo na Ate?hindi ka niya mahal pero naging boyfriend mo siya at ang masakit sa lahat ay yung binuntis ka niya at hindi ka kayang panagutan..you know what?I hate him so much dahil hindi siya magandang impluwensiya sayo.." wika nito. Yumakap ako dito at saka ibinuhos ang lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko kayang ipaliwanag kay Marie ang lahat dahil natatakot ako sa kung ano ang magagawa niya kay Alex. Ilang sandali rin kami sa ganung posisyon at ng mahimasmasan ay niyaya niya akong lumabas.
"Kailangan mong mag-unwind Ate o mamasyal, mag-shopping para hindi ka ma-bored rito..or bibili tayo ng mga damit ng baby.." wika nito. Napangiti ako kahit papano.
"Nakakatawa ka naman Marie..hindi pa nga namin alam kung ano ang gender ng anak tapos bibili na tayo ng mga damit?naku masasayang lang yun." wika ko.
"Hindi ah..bibili tayo ng mga damit na unisex para kahit babae o lalaki ang anak mo ay magagamit pa rin.." wika nito. Tumango-tango lang ako dito at saka ilang sandali pa ay umalis na kami ng unit at nagpunta sa isang mall at agad kaming nagpunta sa babies section at dun namimili ng mga gamit sa baby ko. Excited ako sa paglabas ng anak ko. Two months na ang baby na nasa sinapupunan ko and I can't wait to see my baby. Marami-rami rin kaming nabili ni Marie at pagkatapos ay binayaran na namin sa counter. Binigyan kasi ako ni Alex ng pera kaya anything at anytime I can buy what I want. Ilang sandali pa ay natapos na rin kami sa pamimili kaya inaya ko muna ang kapatid ko ng kumain.
"Kain muna tayo Marie..nagugutom na ako..Gusto kong kumain ng Kare-Kare.." wika ko at sabik na sabik na makakain ng Kare-kare. Naglilihi na kasi ako. Sayang dahil sa ganitong stage ng pagbubuntis ko ay dapat si Alex ang kasama ko at pupuno sa mga pangangailangan ko pero alam ko naman na hindi mangyayari yun. Napabuntong-hininga ako sa naisip. Pumunta kami ni Marie sa isang restaurant na malapit lang sa mall. Wala masyadong tao ng mga sandaling yun nang pumasok kami ni Marie. Nauna na ako sa table at si Marie ang nag-order nang hindi sinasadyang mapatingin ako sa may sulok ng restaurant and my eyes widened when I saw Alex and Jessica laughing at sweet na sweet pa ang mga ito. Bigla akong nakadama ng kirot kaya tumayo ako. Ayoko silang makita..not now dahil nasasaktan ako ng sobra. Nagmamadaling nilapitan ko si Marie at saka hinila.
"Anong nangyari sayo Ate?" may pagtatakang tanong nito nang makalabas na kami.
"Sumama ang pakiramdam ko..I just want to go home..iuwi mo na ako." wika ko. Ayokong makita ni Marie ang nakikita ko dahil ayokong madagdagan ang galit niya kay Alex.
"Akala ko ba ay nagugutom ka?are you okay Ate?" wika nito. Nakita kong papalabas sina Alex at Jessica sa restaurant. Nakita ako ni Alex kaya dali-dali kong hinila si Marie.
"Yeah..let's go..we need to get out of here dahil masama ang pakiramdam ko." wika ko kaya nagmamadaling umalis kami sa lugar na iyon. Mabuti na lang at hindi na nagtanong pa si Marie na sumunod sa akin.----------------------------
Nagising ako at napatingin sa tabi ko. Nakauwi na pala si Alex nang hindi ko alam. Napatingin ako sa clock and it's two in the morning na pala..Sinubukan kong matulog ulit pero hindi na ako makatulog ulit hanggang sa lumipas ang isang oras. Tiningnan ko ang katabi ko na himbing na himbing sa pagtulog. We shared his room simula nung lumipat ako dito but he never gave me his attention. Napabuntong-hininga ako na napatitig dito. Pinagmasdan ko siya na yung tipong sinasaulo ko ang bawat anggulo ng mukha niya--ang maamo niyang mukha. Ilan na kayang babaeng naikama at pinaiyak nito? I wondered why I loved this man so much despite of those traits he had?Gusto kong maiyak kaya tumayo ako at saka lumabas ng kwarto. Nauuhaw ako kaya pumasok muna ako sa kusina para uminom ng tubig at pagkatapos ay nagpunta ako ng sala nang biglang mag-ring ang telephone sa sala. Napakunot-noo ako. Masyado pang maaga para tumawag dito sa bahay ah. Ilang rings ang narinig ko kaya sasagutin ko na lang at baka emergency ito. Saktong pagkuha ko ng telephone ay nawala ang ring. Sinubukan kong ilapit sa tainga ang telephone nang mapakunot-noo ako nang may nagsalita sa kabilang linya.
"Love..can you come to my unit?may pag-uusapan tayong importante.." pagmamakaawang iyak ng isang babae. Sasagot na sana ako na wrong number ito pero nagtaka ako nang may magsalita sa kabilang linya na nagpalamig sa buong sistema ko.
"Jessica, it's too early..at saka isa pa ay magtataka si Bella na maaga akong umalis." at hindi ako maaaring magkamali. Si Alex yun. Ngayon ko lang na-realized na party line pala ang telephone sa kwarto namin at sa sala.
"No Alex..you need to be here..I need you and our baby..please." iyak pa rin na wika ni Jessica. My mouth parted because of what I heard.
"What?!" halatang nagulat si Alex. Napapikit ako habang hinawakan ang sinapupunan ko at saka napakagat-labi.
"Yes! I'm pregnant Alex at ikaw ang ama..kailangan ka namin ngayon ng anak mo." wika ni Jessica. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Sobrang nasaktan ako sa narinig kaya dahan-dahan kong ibinaba ang telepono. Tama na ang narinig ko dahil sobrang sakit na. Napaupo ako sa isang tabi na tahimik na umiiyak at napayakap sa sarili. Things will changed and my life also will changed. Maya-maya pa ay narinig may kaluskos galing sa taas kaya dali-dali akong nagkubli and from there I saw Alex rushing towards the door at saka isinara iyon ulit. Lumabas ako sa pinagkubli-an ko at saka hinayaan ang sarili na umiyak. Mas napatunayan ko ngayon na mahal niyang talaga si Jessica and no matter what happens, babalik at babalik sila para sa isa't-isa at isa lang ang ibig sabihin nun...hindi na niya kami kailangan ng anak niya dahil masaya na ito sa piling ng pinapangarap nitong babae. Sobrang sakit pala. Mas masakit kaysa sa ginawa ni Adrianne sa akin.
BINABASA MO ANG
You Stole My Heart
RomanceAlexander Singson is too tough when it comes to woman. Ayaw niya ng commitment dahil para sa kanya ay sakit lang yun ng ulo pero paano kung may darating na isang tao na bigla na lang guguluhin ang buhay niya at pilit na ipinapaniwala sa kanya na mer...