Chapter 15- May isang Salita

6.3K 168 2
                                    

"Tito!wake up!" napamulat ako nang maramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko at may tatlong sumasakay sa tummy ko. Napangiti ako when I saw my nephews and nieces na sina Alricka at Drick na anak nina Ate Alyssa at Kuya Cedrick at ang three years old na si Samantha Alexxis at ang two years old na kapatid nitong si Sammuel Alejandro na anak naman nina Alison at Aleck.
"Hi..good morning kids.." bati ko sa kanila. Humagikhik ang tatlo at nakaismid naman si Alricka.
"I'm not a kid anymore.." wika nito. Napatawa ako.
"Oh come here darling.." wika ko at saka inakbayan ito.
"for me you're still a kid kahit na dalaga ka na..you're all my kids..kayo ng kapatid at mga pinsan mo.." wika ko. She pouted and hugged me habang ang tatlo ay naglalaro sa tabi ko.
"Ahh..you're my favorite uncle Tito Alex.." wika nito. Napatawa ako.
"Oh by the way, why are you here in my room?ang aga-aga niyo namang bumisita sa akin.." wika ko.
"Tito Alex, it's not maaga anymore because it's already ten in the morning.." sabad ni Drick.
"Huh?!" nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa alarm clock.
"Fuck!" wika ko nang mapatingin ang mga pamangkin ko sa akin.
"Can I eat fuck Tito?" wika ni Samantha.
"Me too Tito.." wika naman ni Sammuel. Napahagikhik si Alricka at kunot-noo naman si Drick habang ako ay napasapo sa ulo ko.
"Don't say bad words kasi Tito dahil baka akalain ng mga bulilit na to na makakain ang mga pinagsasabi mo na yan.." wika ni Alricka.
"Sorry kids but you have to get out in my room and so I could prepare myself..t-teka, sinong kasama niyong pumunta dito sa unit ko?" tanong ko sa mga ito.
"Mom and Tita Alison is here..they're in the kitchen.." wika ni Drick. Tumango na lang ako at pinalabas na sila. Natutuwa ako sa mga pamangkin ko. I loved kids at gusto kong magkaroon ng mga anak at gusto ko si Jessica ang magiging ina ng mga anak ko. I took a quick shower. Mabuti nalang at wala akong pasok sa trabaho ngayon. Isa akong Architect and at the same time ay meron din akong mina-managed na little business. Nagsumikap talaga ako para yumaman at para tapatan ang Steven de Jesus na yun. Humanda ka sa akin Steven dahil kukunin ko kung ano ang para sa akin sa pamamagitan ni Bella. Isang linggo na nga pala ang nakalipas simula nung huling pag-uusap namin ni Bella at aaminin ko na nakokonsensiya ako sa ginawa ko. Binigyan ko na muna siya ng time para makapag-isip kaya hindi ko na muna siya pinuntahan. Ilang minuto pa ay natapos na akong maligo at saka nagsuot lang ako ng khaki shorts at puting sando at saka lumabas nang mapansin kong may nagtatawanan sa may kitchen.
"Ay naku Ate Alyssa, ganun talaga kapagka gusto ay talagang humahanap ng paraan.." wika ng isang familiar na boses at maya-maya pa ay nagtawanan ulit sila.
"Bakit Bella?iyan bang si Kuya Alex kapag may gusto ay humahanap ba ng paraan?" boses iyon ni Alison. Bella is here? pumasok ako sa kitchen and there I saw them giggling.
"Ehemm!..can I join?..ang aga-aga niyo namang nag-tsismisan sa unit ko." gambala ko sa kanila. Pareho silang napatingin sa akin.
"Hi Kuya Alex!" nakangiting lumapit sa akin si Alison at saka yumakap at ganun rin si Ate Alyssa.
"Napaka-rude mo naman Alexander!.you should be happy dahil naisipan naming bisitahin ka at sinama na namin si Bella..Nadaanan kasi namin siya kanina sa isang waiting shed kaya sinabay na namin dito.." wika ni Ate Alyssa. Napatingin ako kay Bella pero umiwas ito ng tingin sa akin. She's still mad at me. Ngumiti na lang ako at saka lumapit dito and then I held her waist at binigyan siya ng smack sa lips na ikinabigla nito.
"Iiihhhh! ang sweet ni Kuya Alex!" hiyaw ni Alison. Ngumisi lang ako at saka tiningnan si Bella na pulang-pula ang mukha.
"You're blushing Honey!" wika ko dito kaya bumunghalit ng tawa ang dalawa kong kapatid.
"Ang cute ni Bellang tignan kasi ang pula-pula niya." tawa-tawang wika ni Ate Alyssa. It looks like they love Maribella.
----------------------------
"Sige mauna na kami Bella, Alex..next time ulit tayo mag-bonding kasi gusto ng umuwi ng mga bata..We enjoyed a lot.." paalam ni Ate Alyssa.
"Sige..thank you for joining us Bella.."wika naman ni Alison at saka nakipag-beso sila sa akin. Ngumiti ako sa mga ito at maya-maya pa ay wala na ang mga ito sa harapan namin. Napabuntong-hininga ako at saka lumingon kay Alex. He was standing next to me at seryoso itong nakatitig sa akin. Napalunok ako.
"I have to go..thank you sa bonding moments.." wika ko. He crossed his arms.
"Can we talk?" seryosong wika nito. Siguro okay na rin na mag-usap kaming dalawa para maliwanagan ito tungkol sa kung ano kami. Tumango ako.
"Sure pero sandali lang ang pag-uusap natin Mr. Singson dahil marami pa akong dapat asikasuhin kaysa sa pakipagbiruan sayo." wika ko. Tumango ito at saka niluwagan ang pinto ng unit niya. Wala sa loob na pumasok ako at dumiritso sa sofa umupo. Nakasunod ito sa akin at nanatili lang itong nakatingin sa akin kaya naiilang ako.
"Why are you looking at me like that Alex?Okay..nakita ako ng mga kapatid habang nag-aabang ng sasakyan papunta ng bayan kaya sinama na lang nila ako at hindi ko naman akalain na pupunta sila dito sayo kaya napasubo ako pero hindi ibig sabihin nun na hindi na natin putulin ang kung anong meron tayo Alex..buo na ang desisyon ko..I want to live peaceful and simple life na nakukuntento sa mga simpleng bagay na makakapagpasaya sa akin." wika ko at saka huminga ng malalim. Umistraight ang kilay nito.
"And why are you explaining that to me Maribella?" tanong nito.
"Because I don't want you to think na wala akong isang salita Mr.Singson.." wika ko. Namaywang ito.
"Eh di kung ganun ay wala ka palang isang salita Bella.." wika nito kaya ako naman ang napakunot-noo.
"Meron akong isang salita kaya nga tinutupad ko ang sinasabi ko na ayoko na diba?" wika ko. Lumabas ang half killer smile nito.
"Pumayag ka na nga na maging girlfriend ko tapos ngayon ay ayaw mo na?nasaan ang isang salita mo?" nanunuyang wika nito. Napanganga ako. I don't know what to say kaya napailing na lang ako. Napakatuso ni Alex.
"Is there something you wanna say?" pukaw nito sa akin. I took a deep breath.
"Okay fine..itutuloy ko ang pagiging girlfriend ko sayo para matahimik yang kaluluwa mo..pero hindi ko maipapangako sayo Alex na mapapasa-iyo o makukuha mo si Jessica..Ipapaalala ko sayo na may-asawa na siya at kasalanan ang mang-agaw ng asawa sa mata ng Diyos at sa mata ng tao.." wika ko. Tumabi ito sa akin.
"Bella, hindi mo ba nakikita na sa tuwing nakikita niya tayo ay mag-iiba ang expression niya na para bang nagseselos siya?at isa lang ang ibig sabihin nun Bella, she's still inlove with me..alam ko kasalanan ang mang-agaw pero ako ang inagawan Bella--inagaw sa akin ni Steven si Jessica and besides pwede ng ma-annul ang mga kasal ngayon..malapit na niya akong piliin Bella.." wika nito. Nakatitig ako sa kanya. Kung magmahal si Alex ay wagas. Lahat gagawin para makuha ang minamahal. Kung naging ganun rin si Adrianne sa akin ay siguradong masaya ako ngayon.

You Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon