Kinabukasan ay medyo masakit ang katawan ko. Napangiti ako when I remembered what was happening. We made love many times at wala akong ginawa kundi ang magparaya sa nararamdaman ko. Naalala ko pa ang sinabi sa akin ni Alex kagabi na wag ko raw siyang iwanan..and he wants to take care of me. Hindi lang nito alam kung gaano niya ako napapasaya sa mga binitiwan nitong salita. Ewan ko ba kung bakit sa araw-araw na nakikita ko siya ay nadagdagan ang pagmamahal ko sa kanya. Pero alam ko naman na nahihirapan ngayon si Alex na pumili sa amin ni Jessica--ako ba o ang pinangarap niyang mahal?Kahit na hindi nito nabanggit sa akin na nabuntis nito si Jessica ay nanatili pa rin ako sa tabi niya. I don't want to ask him about that because I don't have the right--because I am not his wife-not even his girlfriend at yun ang pinakamasakit sa lahat-wala akong karapatan. Ayokong nahihirapan siya pero gusto kong panghawakan ang mga salita niya dahil umaasa ako. I may looked so desperate pero talagang ganun siguro kapag nagmahal ka--umaasa at nagpapakatanga. Marami akong natutunan sa buhay simula nung dumating si Alex sa buhay ko. Tinitigan ko siya na natutulog sa tabi ko. Napaluha ako. Bakit ko nga ba siya minahal?o mas tamang sabihin that I always love at the wrong person. Una ay si Adrianne pero mas pinili nitong magpakasal sa minamahal at naiwan akong sugatan at ngayon naman ay si Alex at hindi ko kayang makipagsabayan kay Jessica para kay Alex dahil sa simula pa lang ay alam kong talunan na ako. Hinawakan ko ang mukha niya, ang ilong nito at huminto ako sa lips niya. I loved those lips and how they kissed me. Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. He's awake! ramdam ko ang pamumula ng mukha ko.
"Good morning Hon..good morning baby.." wika nito at saka hinawakan ang tummy ko. Nakakataba ng puso. Gusto ko talagang maiyak. Akala ko magbabago ang mood niya pagkatapos ng nangyari kagabi.
"G-good morning din.." wika ko. Hinila niya ako dahilan para mapasubsob ako sa dibdib niya. Sobrang kumakabog ang dibdib ko sa nararamdaman ko na nag-uumapaw para sa kanya. Natatakot ako na marinig niya ang tinitibok ng puso ko na ang isinisigaw ay siya lang.
"Just stay with me Hon..Starting today I will take care of you and the baby at babawi ako sa mga pagkukulang ko..Bukas, magbabakasyon tayo sa boracay..let's give it a try Bella.." wika nito at hinahaplos ang buhok ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapaluha. Sobrang kasiyahan ang nadarama ko ng mga sandaling yun. He wants to give it a try?kung alam lang nito na gustong-gusto kong subukan at gusto kong ipaglaban siya. Nagkaroon ako ng pag-asa na makasama siya pero paano si Jessica at ang magiging anak nila?
"B-but...h-how about J-Jessica?" nauutal na tanong ko dahil natatakot ako sa maaaring isagot niya sa akin. I heared him sighed. Matagal bago ito nakasagot.
"It's still the same Bella..I'm still inlove with her at hindi magbabago yun..pero iyong sitwasyon natin ay gusto kong itry..sinusubukan ko at gusto kong palagi kang nasa tabi ko." wika nito na ikinalungkot ko. It hurts so much knowing that the person you love doesn't love you. It breaks your heart to see that the one you love is happy with someone elsebut I guessed it's more painful to know that the one I love is unhappy with me. Parang pinipiga ang puso ko sa narinig. Kumawala ako sa pagkakasubsob sa kanya at saka umupo sa kama na nakatalikod sa kanya. Tumawa ako ng pakla.
"Let's not make it hard for you Alex.." mabigat sa loob na wika ko.
"W-what do you mean?" takang-tanong nito. I took a deep breath.
"Hindi mo kailangang mamili sa amin ni Jessica.." at saka humarap ako sa kanya. "Mahal mo siya at hindi magbabago yun..Alex..may gusto lang sana akong hinging pabor sayo.." wika ko at pinipilit na magpakatatag. Kunot na kunot ang noo nito na nakatitig sa akin.
"B-Bella.." sambit nito. Tumulo ang mga luha ko. Ang sakit-sakit at ayokong umasa.
"Please d-don't give me..h-hope..ayaw kong umasa Alex.." halos bulong na wika ko at saka tumayo at isa-isang pinulot ang mga damit ko at saka isinuot iyon at pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto at ang masakit sa lahat ay umasa ako na sundan niya pero wala at ni wala itong sinabi sa akin. Nadagdagan lang ang sakit na nararamdaman ko. Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si Yaya Laydie. Ngumiti ako dito.
"Ya.." wika ko.
"Umiiyak ka ba?" takang-tanong nito. Agad akong umiling.
"H-hindi naman Ya..ahh ipaghanda mo ko na muna ng pagkain si Alex dahil baka nagugutom na siya.." wika ko at saka pilit na ngumiti dito. Alanganin naman itong tumango at iniwan ako. Napahugot ako ng malalim na hininga. I want to ease the pain that I have right now pero hindi pa pwede dahil masyado pang maaga para sumuko. Ako rin naman-I want to give it a try. Nagsimula na akong magluto para kay Alex. Kung tutuusin ay wala naman talagang sapat na rason para manatili ako sa poder ni Alex pero hindi ko maintindihan ang sarili ko. Napapailing na lang ako hanggang sa natapos na ako sa pagluluto at saka inilapag ang pagkain sa mesa.
"I'm sorry Bella.." napaigtad ako nang magsalita si Alex kaya napaangat ako ng tingin. Nakatayo ito sa may pinto and he was half naked kaya hantad na hantad ang mga muscles nito--ang katawan nitong pinaglihi ng isa sa mga greek god na kilala ko.
"K-kumain ka na.." I said stuttering at saka umayos at saka bahagyang tumalikod. Ayokong makita niya ang reaksiyon ko kapag kaharap ko siya dahil baka malaman nito na sobra ko siyang mahal. Naramdaman ko ang paglapit nito.
"Please tell me kung paano mo ako mapapatawad..gagawin ko Bella.." wika nito. My forehead knotted dahil sa pagtataka. Hindi ko lubos akalain na ang kilala kong Alex ay marunong palang magpakumbaba at ito ngayon sa harapan ko at humingi ng kapatawaran. I wanted to cry dahil kahit pinatawad ko na siya sa mga ginawa niya sa akin ay hindi na magbabago ang lahat--hindi magbabago ang pagmamahal nito kay Jessica.
"A-Alex please don't.." nanginginig ang boses ko na humarap dito. Lumamlam ang mga mata nito.
"Alam ko nasaktan kita ng sobra Bella..tinuruan mo ako kung paano humingi ng tawad..before you came into my life marami akong pagkakamali and in fact muntik ng mamatay si Alison sa kagagawan ko dati..I' am ruthless and heartless Bella at nang dahil lang yun sa isang babae na sobrang minahal ko ng buong buhay ko at si Jessica yun..when you came into my life na-realized ko na mas mabigat pa ang pinagdaanan mo kompara sa akin pero hindi ka sumuko at gusto kong maging katulad mo Bella na matapang, mapagmahal at mapagkumbaba pero hindi ko yun magagawa if you're not by my side..I need you Bella..please stay with me because I wanted to be a father of our baby.." wika nito. Tumulo ang mga luha ko at napayakap sa sarili.
"H-hindi ako matapang Alex..marami rin akong pagkakamali sa buhay pero nang dahil sa mga taong nagmamahal sa akin ay natuto akong tumayo at mangarap..matagal na kitang pinatawad dahil...dahil mahalaga ka sa akin dahil ikaw ang ama ng magiging anak ko..at hindi ko pinagsisihan ang nangyari sa atin dahil binigyan mo ako ng isang blessing at iyon ay ang magiging anak natin.." wika ko. He cupped my face and wiped away my tears.
"Then let's give a try Bella para sa magiging anak natin.." halos bulong na wika nito. I looked straight to his eyes.
"B-but..y-you can't because you're inlove with someone else and I don't want you to choose between me and the love of your life Alex..dahil wala akong laban sa kanya.." wika ko. He hugged me.
"I'm sorry..I'm so sorry.." wika nito. Lalo lang akong nasasaktan dahil sa pagkasabi niya ng sorry sa akin dahil isa lang ang ibig sabihin nun--nagso-sorry siya dahil hindi niya kayang iwan si Jessica pero kahit ganun ay may konting saya pa rin sa puso ko dahil sinubukan naman nito na magiging okay kami para sa magiging anak namin kahit na mahirap ang naging sitwasyon namin.********************************
"You can now open your eyes Hon.." bulong sa akin ni Alex pagkatapos nitong kunin ang mga kamay nitong nakapiring sa akin. Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa isip nito at sinabi sa akin na meron raw siyang surprise sa akin. Kasalukuyan kaming nagbakasyon sa isang sikat na white beach--na para sa akin ay isang paraiso dahil bihira lang itong pinupuntahan ng mga turista. Na-preserved nito ang ganda ng kalikasan which is gustong-gusto ko. Pagkadating na pagkadating namin kanina ay agad kong kinuha ang camera ko at saka kumukuha ng mga larawan ng kakaibang tanawin hanggang ngayon na gabi na. Enjoy na enjoy ako at pansamantala kong nakalimutan ang lahat ng nangyari sa buhay ko. I should enjoy every moment na magkasama kami ni Alex dahil baka pagdating ng bukas ay maaaring hindi na mangyayari ito kahit na kailan. I gasped hard nang magmulat ako ng mga mata. In front of me is a real paradise! ang tahimik. If I'm not mistaken ay nasa tuktok kami ng light house na nasa ginta ng dagat at kitang-kita ko mula rito ang kumikinang na metro. My mouth was a little bit parted dahil mula kinatatayuan namin ay kitang-kita ko ang liwanag ng kalangitan at ang kumikinang na mga bituin at nasa harapan namin ay isang blanket na may mga pagkain. Napatingin ako kay Alex and my eyes became teary again dahil noon pa man ay pangarap ko na makapunta sa ganitong lugar-yung nasa tuktok ako at nakikita ang lahat because I want the world to know that I am happy with my partner in life. Alam kong hindi ko kasama dito ngayon ang magiging partner in life ko pero masaya ako dahil natupad yung pangarap ko.
"A-Alex..hindi mo alam kung gaano mo ako napapasaya ng gabing ito..pangarap ko to..sobrang salamat.." halos maiyak na wika ko at saka napayakap dito. Naramdaman ko ang pagganti nito ng yakap sa akin at dun na ako tuluyang naiyak. I feel safe now at sobra ko siyang minahal at sana siya na lang ang magiging forever partner ko in life..
"Diba sabi mo sa akin dati na gusto mong makapunta sa mga magagandang tanawin at kahit hindi masyadong sikat basta't ma-appreciate mo ay masaya ka na? I remember that Bella and I'll always remember that dahil dito lang ako makakabawi sayo..I want you to be happy.." wika nito. Kumakabog ng husto ang dibdib ko at saka kumalas dito at walang kaabog-abog na hinalikan ko siya sa labi na ikinagulat nito.
"Thank you..thank you for making me happy.." wika ko. Nakita ko ang pagngiti nito.
"You're always welcome Bella.." and he winked at me na sobrang ikinakilig ko. Kinuha niya ang kamay ko at saka iginiya niya ako sa blanket.
"Mag-star gazing tayo.." wika nito at saka inalalayan niya akong mahiga at pagkatapos ay nahiga rin ito sa tabi ko at nagulat ako nang bigla nitong inangat ang ulo ko para gawing unan ang mga braso niya.
"Now tell me more about you Bella.." wika nito. Mula sa kinahihigaan ko ay napatingin ako sa mukha nito na nakatingin sa langit. Bakit biglang bumait si Alex sa akin?bakit bigla na lang itong nagbago?Hindi lang nito alam na sobrang kinikilig ako sa mga ginagawa niya..he wants to know more about me at natutuwa ako dahil gusto niya akong makilala.
"Well in that case I want to know about you too Alex..para makilala kita ng husto at makilala mo rin ako ng husto.." nakangiting wika ko. I wasn't expecting this moment to happened in my entire life at siguro ito na yung pinakamagandang regalong natanggap ko mula kay Alex--ang makilala siya.
BINABASA MO ANG
You Stole My Heart
Roman d'amourAlexander Singson is too tough when it comes to woman. Ayaw niya ng commitment dahil para sa kanya ay sakit lang yun ng ulo pero paano kung may darating na isang tao na bigla na lang guguluhin ang buhay niya at pilit na ipinapaniwala sa kanya na mer...