Simula nung huli naming pag-uusap ay hindi na nagpakita pa sa akin si Alex. Hindi ko na siya nakakatext. Mula nang sinabi niya sa akin na pwede akong magback-out ay hindi na ako nag-react pa. Ayoko naman kasi na parang ako ang naghahabol na kung tutuusin ay wala naman akong dahilan.
"Napansin kong hindi ka na sinusundo ng boyfriend mo Bella..may problema ba kayong dalawa?" tanong sa akin ni Ma'am Jessica. If I know, nagtatanong lang ang isang to dahil baka mahal pa niya si Alex. Ayokong mag-isip ng masama tungkol dito pero pakiramdam ko ay ayaw nitong mapapasa-ibang babae si Alex. Ngumiti lang ako.
"Nagkatampuhan lang." matipid na sagot ko kahit na hindi ko alam kung nagkatampuhan lang kami ni Alex o habang buhay na kaming ganito. She smiled.
"You will find a better man for you Bella.." wika nito na ikinakunot ng noo ko.
"W-what do you mean Ma'am?hindi ba better man si Alex?" takang-tanong ko. Medyo tumaas ang kilay nito na medyo ikinailang ko.
"You didn't know how and who Alex is Bella and so if I were you, I'm going to break him up at maghahanap ako ng lalaking mas better pa sa kanya.." wika nito. Umiling ako.
"I'm his girlfriend and I knew him better than any men Ma'am.." wika ko kahit na walang kasiguraduhan. Para itong napatda sa pagkakasagot ko. Nakita ko ang pagdilim sa mukha nito.
"You can go now Miss Catindig.." wika nito at saka tumayo rin at iniwan ako. Tinatanaw ko siya habang papalayo. Kahit hindi niya aminin ay alam kong mahal pa niya si Alex and it only means one thing--lalayuan na ako ni Alex at hindi na siya magpapakita sa akin. I sighed at saka kinuha ang mga gamit ko para umuwi na. Naiisip ko pa rin si Alex hanggang sa makalabas na ako ng studio at nag-aabang ng masasakyan. Ang daming nag-aabang ng masasakyan kaya malamang mahihirapan akong sumakay kahit na magtaxi pa ako pero wala akong choice at ayokong maglakad dahil natatakot na ako na baka may mangyayari na naman sa akin na masama. I waited hanggang sa biglang may humintong kotse sa harap ko. Kumunot-noo ako but then nang bumukas ang bintana ng kotse ay agad na bumilis ang tibok ng puso ko.
"Ano pa ang hinihintay mo?hop in.." wika agad nito. Napaismid ako.
"Akala ko ba ay hindi na matutuloy ang pagpapanggap natin?wala ng rason para sumakay pa ako diyan.." mahinahong wika ko. Nakita ko ang pag-straight ng mga kilay nito. Bumaba ito at saka tumapat sa akin na nakapamaywang.
"Bakit?nagback-out ka na ba?nakapagdesisyon ka na ba?...hindi pa ako pumayag na tuluyan ka ng magback-out.." walang emosyong wika nito. Napataas-noo ako.
"Magtataxi na lang ako Mr. Singson.." wika ko at nakita ko ang pagtiim ng mga bagang nito at napasigaw ako nang bigla niya akong binuhat--bride style.
"Put me down!" sigaw ko sa mukha niya. Ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin at kumakabog ng husto ang dibdib ko. Seryoso ang mukha nito na tila ba kahit anong segundo ay sasabog ito.
"Just kept your mouth shut Honey..someone's watching us.." wika nito at saka ipinasok niya ako sa kotse. Napahalukipkip ako habang sinara nito ang pinto at saka pumasok na rin ito at pinaandar ang kotse. Pero bago pa makalayo ay nakita ko si Ma'am Jessica na tumalikod pabalik ng studio. Napanganga ako at saka napatingin kay Alex. Sinundo niya ako at saka binuhat pa dahil nakatingin pala si Ma'am Jessica at ginawa niya yun para pagselosin si Ma'am?
"Just kept your mouth shut Honey..someone's watching us.. "
Ngayon ko lang naintindihan ang sinabi niya. Nakaramdam ako ng lungkot and I don't know where it came from.
"pakihatid mo na lang ako sa bahay.." malamig na wika ko ngunit wala akong narinig na response dito. Naiinis ako kaya hinayaan ko na lang ito. He's so silent and serious and I wonder what he was thinking or I'd rather say who he was thinking right now. Iisang tao lang naman ang palaging naiisip ni Alex for sure. I wonder what was the real story behind those love he has for my boss?at kung bakit nasa mga mata nito ang galit at hinanakit. Maya-maya pa ay huminto ang kotse at saka lumabas ito at saka lumibot at may kinuha sa backseat na isang malaking bag at saka pinagbuksan ako. Kahit nagtataka ay lumabas ako. Nilibot ko ang aking paningin.
"Where are we?" tanong ko dito. "Just relax and enjoy this moment.." wika nito. Napatingin ako dito. He looked serious. Ganito ba talaga siya?masyadong seryoso at ang hirap sakyan ng trip nito?Inilibot ko ang aking paningin at napanganga ako. The place is so wonderful..peaceful and relaxing.. Ang sarap kuhanan ng mga larawan ang bawat sulok ng lugar na makikita ko. We are on a hill overlooking the whole metro and there is a little water falls on the other side. Nagniningning ang mga matang tumingin ako kay Alex.
"B-bakit tayo nandito?" manghang tanong ko. May kinuha ito sa malaking bag at saka inilapag ang isang medium size na blanket.
"We're going to have a date this night.." wika nito that makes me gasp. Parang nababato at saka hindi makagalaw. Is this real?Nakita ko ang pag-aaranged nito ng mga pagkain sa gilid at pagkatapos ay lumapit ito sa akin. Napapangangang napapakurap ako.
"Just wait for me here.." halos pabulong na wika nito. Wala sa sariling napatango ako. Maya-maya pa ay napatingala ako sa kalangitan. Ang daming stars. Napaisip ako kung isa ba sa mga stars na yun sina Inang at amang at nakikita nila ngayon ang nagaganap sa paligid ko?..na ang nakikita ko ngayon sa paligid ko ay talagang nangyayari na dati ay pinapangarap ko lang. Napaigtad ako nang biglang humawak sa baywang ko at pinaharap ako.
"I'll make this moments to be memorable to you." wika nito. Kumakabog na ng husto ang dibdib ko sa kabang hindi ko maipaliwanag. I became speechless.
"Can I have a dance with you?" tanong nito at saka mula sa isang kamay nito sa likod ay ibinigay nito ang apat na tulips flowers na paborito. How did he know my favorite flower?Inilahad nito ang mga kamay sa akin habang hawak-hawak ang apat na tulips. Kinuha ko yun at saka tawang-tawa. Imagine how romantic he is doing right now tapos yun pala it's just part of pretending. Pero okay rin si Alex atleast I'm getting to know him.
"Thank you for this flowers..but h-how did you knew my favorite flower?" wika ko dito. He smirked.
"It's not important anymore..basta enjoy yourself..don't think any problems in this moment of your life.." wika nito. Napangiti ako at inabot ko ang kamay niyang nakalahad para makipagsayaw sa akin. There's no music at all..ang maririnig ko lang ay ang mga yapak namin at ang lagaslas ng tubig mula sa water falls kaya nagtaka ako kung paano kami magsasayaw ng walang music..Napaigtad pa ako whe he held my waist and pulled me closer to him. He put my arms around his neck that makes me shiver..nanginginig talaga ako at gusto kong pagpawisan. Sobra kasing magkadikit ang katawan namin that I could even smell his after shaved scent. The moment we sway ay na-amused ako dahil kumanta ito which is hindi ko inexpect. Ang boses at awit niya ang nagsisilbing musika ng pagsasayaw namin and I found it very romantic. I silently savor the moment while he sings.
When I see your smile
Tears run down my face
I can't replace
And now that I'm strong
I have figured out
How this world turns cold
and it breaks through my soul
And I know I'll find deep inside me
I can be the one
I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there with you through it all
Even if saving you sends me to heaven
It's okay..It's okay..It's okay
Seasons are changing
And waves are crashing
And stars are falling all for us
Days grow longer and nights grow shorter
I can show you
I'll be the one
Unti-unti kong naalala si Adrianne. Naalala ko ang mga sandaling masaya kaming magkasama. Gusto kong maiyak. I remembered him again because of Alex. Lalo ko lang namimissed si Adrianne dahil sa inawit ni Alex na 'Your Guardian Angel'..si Adrianne ang guardian angel ko. Pinangako niyang siya ang guardian angel ko habang buhay at pinanghahawakan ko yun hanggang ngayon. Tears started falling from my eyes.
I'll never let you fall (let you fall)
I'll standing up with you forever
I'll be there with you through it all
(through it all)
Even If saving you
sends me to heaven
Coz you're my..you're my..
my true love, my whole heart
Please don't throw that away
Your Guardian Angel
Coz Im here for you
Please don't walk away and
Please tell me you'll stay, stay
Use me as you will
Pull my strings just for a thrill
And I know I'll be okay
Though my skies are turning gray
I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you
sends me to heaven..
Kumalas ako sa pagkakahawak niya at saka pinahid ang mga luha ko. He cupped my face and worried expression was written all over his face.
"W-why are you crying?" tanong nito. I just smiled kahit pilit lang.
"I-I remembered special someone." at napahikbi na ako ng tuluyan. Naramdaman ko na lang na niyakap niya.

BINABASA MO ANG
You Stole My Heart
RomanceAlexander Singson is too tough when it comes to woman. Ayaw niya ng commitment dahil para sa kanya ay sakit lang yun ng ulo pero paano kung may darating na isang tao na bigla na lang guguluhin ang buhay niya at pilit na ipinapaniwala sa kanya na mer...