Chapter 20- Si Alex ang Ama

7K 166 5
                                    

Natapos na lang ang pag-uultrasound sa akin ay hindi pa rin ako kinikibo ni Alex. I'm four weeks pregnant sabi ng doctor. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ngayon tungkol sa kalagayan ko. Tila ba galit ito sa akin.
"Take this vitamins according to the instructions I have written sa resita mo Bella.." wika ng doctor. Tumango ako at saka tumayo na kami.
"Thank you doc.." wika ko. Ngumiti ang doctor.
"Welcome and congrats to the both of you.." wika nito. Umalis na kami at babalik na sana ako sa quarters namin nang pigilan ako ni Alex at hinila sa kotse nito at maya-maya pa ay pinaharurot na ito ni Alex. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung ano ang nasa isip nito ngayon.
"Alex may trabaho pa ako!ibalik mo ako sa hospital!" nanginginig man ay kailangang hindi ako magpapadala sa emosyon ko. Hindi ito nagsalita bagkus parang gusto nitong manuntok ng tao. Napahawak ako sa sinapupunan ko.
"Alex ano ba!ibalik mo na ako dun!" sigaw ko rito.
"Just shut up Bella!" sigaw nito kaya napaigtad ako. Gusto ko ulit maiyak. Ilang sandali pa ay nasa unit na kami ni Alex. Hinila niya ako at saka pagdating sa loob ay mariin niya akong hinawakan sa braso-yung tipong nasasaktan ako. Nanlilisik ang mga mata nito kaya natatakot ako.
"A-Alex..b-bitiwan mo ako..n-nasasaktan ako.." pagmamakaawa ko rito.
"Who did that to you Bella?sino!?pananagutan ka ba ng hayop na lalaking nakabuntis sayo huh? because I'm sure it's not mine!" galit na tanong nito. Napanganga ako at tumulo bigla ang mga luha ko at saka itinulak siya at saka binigyan ko siya ng isang malakas na sampal.
"Anong akala mo sa akin, malandi?kung ayaw mo akong panagutan walang big deal sa akin yun Alex!..how dare you to hurt me!" galit na wika ko at saka pinahid ang mga luha ko. Napanganga ito at napakunot-noo na nakatingin sa akin.
"W-what did you say?..so you have a planned na ipaako sa akin ang bata ganun ba?!ang lakas ng loob mong ipaako sa akin ang responsibilidad ng ibang tao Bella!.anong klase kang tao?!" galit na wika nito kaya sinampal ko siya ulit.
"Anong klase akong tao Alex?natanong mo na ba sa sarili mo kung anong klase ka ring tao?!..ikaw ang pumunta ng bahay na lasing at nagawa mo akong babuyin, pagsamantalahan at ang pinakamasakit sa lahat ay ako yung kaniig mo pero ibang tao ang nasa isip mo ng mga panahong yun kaya wala kang maalala na may nangyari sa atin at tatanungin mo ako ngayon kung anong klase akong tao?!that's bullshit Alex!" lumuluhang wika ko. Nanlaki ang mga mata nito na parang hindi makapaniwala.
"Ako ang ama ng dinadala mo?ganun ba yun Bella?" may kalakip na pagdududang tanong nito. Napatiim ako.
"Walang ibang lalaking umangkin sa akin maliban sayo Alex pero hindi ko kayang ipagwalang-bahala ang anak ko dahil sayo..dahil alam ko naman na ayaw mong magkaanak sa ibang babae maliban kay Jessica..wag ka ng magpapakita sa akin.." wika ko. Napahawak ito sa sentido.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo nung mga panahong yun Bella?!so it wasn't a dream?.." wika nito na tila ba gulong-gulo.
"At sa tingin mo ay paniwalaan mo ako Alex?..hindi ka maniniwala sa akin dahil akala mo ay ako si Jessica ng mga panahong yun..at alam ko magagalit ka lang..wag kang mag-alala wala akong plano na ipaako sayo ang baby ko.." wika ko at saka lumabas ng unit nito na umiiyak. Ang sakit-sakit ng mga sinabi niya.
----------------------------
"You two are getting married as soon as possible dahil kawawa ang magiging anak niyo.." wika ni Ate Alyssa after a week nung huli naming pag-uusap ni Alex. Nagulat ako nang biglang dumating ang mga ito sa bahay kasama si Alex dahil gusto nilang panagutan ako ni Alex.
"P-pasensiya na po..p-pero ayokong magpakasal kay Alex.." wika ko. Napatingin sa akin ang lahat at nakakunot-noo.
"Bella bakit hindi?kawawa ang pamangkin namin kapag hindi niyo yun ginawa.." wika ni Alison.
"I'm sorry but I don't want to marry a man who doesn't love me at mas lalong ayokong magpakasal ng dahil lang sa baby dahil ayokong magiging misirable ang buhay namin ng magiging anak ko." wika ko. Tumayo si Alex.
"Bakit?is Alex doesn't loved you Bella?" takang tanong ni Kuya Cedrick. Umiling ako.
"I'm sorry but we lied.." pero hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang unahan ako ni Alex.
"Of course I love her..pero hindi naman namin kailangang madaliin ang magpakasal..there are a lot of things we should prioritize first..let me handle this.." wika nito na nakatingin sa akin.
"Alex mas kailangan ng anak mo ang isang buong pamilya but how can you do that kung unahin mo ang ibang bagay?" wika ni Aleck. Napatiim si Alex na nakatingin dito.
"Buo na ang desisyon ko..I'm sorry but I can't marry him.." wika ko.
"Bella, paano ang baby?" nag-alalang tanong ni Ate Alyssa. Lumapit sa akin si Alex.
"She will live in my unit and I'll take care of her hanggang sa manganak siya at ibibigay ko sa kanila ang lahat ng pangangailangan nila.." wika ni Alex. Talaga namang wala ring plano si Alex na pakasalan ako kaya tama na rin ang desisyon kong wag magpakasal sa kanya dahil ayokong magsisisi sa bandang huli.
"And then what?akala mo ba ay ganun lang kadali yun Alex?" wika ni Ate Alyssa.
"Ate, just leave it to me okay?hindi naman na ako bata eh para kayo ang magdesisyon sa kung ano ang dapat kong gawin..you heard Bella right?she's not going to marry me at irespeto natin yun.." wika ni Alex. Natahimik ang lahat. Tumayo si Ate Alyssa at ganun rin si Kuya Cedrick.
"Ewan ko sayo Alex..ang tigas-tigas ng ulo mo!ayusin mo ang problema mo dahil kung hindi ay ako mismo ang aayos diyan!" wika ni Ate Alyssa at saka nagmamadaling lumabas kasunod si Kuya Cedrick. Tumayo rin si Alison at Aleck at saka yumakap sa akin.
"Pasensiya ka na Bella pero dapat niyo munang pag-usapan ni Kuya Alex ang tungkol sa baby niyo.." wika ni Alison. Ngumiti ako dito.
"It's okay..wag kayong mag-alala pag-usapan namin to..salamat sa pag-alala niyo sa akin." wika ko. Tumango lang si Aleck at maya-maya pa ay umalis na rin ang mga ito at naiwan kami ni Alex. Tumayo ako ngunit hinawakan niya ako.
"Let's talk Bella..please.." mahinahong wika nito. I don't even know what to say. Umupo ulit ako at tumabi ito sa akin at saka hinawakan ang kamay ko which is unusual for me. Napatingin ako rito and he was looking at me intently kaya kinakabahan ako at saka napalunok.
"A-ano ang pag-uusapan natin?" tanong ko para makaiwas dito.
"I'm sorry for what I did..I don't know how to say sorry to you but.." wika nito. Marunong pala itong humingi ng tawad?Napatawa ako ng pakla.
"I didn't expect you to say sorry for what you did Alex..h-hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin ito.." at paklang natatawa. "Nakakatawa dahil kahit lasing ka ng mga panahong yun ay wala akong nagawa..at akala ko alam mo ang ginagawa mo pero I was so damn shocked na ibang pangalan ang binabanggit mo..you wan't to know who's that person I am talking about?" wika ko. He lift my hand at dinala iyon sa mga labi niya and it brings me a million familiar sensations through my whole being. Pakiramdam ko ay nanayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon.
"A-Alex.." sambit ko. Tinitigan niya ako.
"I'm sorry..but I promise that I'll take care of you and our baby.." wika nito. Na-touched ako sa sinabi nito. Hindi ko akalain na sasabihin niya yun. Napaluha ako. Kahit na hindi ko pa alam kung ano ang tunay na nararamdaman ko para sa kanya ay na-overwhelmed ako ng sobra kahit na kasalanan pa ni Alex ang nangyari sa akin dahil may parte naman ng pagkatao ko na pumayag sa nangyari.
"W-why are you crying?" alalang tanong nito.
" I just remembered what Inang and Amang told me when I was a kid that sometimes being good means loving those people who hurt you..are you inlove with me Alex?" I know I'm stupid and I don't even have the right to ask him like that pero mabuti na rin yung sa simula pa lang ay alam ko na. Halata ang pagkagulat nito-marahil hindi nito inaasahan ang tanong ko. Ginulo nito ang sariling buhok at saka napabuntong-hininga. Hindi ito makapagsalita kaya napatawa ako.
"Never mind..It was just a stupid question..don't take it seriously..Alam ko naman na malabong mangyari yun dahil si Jessica ang mahal mo.." wika ko at saka tatayo na sana dahil sa hiyang nararamdaman ko. Bakit ko pa kasi tinanong si Alex ng ganun?Hinuli niya muli ang kamay ko.
"I tried to forget her but I can't..I'm still inlove with her.." wika nito. Humarap ako dito.
"Pero makakaya ba ng konsensiya mo na makasakit ng ibang tao Alex?mabait si Sir Steven..Hindi mali na nagmahal ka, ang mali ay yung alam mong hindi tama ay pinagpatuloy mo pa rin at ni hindi mo pa nga alam kung mahal ka rin ni Jessica at kung worth it ba ang pagmamahal mo na yun.." wika ko. Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"But she was once inlove with me.." wika nito.
"She was once inlove with you..Was Alex, meaning past..dati yun but how about now, tomorrow and the day after that?Do you think you're going to be happy inspite of those people you've hurt?" wika ko. Tumayo ito.
"Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko Bella." wika nito habang tinuturo ang dibdib. "It's killing me every now and then na nakikita ko silang magkasama and I wished na sana kami ang masayang nagkasama ngayon..ang sakit-sakit..I've tried to forget pero wala..habang tumatagal ay lalong bumabaon ang sakit Bella.." halos maiyak na wika nito. I want to hug him. He seemed so broken-hearted. Kung may magagawa lang ako ay sana ginawa ko na para maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Niyakap ko siya.
"I understand..I know how it felt pero dapat kayanin mo..it's for your own good..If you need someone to talk to, nandito lang ako." wika ko. Ewan ko kung bakit gusto ko siyang tulungan. He hugged me tight.
"Thank you.." wika nito. It's really good to be strong knowing that you have someone to pull you up when you feel like giving up.

You Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon