"Good..you can start your job and I want you to cover the photoshoot for tomorrow's event Miss Catindig..don't you worry, I'll give you the latest model of camera in our generation." wika ni Miss de Jesus. Nanlaki ang mga mata ko.
"P-po?c-camera?" hindi makapaniwalang wika ko. She smiled.
"Yes..I'll give you a camera..galingan mo bukas at gusto ko na ma-impressed mo ako bukas..is that clear Miss Catindig?" wika nito. Napatango ako.
"Naku salamat po talaga Ma'am..gagalingan ko po bukas..salamat po talaga." wika ko.
"Don't thank me Miss Catindig dahil hindi ka pa nakapagsimulang magtrabaho..see you tomorrow.." wika nito at saka ngumiti at tumalikod na. Tumalikod na rin ako para umuwi. Masaya ako pero hindi ko pa rin maitatago sa puso ko ang lungkot na nararamdaman ko dahil sa pagkawala ng mga magulang ko. Sinubukan kong pumayag sa offer ni Miss de Jesus dahil mas malaki ang sahod dun kaysa sa pagiging Nurse ko. Gusto kong patapusin ang kapatid kong si Marie. Kailangan kong magtrabaho para sa aming dalawa. Isang buwan na ang nakalipas simula nung mailibing ang mga magulang ko at para sa akin ay kailangan na naming mag-move on ni Marie at ipagpatuloy ang buhay. Palagi kong naaalala ang sabi ni Inang sa akin.
Alagaan mo iyang kapatid mo Bella..kahit hindi mo siya kadugo ay gusto kong ituring mo siyang parang kadugo mo nang sa ganun kapag kami'y mawala man ay magiging panatag na ang loob namin na nakikita namin na minahal mo siya..
Napahalukipkip ko. Sumasakit na naman ang dibdib ko. I wanted to cry again. Napaupo ako sa isang bench sa ilalim ng isang puno. Isang buwan na ang nakaraan pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Araw-araw ay namimissed ko ang dalawang tao na pinakamahalaga sa buhay ko. Kahit pilit kong isinasaksak sa isip ko na masaya na sila ay hindi ko pa rin maiwasan malungkot.
"Hey!.." biglang may umagaw sa aking atensiyon. I wiped my tears and I saw the man I used to hate. Huminto ito sa tapat ko at saka lumabas ng kotse. Sumimangot ako. Kahit kailan talaga ay napakapresko ng lalaking to. Tumaas ang gilid ng mga labi nito.
"A-anong ginagawa mo rito?" bakit ba kasi nakita ako ng lalaking to sa gitna ng aking kalungkutan?
"I saw you crying.." wika nito. Napakuyom ako.
"Wala kang pakialam..kahit ano ang gusto kong gawin ay gagawin ko..kahit tumambling ako dito wala kang pakialam dun..excuse me." pagtataray ko dito. He caught my arms.
"Sandali nga lang..bakit ba ang sungit mo?.." takang-tanong nito.
"Sa mga presko lang ako masungit katulad mo." tumaas ang kilay ko at saka akmang kukunin ang braso ko na hinawakan nito pero mas malakas ito sa akin. Kung nakakamatay lang ang irap ko sa kanya ay marahil kanina pa ito pinaglalamayan. I don't like his aura kasi masyadong matikas at mayabang kung magsalita. Yung ganitong klase ng lalaki ay habulin ng mga babae at ganito ring klase ng lalaki ang nagpapahabol at mananamantala ng kahinaan ng isang babae. Hindi ko gusto ang ganitong klase ng tao.
"Okay I'm sorry..but I'm not like what you think.." wika nito. Ang sarap lang sapakin ng lalaking to.
"Bitiwan mo nga ako!..hoy! you have no right to touch me!..at kung akala mo madadala mo ako diyan sa kapreskuhan mo pwes hinding-hindi mangyayari yun Mister..at kung inaakala mong katulad ako sa mga babaeng napaikot mo Mister mayabang pwes nagkakamali ka rin so back off!" at saka itinulak ko ito at inirapan at saka tinalikuran. He's so mayabang!
----------------------------
Muntik pa akong mapaupo dahil sa pagtulak ng babaeng yun sa akin. Wala namang masama sa ginagawa ko. Well, I just saw her crying at gusto ko lang naman siyang damayan tapos magtataray siya sa akin?Tupakin din pala yung babaeng yun..ang taray-taray niya akala niya maganda siya. Ano kayang problema ng babaeng yun?Napapailing na lang ako habang tinatanaw ko siya palayo. She's wierd.
kung inaakala mong katulad ako sa mga babaeng napaikot mo Mister Mayabang pwes nagkakamali ka rin so back off! ..
I smiled at that thought. Maging ako ay hindi ko siya kayang patulan. She's not even my type. Wala siya sa kalingkingan kung ikompara sa standard ko sa mga babae. Nakikita ko pa lang ang mukha ng babaeng yun, I'm sure she's boring when it comes to bed. Napaayos ako sa aking sarili at babalik na sana ng kotse nang may isang batang paslit na lumapit sa akin at ini-ingganyo ako na bumili ng diyaryo.
"Sige na po Sir..bumili ka na po kahit isa lang.." wika nito. I smiled at ginulo ko ang buhok nito. Kumuha ako ng isang diyaryo at binigyan ko ito ng isang libo. Nanlaki ang mga mata ng bata.
"Sir ang laki naman po nito." wika nito at akmang ibabalik ang perang bigay ko ngunit pinigilan ko ito.
"Sayo na iyan..regalo ko yan sayo." wika ko. Nakikita ko ang sobrang saya sa mga mata nito.
"Naku salamat po..maraming salamat po talaga." wika nito.
"Oh sige mag-ingat ka." wika ko. Nagtatakbo ang bata marahil sa kasiyahan. Napangiti ako at saka pumasok ako ng kotse. Mahirap lang din kami dati. Naging mayaman lang kami dahil nakapag-asawa si Ate Alyssa ng may kaya sa buhay at napaaral kami ng maayos at nabigyan kami ng magandang buhay kaya mabait ako sa mga mahihirap. Swerte pa rin ako kung tutuusin kahit na sa aming magkakapatid ako yung pinaka-ruthless at masama ang ugali--ang sama-sama ko dahil minsan ko ng ipinagkanulo ang bunso kong kapatid na si Alison sa dati nitong nobyo na si Harry dahil ayokong magkatuluyan sila ni Aleck who used to be our brother. Ampon lang si Aleck at nagmamahalan sila ni Alison na tinutulan ko. But at the end wala akong nagawa. They loved each other and now they we're three years married at nagkaroon ng dalawang anak at naging masaya na ako para sa kanila. They didn't know me inside. I used to be the ruthless one dahil ayokong nakikita nila na minsan naging mahina ako and the only person that makes me weak is the person who leaves me five years ago and that person is no other than Jessica Reyes-de Jesus. Kinuha ko ang diyaryo na nabili ko at nagbasa muna at napangiti ako nang mabasa ko ang tabloid ni Jessica at ayon dito..
A well-known owner of a popular Photo Gallery Jessica de Jesus will launch her arts tomorrow..there's a photoshoot event for tomorrows launching to be held at her husband's convention center..
Naibato ko ang diyaryo. How did she loved that man?He's older than me for ten years and he's not even that handsome..Is it because of the money?
"Fuck!!" galit na wika ko.
BINABASA MO ANG
You Stole My Heart
RomanceAlexander Singson is too tough when it comes to woman. Ayaw niya ng commitment dahil para sa kanya ay sakit lang yun ng ulo pero paano kung may darating na isang tao na bigla na lang guguluhin ang buhay niya at pilit na ipinapaniwala sa kanya na mer...