Chapter 18- Siya Pa rin

6.1K 163 1
                                    

Isang linggo na ang nakalipas simula nung may mangyari sa amin ni Alex at pinipilit kong wag siyang makita at makausap. Natakot ako na baka kapag palagi kaming magkikita at magkausap ay malaman nitong may nangyari sa amin at ayokong mangyari yun. Hindi na rin naman ito nagtetext at nangungumusta sa akin kaya okay lang. Pero aaminin ko na namimissed ko siya--namimissed ko ang presence niya. Isinauli ko na rin ang camerang bigay sa akin ni Ma'am Jessica. Nagtaka at nagulat ito sa ginawa ko pero sinabi kong hindi ko na kailangan ng camera. Tumaas ang kilay nito at masama ang titig nito sa akin. Tumalikod ako pero bago pa ako makatalikod ay may sinabi si Jessica kaya napahinto ako.
"Are you still interested with your job Miss Catindig?"tanong nito. It's seems like gusto na niya akong paalisin dahil hindi na niya ako kailangan. Humarap ako dito.
"Bakit?gusto mo na akong paalisin Miss de Jesus?" nanunuyang tanong ko. Tumayo ito at saka nagpalakad-lakad. Alam ko naman na masama na ang tingin niya sa akin simula nung ipinakilala ako ni Alex na girlfriend niya.
"No..I won't fire you Miss Catindig because I know that your passion is being a photographer and I'm sure hindi ka naman papayag na mawala ang mahal mong trabaho diba?..may hihilingin lang sana ako sayo Bella.." wika nito. Kumunot-noo ako.
"Ano yun?" walang emosyong wika ko. I hate her guts ever since na naging kami kunwari ni Alex. She stopped and looked at me in the eye.
"I know that you knew about Alex and I..we're lovers..kahit na may asawa na ako ay mahal pa rin niya ako at mahal ko rin siya.." walang gatol na wika nito. I gasped at saka umiling.
"I didn't know what you're talking about Ma'am at saka ano ba ang gusto niyong iparating sa akin?na ginamit lang ako ni Alex?..I'm sorry Ma'am, kahit boss pa kita ay hindi ko papayagang masira mo ang kung anong meron kami ni Alex..excuse me.." pagsisinungaling na wika ko at saka tumalikod. I want to slap her kasi masyado itong kampante kahit na may asawa na ito. I didn't know why I felt something pain in my chest. Kahit alam ko naman talaga ang totoong dahilan kung bakit ako naging girlfriend ni Alex ay bakit parang ang sarap sapakin ni Jessica?Ginamit lang naman talaga ako ni Alex para sa babaeng ito kaya naiinis ako. Naiinis ako dahil napaka-over confident nito na siya pa rin ang mahal ni Alex after niyang hiwalayan ang huli. Ang kapal din pala ng mukha ng babaeng to at hindi ko alam kung bakit baliw na baliw si Alex dito.
"Get out from our lives Bella!.layuan mo si Alex dahil ako ang nauna sa kanya!.ako ang mahal niya!" pahabol na wika nito. Napahinto ulit ako at matigas na tumingin dito.
"Ikaw ang nauna?paano?as far as I knew ay may asawa ka na at iniwan mo si Alex dahil ang sabi mo ay mas mahal mo ang asawa mo..how could you love Alex and your husband Ma'am ng pinag-sabay-sabay?dalawahan style o salawahan style ang ginagawa mo?kung mahal mo siya eh di sana siya ang pinili mo noon pa." nanunuyang wika ko. Hindi ko alam kung bakit inis na inis ako sa kanya. Nagulat ako nang bigla niya akong sampalin at masama ang titig nito sa akin.
"How dare you!..baka nakalimutan mo kung saang teritoryo ka nakatapak ngayon Bella!.try to look at yourself, hindi ka nababagay kay Alex..you're just a nothing woman.." galit na wika nito at saka nakipagtitigan sa akin. Pinakatitigan ko rin siya mula paa hanggang ulo at napangisi ako.
"Hindi mo na kailangang ipagmukha sa akin ang lugar ko rito sa teritoryo mo na teritoryo naman talaga ng asawa mo..you're so pathetic at ang lungkot-lungkot ng buhay mo para sabihin sa akin na hindi ako ang nababagay kay Alex..bakit Ma'am?sino ba ang mas nababagay sa ating dalawa para kay Alex?ikaw na may asawa na at iniwan siya o ako na tumulong sa kanya sa sakit ng pag-iwan mo at walang asawa?" mahinahong wika ko. Nakita ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya at nakakuyom ang mga palad.
"I have to go Mrs. de Jesus.." wika ko at binigyang-diin ang pagkasabi ng Mrs. sa kanya at saka tatalikod na sana nang may makalimutan pa akong sabihin kaya humarap ulit ako sa kanya.
"Oh siyanga pala..bukas ko na i-submit ang resignation letter ko tutal papaalisin mo rin naman ako rito pagkatapos nito ..mas mabuti na yung maunahan na kita Mrs. de Jesus.." wika ko at saka nginitian ito. Tumalikod ako at saka naluha ako. Masakit mang aminin pero wala akong karapatan. Napasapo ako sa pisngi ko at saka pumasok ng CR. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. I was crying at ni hindi ko alam ang dahilan ng pag-iyak ko--basta ang alam ko ay merong masakit sa dibdib ko na hindi ko maintindihan. Pinahid ko ang mga luha ko at saka nanghilamos ng mukha at nagretouch ng konti at saka lumabas na. Habang naglalakad ay may narinig akong nag-uusap sa may tagong bahagi na iyon ng building and I gasped when I saw Alex at hindi ako maaaring magkamali--si Jessica ang kasama nito at nanlaki ang mga mata ko nang maghalikan ang dalawa. Ang mga kamay ni Jessica ay nakapulupot sa leeg ni Alex at si Alex naman ay nakahawak sa baywang ni Jessica. Nagtago ako para hindi nila makita. Nagkamabutihan na kaya sila?
"I love you Jessica.." rinig kong wika ni Alex.
"I love you still Alex." rinig kong sagot ni Jessica. Hindi ko alam kung bakit parang nasasaktan ako. Sumilip ako at nakita ko na hinila ni Alex ang kamay ni Jessica at saka nagmamadaling umalis. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makasakay ang mga ito sa kotse ni Alex. Napabuntong-hininga ako at saka umiling. Kasalanan ang ginawa nila at may nasasaktan silang tao--si Sir Steven. Nagmamadaling umalis ako nang makasalubong ko si Sir Steven. Medyo nagulat pa ako.
"Bella!.uuwi ka na?" tawag nito sa akin. Bigla akong kinabahan. Nakita kaya niya ang pag-alis nina Alex at Jessica?
"Ahh..S-Sir..ikaw pala!..uuwi na po ako..tapos na kasi ang trabaho ko.." wika ko.
"Ah ganun ba..oh sige mag-iingat ka.." wika nito. Ngumiti ako.
"Salamat po.." wika ko at saka tumalikod.
"Bella!" napahinto ako nang tawagin niya ako ulit. Humarap ako dito.
"B-bakit po?" wika ko.
"Nakita mo ba ang asawa ko?kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya mahanap at tinatawagan ko rin pero hindi sinasagot ang tawag ko.." wika nito. Bigla akong naawa kay Sir Steven. Gustong-gusto kong sabihin ang nalalaman ko pero wala ako sa posisyon para sabihin dito ang totoo.
"W-wala po eh..actually kanina ko pa nga rin po siya hinahanap eh..pasensiya na po Sir." pagsisinungaling ko. Bumuntong-hininga ito.
"Sige salamat Bella..mag-ingat ka.." wika nito at saka laylay ang balikat na tumalikod. Tinatanaw ko ito habang papalayo. Sa tingin ko ay nagkaproblema sila ng asawa niya. Kawawa naman si Sir Steven dahil alam kong mabait siyang tao at ang hindi ko maintindihan ay kung bakit pinakasalan ito ni Jessica kahit na si Alex ang mahal nito. Napailing na lang ako na umuwi.

You Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon