26th Heartbeat

672 19 1
                                    

The real Wyle



Minulat ko ang mga mata ko ng nakaramdam ako ng init na tumatama sa mukha ko. Napangiti ako sa naging posisyon namin. Nakaunan ako sa kanyang dibdib habang nakayakap sa kanya at siya naman ay nakayakap din sa akin. Ngayon ko lang ulit naranasang gumising sa umaga na masaya. Ang sarap pala sa pakiramdam na katabi mong matulog ang taong gusto mo. Konting oras lang din ang tulog ko ni hindi maalis sa isipan ko ang pinagsasabi ni wyle kagabi. May meaning ba ang lahat ng sinabi niya o wala? Kasi umaasa ako na oo. Muli kong naramdaman ang mainit niyang paghinga at pagtaas baba ng kanyang dibdib. Ginalaw ko ng dahan dahan ang kamay ko papunta sa ibabaw ng kanyang dibdib.


Napangiti ako dahil tumitibok parin ito. I tried not to wake him up and pulled myself away but I saw him crinkle his nose. Napatigil ako at tiningnan siyang dahan dahang minulat ang kanyang mata.

"I'm sorry nagising kita" paumanhin ko at tuluyan nang lumayo sa kanya at umalis sa ibabaw ng kama.

Nakita ko siyang humikab at tuluyan na ring bumangon "its okay. Napasarap lang yata ang tulog ko" sabi niya at nginitian muna ako bago siya tuluyang pumasok sa loob ng banyo

Napahawak ako sa dibdib ko dahil anlakas ng tibok ng puso ko. Hindi na siya tulad ng dati na palaging seryoso at cold ang emosyon. Ganito ba talaga ang isang normal na wyle?

Dumiretso nalang ako sa labas at tumungo sa sarili kong kwarto para mag ayos na rin. Naligo ako at nag ayos bago lumabas. Habang naglalakad ako pababa ay bigla akong napaisip na ilang araw na din pala kaming nananatili dito sa bahay niya. Kailan kaya kami aalis para hanapin ang embassy? Pwede na kaming dalawa doon dahil normal na rin naman si wyle kagaya ko.


Nakita ko siyang tahimik na nagbabasa ng libro sa loob ng dining hall kaharap ang isang mainit na tasa ng kape.


Dumiretso ako sa kung nasaan siya nakaupo at mukhang nakita niya naman ako kaya biniba niya muna ang hawak na libro at nginitian ulit ako. Ahg that smile. Bakit ba ang hilig niyang ngumiti ngayon?!


"I made you one" sabi niya sabay turo sa isang tasa ng kape sa tabi niya

I uttered thanks before I sat beside him.
Tahimik akong umiinom ng kape na ginawa niya ng magsalita siya


"How's your sleep? Did you sleep well?" Tanong niya at nilagay ang libro sa gilid niya


Napangiti ako at tumango sa tanong niya like sht lang Simula nang nagkasama kami ngayon lang siya nagtanong kung maayos ba ang tulog ko!


"Good then, from now on you will sleep beside me" he said and took a sip of his coffee


Bigla naman akong namula sa sinabi niya. Seryoso ba talaga siya?! Baka mamaya pinagnanasaan lang ako neto!


"Bakit naman aber?!" Sabi ko at sabay inom sa kape kailangan din nating magpakipot kahit slight lang


"I already told you last night, you want me to repeat it again?"


Bigla akong namula at napaso nang maalala ko ulit ang sinabi niya kagabi! Argh ang init!




"careful!" Natatawa niyang sabi habang dinadaluhan ako I stopped when I felt his thumb wiping the left corner of my lips damn ang puso ko. Nakatitig lang ako sa kanya habang ginagawa niya yun his face looks like the same as before, mukha parin siyang zombie pero yung gwapo at hot na zombie bakit kaya di parin bumablik sa normal yung mukha niya?. Dali dali akong Napatingin sa ibang direksyon ng umangat ang tingin niya sakin at nginitian ulit ako bago niya inalis ang kanyang daliri sa mukha ko "there you go" he uttered and took a sip of his coffee

"N-naninibago lang naman ako." I paused for a while "S-seriously wyle this is so not you" nauutal kong sabi ng nakabawi na ako sa ginawa niya argh nubayan!


"This is me Zhari. This is the real wyle" hinarap niya ako gamit ang seryoso niyang mukha



Kung ganoon edi mas lalo pa yata akong mahuhulog sa totoong Wyle!





Crushylove

Zero Heartbeats (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon