38th Heartbeat

614 18 0
                                    



Pain





Nakatingin ako sa labas habang mahigpit na nakahawak sa isang baril na Binigay niya Sakin. Nagmatigas siyang wag akong sumama sa kanya at manatili nalang dito sa loob ng sasakyan. Pigil ko ang hininga ko at napahawak ulit sa sing sing na ibinigay niya sa akin.  Merong pitong deceased sa gitna ng kalsada na pinepyestahan ang isang katawan ng baboy ramo.

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko lalo na at palapit na rin siya sa mga deceased na busy sa paglatak sa kanilang Pagkain. Pigil hininga ko siyang tiningnan nang mapansin na siya ng mga deceased. He started to shoot them one by one.  Pero hindi Sila madaling patayin. Meron nang tatlong deceased na na nakaratay sa kalsada at pilit niya namang inaasinta ang ulo ng mga pilit na umaatake sa kanya.  Punong puno ako ngayon ng pangamba habang nakatanaw sa kanya. Malapit na niyang maubos ang mga deceased at ganoon na lamang ang pagkabigla ko nang may makita akong grupo ng mga deceased na palapit sa direksyon namin.  Nakita ko rin ang pagkabigla sa mukha na wyle nang makita niyang mas marami pa ang prating.  Hindi na siya nagpaligoy ligoy pa  at pinaulanan ito ng mga bala ngunit alam ko sa sarili ko na mahihirapan siya kapag siya Lang mag isa kaya naman lumipat ako ng upo at nagmaneho palapit sa kinaroroonan ni wyle at Tumigil sa tabi niya. Kinuha ko rin ang iba pang baril sa likuran at inabot sa kanya at tinanggap niya naman ito.  Kinuha ko ang isang Granada at kinalabit ito. Huminga ako ng malalim bago nilabas ang kalahati ng katawan ko sa bintana at tinapon ang hawak kong granada sa mga deceased. Isang isang malakas na pagsabog ang kumain sa amin at nabingi ako ng ilang Segundo bago tinutok ang dalawang baril na hawak ko sa mga naiwan pang mga deceased. Walang tigil sa pag agos ang mga bala sa oras na iyon at hindi ako makapaniwala sa dami ng deceased na Sumalubong sa amin. Narinig ko nalang ang Pagmura ni wyle ng maubusan na siya ng bala Kaya Dali Dali niyang kinuha ang isa pang granada at walang sabi sabing tinapon ito sa mga deceased.  Napabuga ako ng malalim na hininga at Binaba ang dalawang baril na hawak ko nang makita na wala ng deceased na natira.



Napaupo ako pinikit ang mga mata ko. Walang Pigil parin sa pagtibok ang puso ko dahil sa takot at kaba.

"are you all right? " narinig kong tanong niya habang nakadungaw sa loob ng sasakyan at nagtama kaagad ang aming mga mata sa oras na dumilat ako.  Marahan akong tumango sa kanya at Batid ko rin ang pangamba at takot sa kanyang mga mata. 



"sht" napakunot ang noo ko ng bigla siyang napamura ng malakas. Nakita ko ang pagbaril niya banda sa likuran at pagtingin ko doon Ay nakita ko ang ilang deceased na papunta sa amin. Dumungaw naman ako sa bintana at tumulong sa pagbaril.


"damn it! " I heard him hissed he threw away his gun and quickly run at the backseat of the car

Agad ko namang inunlock yung mga pinto at bago pa ako makabalik sa pwesto ko at huli na nang merong isang deceased ang nakakapit sa paa ni wyle na pigilan siyang makapasok. Babarilin ko na sana ito ng bigla akong nakarinig nang isang putok Kasabay nang pagsara ng pinto. Nagaalala akong napatingin Kay wyle at nakita ko siyang habol habol ang kanyang hininga. Napahinga rin ako ng maluwag at nilagay ko sa kabilang upuan ang baril na hawak ko at agad na pinaharurot ang sasakyan.  Mangilan ngilan nalang na mga deceased ang nakasalubong namin Pero diretso lang ang tingin ko sa Daan at mabilis na nagmaneho.

"that was close"
Napatingin naman ako sa taong nagmamay-ari  ng boses na iyon at nakita ko siyang Nakangiti sa salamin. 


Hindi ko mapigilan ang Mapaluha nalang dahil sa nangyari kanina. Muntik na siyang makagat ulit. Muntik na ulit siyang bumalik sa dati. Hindi ko alam ang gagawin ko kung Pati siya at mawala pa sa akin lalo na't malapit na kami sa embassy.

"hey baby, why are you crying? " Naramdaman ko ang hininga niya sa aking likuran at pilit na tintingnan ang mukha ko. He rested his chin on my shoulder and placed his one arm around my waist while the other one is above my seat.



"A-akala ko natuluyan kana k-kanina " Hikbi kong sabi sa kanya habang tumutulo ang luha ko. 

I heard him sigh and squeeze my waist. "baby,  please stop the car. I'll drive" he muttered under his breath before he kissed my shoulder


Sinunod ko naman ang sinabi niya at Itinigil ang sasakyan. Lumabas kami upang magpalit ng puwesto Pero agad na sinunggaban ko siya ng yakap nang pagkababa Palang namin sa sasakyan.  Huminga siya ng malalim bago sinuklian ng mahigpit ang yakap ko. Napaiyak ako sa kanyang Balikat habang Marahan niyang hinihimas ang aking ulo. Hindi siya nagsalita at hinayaan niya Lang akong Umiyak.


"Hindi ko kayang isipin na may mangyaring masama sayo" bulong ko sa kanya at hinigpitan pa lalo ang yakap ko.

"Ayos Lang ako.  Wag ka nang Umiyak. Baby, please I don't want to see you cry" he uttered that made me cry even more.




Pinaharap niya naman ako sa kanya at pinahiran ang mga luha na tumutulo sa mukha ko at marahang hinaplos ang mukha ko "I'm okay.  Makakaligtas rin tayo" he assured me with his smile but why do I sense sadness in his eyes



Napaatras ako ng bigla niyang hawakan ang puso niya at napainda sa sakit Kaya nataranta ako at agad siyang Dinaluhan Pero pinigilan niya ako "Anong nangyayari!? " I asked him panicking





Crushylove

Zero Heartbeats (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon