Makabagong Bayani

266 4 5
                                    

“Bigla akong nakaramdam ng takot. Nanginginig ang aking katawan at kalamnan. Nanlalamig ang buo kong katawan. Gusto kong tumakbo pero hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Tela napako ito sa sementong kinatatayuan ko ngayon.”

**

Tumingala ka sa itaas. Ang kulay bughaw na langit ay binalot na nang maitim na usok. Pinalipad na rin ni General ang mga high-tech plane. Tela nagmumukha itong mga ibon na palipad-lipad sa langit.

“Be ready soldiers!” Napatingin ka sa mini-radio na naka-sabit sa iyong kanang balikat nang marinig mo ang boses ni Commander Guason. Huminga ka ng malalim habang naka-sandal ang iyong likod sa naka-tagilid na sasakyan.

“On my count, throw the smoke grenade, team Alpha.” Ang team ninyo ang tinutukoy niya. Mabilis mong kinuha ang smoke grenade na naka-sabit sa iyong dib-dib. Napa tingin ka sa ibang kasamahan mo na naka sandal rin sa mga naka-taob at naka-tagilid na sasakyan. Kitang-kita mo sa mga mukha nila ang subrang kaba pero pilit nila itong nilalabanan.

“Three,” sinimulan na ang pag-bilang. “Two,” huminga ka ng malalim. Alam mong pagkatapos niyang bigkasin ang huling numero ay magsisimula na ang totoong giyera.

“One!” sabay ng kanyang pag-sigaw ay ang pagtapon ninyo ng smoke grenade. Pagkatapos ay inilapat mo ang iyong kanang siko sa sasakyan at pinindot ang fire button ng iyong high-tech M4A1s. Inasinta mo ng mabuti ang cyborge lulan ng anino nito sa usok. Kitang kita mo na tumatama ang laser na nang-gagaling sa iyong baril dito. Halos umalingaw-ngaw sa buong paligid ang tunog ng laser.

“Booghs!” Sabay ng malakas na pagsabog ay ang paglipad ng isang sasakyan sa ere. May isang malakas na laser beam na nanggaling sa usok ang tumama sa sasakayan na iyon na malapit lang sa iyo.

Tumigil ka sa iyong ginagawa at agad kang tumakbo papalayo sa sasakyang pinag-tatagoan mo. Sabay ng iyong pagtakbo ay ang pagsabog ng sasakyan na nasa iyong likuran. Mas binilisan mo ang pagtakbo papasok sa isang gusali.

Pagkasandal mo sa pader ay mabilis mong ini’reload ang iyong baril. Pagkatapos ay nagpatuloy ka sa pag-akyat sa itaas na palapag. Pumasok ka sa isang kwarto at mula sa bintana ay sumilip ka sa labas. Nanlaki ang iyong mga mata ng makita ang iyong mga kasamahan na patuloy pa rin sa pakikipagbarilan. Mas nanlaki ang iyong mga mata ng makita mo ang naka-handusay na katawan ng iba mong kasamahan.

Agad mong kinuha ang M-200 Intervention na nasa iyong likuran. Iniba mo ang setting nito. Imbes na laser ang lalabas nito ay ginawa mong 3 seconds time bomb.

Pagkatapos ay agad mong inasinta ang cyborge na kasalukuyang nakikipag-barilan sa iba mong kasamahan. Pagkapindot mo ng fire button ay deriktang tumama ang bomba sa liig ng cyborge. Bigla itong sumabog at nagkahiwalay-hiwalay ang mga parte ng katawan nito.

Nakita ng ibang kasamahan mo ang ginawa mo. Agad nilang ginaya ang iyong ginawa at isa-isang sumabog ang mga cyborge.

“This is Sergeant Roquie from team Alpha. We need a supply of 3 seconds boom.” Boses iyon ng head ng inyong team.

“Location,” agad na sagot ng nasa command center.

“62° North East of Bataan.”

“Copy that,”

Nakahinga ka ng malalim habang naka-sandal ka sa pader ng kwarto. Nakaramdam ka ng kaunting pagluwag sa iyong dib-dib. Ngayon alam niyo na ang kahinaan ng mga cyborge na gustong sumakop sa mundo. Sa wakas ay mawawakasan na rin ang kaguluhang ito.

“Booghs!” Isang malakas na naman na pagsabog ang iyong narinig mula sa labas. Mabilis kang tumayo at tumingin sa labas. Halos sumayad ang iyong baba sa semento.

“Hindi ito totoo,” walang buhay mong sinabi iyon. Hindi ka makapaniwala sa iyong nakita. Hindi lang isa, hindi lang dalawa, hindi lang sampo, kung hindi isang hukbo ng cyborge ang papalapit sa lugar ninyo. Pinapasabog nito ang bawat sasakyan na naka harang sa bawat daraanan nito. Ang iba naman ay pinapasabog ang bawat gusali na nasa paligid.

“Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Kung ano ang dapat gawin sa mga oras na ito. Ito na ba ang katapusan ng lahat? Hindi ba namin maipaglalaban ang Bataan? Tuluyan na bang masakop ito ng mga mananakop?” Para kang baliw na nagsasalita ng mag-isa habang pinapawi mo ang tubig na namumuo sa sulok ng mga mata mo.

“Pero hindi pwede iyon! Hindi kami pwedeng sumuko lang. Hindi pwedeng hindi kami lalaban. Bansa namin ito. Mawawalang say-say ang pagkamatay ng mga kasamahan ko. Mamamatay kami na may dangal sa aming mga pangalan. Na kilalanin kaming Makabagong bayani sa makabagong panahon na ito.” Nang maka-hugot ka ng lakas ay agad kang tumakbo sa labas. Hanggang sa makarating ka sa gitna ng malapad na daan na pinalilibutan ng mga umusok na sasakyan at mga gusali.

Napa tingala ka sa taas. Wala nang lumilipad na high-tech plane dahil halos lahat ay nag-take off na.

“Sumuko na sila,” pagsasalita mo ng mag-isa.

Napatingin ka sa malaking digital timer na nasa itaas ng Crown Ragency. Nabigla ka dahil mag-aalas nwebe pa lang ng umaga. Pero wala ka man lang napansin na sikat ng araw.

Napangiti ka, “Kakaiba ang araw na ito.”

Kinuha mo ang isang letrato na nakalagay sa iyong bulsa. Minasdan mo ng mabuti ang dalawang mukha na nasa litrato.

“Sa wakas, masisilayan ko na ulit ang ganda mo, mahal. Mahahawakan ko na ulit ang napakaamo mong mukha. Matikman ko na ulit ang napakatamis mong labi.” May tubig na pumatak sa litrato.

“Baby, miss na miss ka na rin ni papa.” Hindi mo na mapigilan ang pagpatak ng iyong mga luha. Hindi mo na mapigilan ang sakit na matagal mo nang dinadala noon pa.

Mariin mong tiningnan ang hukbo ng cyborge na papalapit na sa iyo. Inihanda mo na ang iyong sarili sa magiging kalabasan ng iyong gagawin. Kinuha mo sa loob ng iyong back pack ang 20 seconds ultra-bomb. Pinindot mo ang start button at nagsimula na itong magbilang.

Bigla akong nakaramdam ng takot. Nanginginig ang aking katawan at kalamnan. Nanlalamig ang buo kong katawan. Gusto kong tumakbo pero hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Tela napako ito sa sementong kinatatayuan ko ngayon.

Hindi ko alam kong ano ang dapat gawin sa mga oras na ito. Tatakbo ba ako papalayo sa kanya o tatakbo ako papalapit sa kanya at pigilan siya sa kanyan pinaplano. Nang makahugot na ako nang lakas ay agad akong tumakbo papalapit sa kanya.

“Papa!” Buong lakas kong sigaw iyon. Huminto siya sa pagtakbo at dahan-dahan siyang lumingon.

“Papa!” Pag-uulit ko. Napaluhod ako. Hindi na kaya ng mga tuhod ko ang bigat ng aking katawan. Ang bigat na aking dinadala.

Ang huli ko na lang naalala bago nag-dilim ang paningin ko ay ang ngiti mo… ang ngiti ng papa Rey ko.

***

Hindi ko rin mapigilan ang mga luhang gustong tumulo sa mga mata ko habang pinapanood si papa na umiiyak. Sariwa pa rin sa ala-ala niya ang araw na iyon. Ang kabayanihang ginawa ni lolo noon para lang sa makabagong henerasyon.

“Gina, anong taon na ngayon?” Napangiti ulit ako sa tanong niya. Paano ba’y ito na lang ang palagi niyang tinatanong sa akin pagkatapos niyang mag-kwento.

Lumuhod ako sa paanan ni papa habang siya ay naka-upo sa kanyang rocking chair at naka-tingin sa kawalan. “2090 po.”

The Last Five Standing (Summer Battle of 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon