SPARED

156 1 6
                                    

“Aaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhh!!!” the scream was music to my ears.

“Anong nangyari miss?”

“She- she’s he-here.” Sabi ko sa police officer.

“Asan siya miss?” tanong parin ng police officer.

“Papatay pa siya! Papatay pa siya!” sigaw ko.

“Miss! Miss! Anong pinagsasabi mo?” yinugyog ng police officer ang katawan ko.

“Eunice! Okay ka lang ba?” lumapit si mama at yinakap ako.

“Mama!!!” yinakap ko rin siya habang umiiyak.

Nakakatakot. Nakakataranta.

-The Next Day-

“Eunice kain na.” sabi ni mama

Hindi ako kumibo, hindi ko parin makalimutan ang nangyari kagabi. Pumatak na naman ang luha ko.

“Eunice, kain na, you need to regain strenghth. Papasok ka ba ngayon?” tanong ni Papa sa akin. Nandito si mama at papa sa kwarto ko, hinatid nila ang pagkain ko.

“School? Nandun siya sa school, papatayin niya ako ma! Ayoko! Ma! Pa!”

“Shhhh. Hindi ka niya papatayin Eunice. Hindi.” Sabi ni Papa sa akin habang hinihimas ang likod ko.

“Ma, buti nalang nakatakas ako, pano kung balikan pa niya ako? Hindi pa siya tapos ma, alam ko yun.” Humahagulhol na naman ako ng iyak.

“Wag kang mag-alala, ico-contact ko ang pulis, pababantayan natin ang bahay 24/7.” Pagsisiguro ni Papa.

“Pero pa, sa school, maaaring nandun siya, infact she could be anywhere!” sabi ko kay Papa.

“Kami na ang bahala.” Sabi ni Mama.

Makalipas ang dalawang araw, napagdesisyunan kong pumasok na sa school, dapat parin akong pumasok.

“Sigurado ka bang okay ka lang Eunice?” tanong ni Papa.

“Opo pa, I’m fine.” Sabi ko ni papa.

“Gusto mong ihatid ka na lang namin ng Papa mo?” tanong naman ni Mama.

“Sige po ma.” At pumasok na kami ni Mama at Papa sa kotse.

-School-

“Eunice, okay ka na ba? I heard you were the only one who survived dun sa massacre na nangyari sa 7/11.” Sabi ni Ma’am.

The Last Five Standing (Summer Battle of 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon