Midnight Solitaire

200 2 4
                                    

" Erin gising... "

Ilang mahihinang yugyog sa kanyang balikat ang gumising sa natutulog na diwa ng labin- pitong taong gulang na dalagita.

" M- ma, bakit? " Nagtataka niyang tanong habang kinukusot ang mata.

" Shhhh, huwag kang maingay, baka marinig ka nila. " Utos pa nito.

" Sinong sila? Anong nangyayari Ma? " Agad siyang napatayo sa kinahihigaan.

" Saka ko na ipapaliwanag sa'yo ang lahat. We have to go now. "

Maya- maya pa'y sunud- sunod na lagabog at tunog ng mga nababasag na kagamitan ang narinig niya. Tila ba hinahalughog ang buong kabahayan at may hinahanap. Nanlaki ang mata niya ng maglabas ng .45 calibre ang ina noon bumangon ang kaba sa dibdib niya. Mabilis siyang hinatak ng ina sa braso, dahan- dahan nitong binuksan ang pinto at sumilip. Nang masigurong walang tao sa paligid, patakbong binaybay nila ang hagdan pababa.

" Huwag kang aalis sa tabi ko anuman ang mangyari Erin. " Pabulong nitong sabi.

Naramdaman niyang lalo pang humigpit ang hawak ng ina sa kanyang braso. Tango lang ang naging sagot niya dahil naguguluhan siya sa mga nangyayari. Napapitlag siya ng makarinig ng malalakas na lagabog mula sa sala. Itinutok ng kanyang ina ang baril sa direksiyon ng ingay habang paatras silang naglalakad sa loob ng madilim na kusina patungong back door kung saan naroroon ang garahe.

" Stay behind me. " Bilin nitong muli ng marating nila ang pintuan, agad na pinihit nito ang seradura pabukas ngunit tatlong armadong kalalakihan ang agad na bumungad sa kanila.

Mabilis siyang isinalya ng ina sa gilid ng pinto. " Erin dapa! "

Malakas na palitan ng putok ng baril ang sumunod niyang narinig. Gumapang ang kaba sa buo niyang katawan saka malakas na napa- sigaw sa takot.

" I'm here, magiging maayos din ang lahat. " Naramdaman niya ang mabining haplos nito sa kanyang pisngi. Humupa na ang putok ng mga baril. Itinayo siya nito at inakay palabas ng bahay papunta sa itim na Honda civic na nakaparada.

Pasakay na sila ng may ilang armadong kalalakihan ang lumabas ng bahay at pinaulanan sila ng bala.

" Get in the car Erin! " Mariing utos sa kanya ng ina habang nakikipag- palitan ng putok. Wala itong tigil sa pakikipag- barilan habang ini- start ang ignition at minamani- obra paatras ang sasakyan,  nang makakuha ng tiyempo, mabilis na pinaharurot nito ang kotse palayo.

" Anong nangyayari Ma? Sino sila?! "

" Fasten your seatbelt at kumapit kang mabuti Erin. " Sa halip ay sabi nito saka mariing tinapakan ang gas.

Magsasalita pa sana siya ng biglang kinabig ng ina ang manibela pakanan kasabay ang ilang putok ng baril galing sa kanilang likuran. Awtomatiko siyang napayuko at napakapit sa kinauupuan.

The Last Five Standing (Summer Battle of 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon