Isang nakakairitang tunog ang dahilan ng paggising mo. Dahan-dahan mong minulat ang mata mo, at laking gulat mo na imbis na daan ang makita mo ay isang puting kisame ang nasa harap mo. Ginala mo ang iyong paningin, ibang-iba iyon sa mga kahoy na dinding ng kwarto mo at ng maramdaman mo na malambot ang hinihigaan mo ay nakasigurado ka ng hindi iyon ang kwarto mo, papag lang kasi ang tanging higaan niyo ro’n sa kubong bahay niyo.
“Mae iha.” Tawag saiyo ng Lola mo na nakaupo sa gilid mo. Napahinga ka ng malalim ng muli mong narinig ang malamyang boses nito. Titig na titig pa nga siya sa mga mata mo, alam mong kinatutuwa niya ang muling paggising mo. “Mamaya na kita kwekwentuhan. Gagamit lang ako ng banyo.”
“Sige po.” Pabulong na sagot mo.
Tumayo siya at pumunta sa pinto na katapat ng bintana mo. Pinagmasdan mo lang siya habang naglalakad, iika-ika na rin ito. At parang napansin mo na mas lalo itong nangayayat, mukhang dahil iyon sa pagbabantay niya sayo sa hospital. Ng makalabas na siya ay automatikong napako ang tingin mo sa nakasabit sa dingding na katabi rin ng pinto.
Napangiti ka, ang graduation picture mo ay kasalukuyang nakasabi ro’n kahit wala ng salamin ang frame at medyo napunit ang parting ibaba nito. Napansin mo rin ang ang pamilyar na amoy sa tabi mo, napangiti ka muli ng makitang hindi natapon ang Cassava Cake na dala mo.
Marami ka pang gustong gawin, buti na lang at binigyan ka pa ng isang pagkakataon para makaligtas sa aksidenteng naganap saiyo. Hindi mo alam kung ilang araw kana nakaratay diyan sa higaan, ang mahalaga ay makakaalis ka na rin diyan.
Ilang saglit pa ay bumalik na ang iyong Lola. “Pasensiya na apo, marami kasing tao sa banyo. Kamusta ka na? May nararamdaman ka ba?” mahinahon niyang tanong sayo habang paika-ika siyang naglalakad makarating lang sa upuan na katabi mo.
“Wala po! Feeling ko nga La, makakalabas na ko agad dito.” Pagmamalaki mo pa.
“Pagaling ka lang para naman makain natin itong dala mong Cassava Cake.” Marahan pa niyang hinaplos ang braso mo. “Sige na apo, matulog ka pa. Para naman lalo kang gumaling.”
Parang isang magic word ang salitang iyon, dahil kusang pumipikit ang mga talukap ng mata mo para ika’y makatulog.
------
“Ate, pabili po.” Sabay katok mo ng limang piso sa salamin na lalagyanan ng mga tinapay ng bakery sa kanto niyo. Maingat mo namang binaba ang reusable bag na itim sa may upuang bato sa gilid mo, habang hinihintay si Aling Tina na siyang may-ari ng paninderyang ito.
“Saglit lang, ayan na,” boses na nanggaling sa likod ng kurtina na siya ring naging harang mula sa kadikit nitong bahay nila. Ilang saglit pa ay may humawi na rin ng kurtinang nasabi mo. “Oh! Ikaw pala ‘yan Mae. Ano ba bibilin mo?” tanong pa niya sayo na may halong ngiti sa mga labi.
“Sampung piso nga po na pandesal at isang cassava cake niyo.” Tsaka mo tinuro ang cassava cake na nakadisplay do’n sa pinakailalim. Hindi man tugma sa binebenta nilang tinapay ay tinitinda pa rin nila iyon, dahil iyon daw ang specialty ng kanyang anak. Mabenta rin naman iyon dahil hindi mapagkakaila na masarap ang mga ito.
“Mukhang ang dami mong dala ah? Uuwi ka ba sa probinsiya?” tanong ni Aling Tina habang nilalagay niya ang Cassava Cake na pabirito ng Lola mo. “Dadagdagan ko na ng isa itong pandesal mo ha. Regalo ko na sa’yo dahil grumaduate ka na kahapon.”
![](https://img.wattpad.com/cover/14276297-288-kd94bc6.jpg)
BINABASA MO ANG
The Last Five Standing (Summer Battle of 2014)
RandomThis is the Summer Writing Contest of the Year! JOIN NOW! Credits to @magandangbabaeinsideandout for the cover