Bunker, Secrets, Killer

200 2 5
                                    

April 21, 2054. A day the human kind will remember ... if ever they survive.

"Alam n'yo ba na ang mga tao, approximately 50 years ago, predicted na about this time, humans should've invented robots to do what human can do but chooses not to, o kaya holograms, or any of that shit. Pero look at this, 50 years later, nothing changed much." sabi ni Chester, ang tour guide slash driver namin.

"Ma'am, question lang po (*yawn*). Why are we studying? Akala po namin ang field trip ng Top 8 ng buong second year high school sa eskuwelahan natin ay time para makapagrelax? Eh, bakit parang nag-aaral pa rin tayo?" Tanong ko. Totoo naman eh. Nakakabore, parang nag aaral pa din.

"Huwag ka na magreklamo, Hodge" Hirit ni Ma'am Sanchez.

At naglakad pa kami ng onti. Hindi na ako nakikinig kay tour guide, ang boring n'ya eh. I hear on my right side na nagchichismisan sila Pamela at Sansa tungkol sa crush ni Pamela na si Peter.

"Uhm, ma'am. Question lang po, ano iyon?" tanong ni Perry.

"Yes, sir Mariano?" sabi ni ma'am Sanchez kay Armin na nagtaas ng kamay para sagutin ang tanong ni Perry.

"That is an underground bunker. It's for survival of the human race. May isang ganyan sa bawat bansa, 'yan ang bunker na gagamitin kapag, you know, nuclear holocaust. Pinatayo a year ago dahil sa impending world war 3. At nagkaroon nga ng war kaya good thinking talaga na maglagay nyan. Six months ng ongoing ang World War 3, luckily, hindi included ang Philippines directly pero inaattack pa din tayo dahil sa US military base sa Clark, Zambales." sagot ni Armin

"Correct."

Kami nga pala ang class 4-1 of Philippine Science High School, the best of the best din dahil kami ang top 8. Nakabalik na kami sa bus para umuwi at nag-h'head count si ma'am.

"Peter?" "Here" "Armin?" "Here" "Hodge?" "Here" "Tyrion?" "Here" "Pamela?" "Here" "Kirsten?" "Here" "Perry?" "Here" "Sansa?" "Here" "Kumpleto na tayo, Chester. Tara n--!" naputol ang sinasabi ni ma'am dahil sa isang napakalakas na pagsabog.

"Shit. Ano 'yun?!" sigaw ni Sansa. Wala halos nakarinig sa kanya pwera siguro sa'kin dahil katabi ko s'ya. May buzzing pa kaming naririnig sa tainga dahil sa lakas ng sabog. Mga tatlong minuto din kaming nakahiga sa sahig ng bus hanggang sumigaw si Tyrion.

"Takbo sa bunker! Dalian n'yo!" sigaw ni Kirsten hindi ko alam kung bakit gusto n'yang pumunta sa bunker pero paglabas ko ng bus, nakita ko agad. Mga mala mushroom na mga usok. At naintindihan ko agad kung bakit.

Tumakbo kami pero bago kami makalayo ay tumingin sa likod si Sansa at biglang tumili. Sinilip ko din kung ano ang nasa likod at agad kong niregret ito. Dahil sa sobrang lakas ng pagsabog, kahit medyo malayo, ay napataob ang bus at nandoon ang katawan ni Pamela. Naipit ng ilang gamit namin sa loob at ng mga broken glass. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, pero tumakbo na lang ako papunta sa bunker at papalayo kay Pamela, it's a risk. Hindi namin alam kung buhay pa s'ya. Lahat naman kami, maski si Sansa na halatang shocked dahil sa identical twin sila ni Pamela.

Pagpasok namin sa bunker, sinara agad namin ang pinto at nag-usap.

"What the f--- was that?!"

"That, children, is the start of the nuclear holocaust" sagot ni Chester sa tanong ni Armin.

"Wait, seriously? Hindi ito joke?!" after that statement, nag panic ang ilan sa amin.

"SHUT UP, PEOPLE!" sigaw ni ma'am. "May nakasulat dito." binasa namin ito.

THE SURVIVAL OF THE HUMAN RACE IS THE MOST IMPORTANT THING.

RULES OF THIS BUNKER: NO EXTRA EATING AND DON'T OPEN THE BUNKER UNTIL A YEAR AFTER THE NUCLEAR HOLOCAUST.

The Last Five Standing (Summer Battle of 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon