Payapa, wala gaanong tao,makakapili ka talaga ng maayos, mabilis ang serbisyo na bininigay.
Nasa isang grocery store ngayon si Kim, bumibili ng food stocks para sa condo niya dahil paubos na ang kanyang pondo. "Aish! Oo nga pala, mabuti at hindi pa ako nakaalis." sambit ni Kim habang papalakad patungong soap section.
"Holdap to. Dapa!"
Napailing nalang si Kim sa kanyang narinig. "Tss, mga gasgas na linya."
Papunta na siya ngayon sa cashier section upang magbayad sa kanyang pinamili. "Hoy ikaw babae! Hindi ka ba dadapa?"
Nilingon niya ang buong grocery store, kung kanina ay payapa ang tindahan, ngayon ay mas lalo pang tumahimik, mga nakadapa na costumer na may panginginig sa takot at dalawang cash cashier na handang isuko ang kanilang income ngayong gabi. "Tss, wag mo akong utusan. Hindi mo ako katulong. Miss, ilan ba sa akin lahat?" kaswal lang niyang pagkasabi habang iniisa niyang nilapag ang kanyang pinamili.
Narinig niyang kinasa ng holdaper ang baril kaya naman naging alerto na siya. "Aba! Matapang ka ah."
Mabilis namang sinalo ni Kim gamit ang dalawang daliri niya ang bala na tatama sana kanya at sinipa ang holdaper sa may sikmura.
Napadaing ito sa sakit.
Tinapakan niya ang dibdib ng holdaper at ngayon nakatutok na sa holdaper ang baril. Kitang kita kung gaano nanlaki ang mata ng holdaper sa nakita niya. Mabilis kasing nakuha ni Kim ang baril na walang kahirap-hirap. "Hello Tito Mark, there's a holdaper here in my grocery store. Nahuli ko na siya. Pakikuha ng backup. Thank you tito."
"Ma'am Amores." mahinang bati ng dalawang cash cashier doon kay Kim, hindi nila akalain na ang anak pa talaga ng may-ari ang sasagip sa kanila.
Sa totoo lang, ngayon pa nila nakita ang anak ng mga Amores dahil madalas naman itong hindi sumasama sa pamilya niya upang bisitahin ang mga negosyo nila.
Hindi sumagot si Kim. Kinakabahang tumingin naman ang dalawa dahil alam nilang hindi tama ang pagbigay ng pera sa holdaper. Mas doble ang kaba nila ngayon dahil baka masesante sila sa kanilang ginawa at baka makasuhan pa sila.
"Sa susunod, wag kayong bibigay agad ng dahil lang sa natakot kayo. May kompleto kayong katawan, bakit hindi ninyo gamitin?"
Lumakad na siya paalis at saktong paglabas niya ay may mga pulis namang dumating. "Anyways, you two are fired."
At tuluyan na siyang lumisan sa grocery store.
*
"Ready Yellow Cat?"
Nagsmirk lang siya doon sa babaeng nasa kabilang kotse. "Of course." sagot naman niya at inistart na ang engine.
3-2-1
BANG!
Pagkarinig ng putok ng baril ay pinaharurot agad ni Yellow Cat ang kanyang kotse. Nakatutok lang sa daan ang kanyang mga mata. Nakita niya mula sa rearview mirror na madumi magmaneho ang kanyang kalaban. "Ok, dudumihin ko din ang paglaro." sabi niya at binangga ang kotse ng kalaban.
Napadausdos naman sa may gilid ang kotse na kanyang binangga. Pinaharurot niya muli ang kotse pero ngayon ay siya nanaman ang napadausdos. Ginamit na niya ang full speed na takbo ng kanyang kotse upang makahabol. At nang maabutan niya ang kanyang kalaban, binuksan niya ang kanyang tinted window at binigyan ng isang matamis na ngiti. "Bye, loser." pahabol pang sabi ni Kim saka tuluyan na siyang lumisan.
Napangiti siya, dahil walang wala palang binatbat ang kanyang kalaban.
Nagmaneho nalang siya ng nasa normal lang ang takbo. Dahil hindi na nakahabol muli ang kalaban niya kaya ang ibig sabihin nun tapos na ang labanan nila.

BINABASA MO ANG
The Last Five Standing (Summer Battle of 2014)
De TodoThis is the Summer Writing Contest of the Year! JOIN NOW! Credits to @magandangbabaeinsideandout for the cover