Babang luksa bukas ng aking Lola kaya naman nasa isang bahay lang kaming magkakamag anak dahil may plano kaming magboracay para bukas. Napagpasyahan nila mama at nang aking mga tito at tita na basahin ang diary ni lola. Matanda na ako at nasa edad na disi otso na. Nakwento na sa akin dati ang iilan sa mga diary ni lola at ang pinapaborito ko ay ang kwento nya noong na experience nya sa “The Holocaust.”
“By mid – 1944, World war II, tag gutom ng mga panahon na yon, milyon milyon ang mga taong inilipon dahil mamimigay daw sila ng mga pagkain para sa nagugutom. Lumakad lang kami ng lumakad at kung saan saan kami itinatago hanggang sa makarating na kami sa isang kampo at may malaking apoy sa gitna nito.
Kasama ko pa noon ang aking bunsong kapatid dahil kaming dalawa na lang ang magkasama noon. Wala na kaming mga magulang. Ang tatay ko ay nasa gera at ang nanay ko ay namatay sa gutom.
“Ate, bakit ang tagal nilang magbigay sa atin ng pagkain?” Tanong sa akin ng kapatid ko at yumuko ako sa harap nya. “Kelangan nating maghintay. Namimigay na sila at kita mong madami tayong kasama.” Sabi ko sa kanya at hinawakan nya ang kanyang kamay at tumingin tingin sa paligid.
Nakita ko na lang na nanginginig sya at agad akong napatingin sa pinagmamasdan nya. Nakita kong may mga lalaking nagtatakbuhan at hinahabol ng mga guards.
Pinaghahampas ng mga guard ang lalaking tumakbo hanggang sa mawalan ito ng malay at dinala sa isang tent.
Niyakap ko na lang ang kapatid ko dahil hindi na sya matigil sa kakaiyak. Wala akong kaalam alam sa kung anong mangyayare kaya nagtanong tanong ako sa mga tao pero wala rin silang kaalam alam sa nangyayare at panay pagkain lang ang naisasagot nila sa akin.
Madaling araw na ng nagising na lang kami dahil sa ingay at panaghoy ng mga tao.
“YUNG MGA BATA, YUNG MGA BABAE AT ANG MATATANDA AY HIHIWALAY NG PILA!” Paulit ulit na sigaw ng isang sundalong naglilibot sa lugar.
Ginising ko agad ang kapatid ko at nagulat na lang ako ng hilahin sya sa akin ng isang sundalo. “Teka lang, at magpapaalam lang ako sa kapatid ko!” Paulit ulit kong sigaw pero hindi natinag ang sundalo at patuloy lang sa paghila sa kapatid ko.
“ATE!” Sigaw nya ng malayo na sya at hindi ko mapigilang maluha. Hindi ko alam kung paano kami magkikita uli. Walang kasiguraduhan ito.
Agad kong pinunasan ang luha ko at inayos ko ang sarili ko. Matagal na akong walang suklay pero hindi ko na inisip yon. Ang importante ay may makain kaming magkapatid.
Unti unting umusad ang pila. Kada trenta minutos ay umuusad ako ng mahilig sa isang dang tao. Pero wala pa ako nakikitang mga taong may dalang pagkain. Naisip ko na lang na baka sa ibang daan na sila pinapadaan at hindi ditto dahil sa dami ng mga tao.
Nakikita kong pumapasok ang mga tao sa isang bahay na gawa sa bato at puro sundalo ang nasa harap at may takip ang kanilang mga mukha. Ang mga nasa unahan naman ay panay ang pagpupumiglas.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad kong hinila ang sundalong nagbabantay sa pila namin. Nagulat sya sa ginawa ko kaya agad nyang hinawi ang kanyang braso sa akin.
“Anong problema mo?” Tanong nya sa akin at aktong sasaktan na ako pero napigil sya ng magsalita ako. “Bakit nagpupumiglas ang mga tao sa unahan? Hindi ba nagbibigayan sila ng pagkain? Anong nangyayare sa loob?” Tanong ko sa kanya at nakita ko gumuhit sa mukha nya ang ngiti at sinampal na lang ako saka umalis sa harap ko.
“Stupid girl.” Narinig kong bulong sa akin ng isang matanda at halos kasing edad lang sya ng nanay ko. Napansin nyang nakatingin ako sa kanya pero hindi umaalis ang tingin nya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Last Five Standing (Summer Battle of 2014)
RandomThis is the Summer Writing Contest of the Year! JOIN NOW! Credits to @magandangbabaeinsideandout for the cover