“Walang lalabas ng bahay pag lagpas ng alas-diyes ng gabi. Sa mga may negosyo, kailangan ninyong dagdagan ng isang libo ang bayad niyo para sa inyong business permit. Babala rin sa mga nagtatangkang magwelga. . .”
Pinatay ko na kaagad ang TV alam ko naman na ang patutunguhan ng mga sinasabi ni Queen Masque. Siya lang naman ang pangulo ng aming bansa na laging nakamaskara. Makapangyarihan siya. Kaya niyang wasakin ang isang buong bayan at kaya niya rin itong mabuong muli. Siya na lang kasi ang natitirang Orbiter.
Sabi ni nanay, ang mga Orbiter daw ay may iba’t-ibang kapangyarihan. At iyong mga kapangyarihan daw na iyon ay sadyang mahirap ipaliwanag.Ayon din kay nanay, bago daw naging pangulo si President Masque ay bigla na lang daw naglahong bula ang mga Orbiters. Hindi niya rin daw alam ang buong kwento, basta nawala na lang daw sila
Magaling namang mamuno si President Masque yun nga lang, wala siyang puso at napakasama niya. Lahat ng taong lalaban sa kaniya ay pinapatay niya. Lahat ng negosyong hindi makakapag bayad ng extra tax ay sinusunog niya. At kapag ikaw ay lumabas sa oras ng curfew, siguradong hindi ka na matatagpuan.
Hindi ko nga din lubos maisip na kaya niyang gawin iyon kahit babae pa man siya. At gaya nga ng sabi ko, kahit gusto siyang patayin ng iba ay hindi nila iyon magawa. Dahil nga kasi isa siyang Orbiter at sobrang lakas niya. Kahit siguro sampung milyong bala ang tumama sa kaniya ay hindi pa rin siya tatablan.
“Nay, bakit po may hawak kayong gunting at lubid?”
“Sinusunod ko lang ang utos ng kapatid mo.”
“Kapatid? Nay, wala po akong kapatid.”
“Yung tunay mong kapatid.”
“Po? Nay pero. . .”
Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin dahil bigla na lang tinali ni nana yang aking mga kamay at ginupit niya ang aking buhok. Hindi niya lang ginupit ngunit kinalbo niya pa ako.
“Nay. . .bakit po?” Hagulgol ko.
“Hindi ko rin alam anak. Pero ito lang ang dapat mong malaman sa ngayon. Hindi mo ako tunay na ina at hindi iyan ang tunay na kulay ng iyong buhok. Sa labinlimang taon na ikaw ay nabubuhay, kinukulayan ko iyan. At nalalapit na ang panahon para makita mo ang tunay mong buhok. Ikakandado muna kita dito at makalalabas ka lamang sa iyong kaarawan.”
Magtatanong pa sana ako kay nanay ngunit lumabas na siya at ikinandado ang aking pinto.
Gulong-gulo ako sa mga ikinikilos ni nanay at gulong-gulo rin ako sa kaniyang mga pinagsasasabi. Sa isang iglap sasabihin niya na lang na hindi niya ako tunay na anak, na mayroon akong kapatid, at ang kapatid kong iyon ang nag-utos para kalbuhin ako. Hindi ko nga alam kung maniniwala ba ako kay nanay pero ang sakit lang isipin na magagawa niya sa akin ito.
Buong gabi akong umiiyak sa aking kwarto, dinalhan na rin ako ni nanay ng pagkain pero wala akong gana. Iyak na lamang ako ng iyak hanggang sa mapagod ako at makatulog.
BINABASA MO ANG
The Last Five Standing (Summer Battle of 2014)
AcakThis is the Summer Writing Contest of the Year! JOIN NOW! Credits to @magandangbabaeinsideandout for the cover