SA isang kagubatan, may magkapatid na lalake na namumuhay ng silang dalawa lang. Namayapa na ang kanilang mga magulang isang linggo na ang nakalipas dahil nasunog ang kanilang dating tahanan at hindi pinalad na makaligtas. Ang dalawang lalake na ito ay sina Jose at Ben. Mas matanda ng apat na taon si Ben kay Jose. Si Jose ay sampung taong gulang pa lamang samantalang labing dalawang taong gulang naman si Ben.
Isang araw habang naglalakad ang dalawang magkapatid sa ilalim ng init ng haring araw ay nagsalita ang batang si Jose.
“Kuya, ano ng gagawin natin ngayon? Isang linggo na tayong palakad-lakad dito sa gubat. Isang beses lang tayo kumakain at umiinom sa isang araw. Lagi na lang saging ang kinakain natin at sabaw ng buko naman ang laging iniinom natin. Wala rin tayong tahanan. Hindi ba tayo aalis dito sa gubat para pumunta sa bayan kung saan tayo nakatira noon? Alam naman natin ang daan. Baka may makatulong sa atin doon.”
Napailing nalang si Ben sa winika ng kapatid. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Naawa na siya sa kapatid niya. Maari naman talaga silang bumalik sa bayan na dati nilang tinitirhan. Ngunit natatakot si Ben. Natatakot siya na baka makasalubong nila ang mga taong may pakana ng pagkasunog ng tirahan nila.
Oo, hindi aksidente ang pagkasunog ng dati nilang bahay. Sinadya itong sunugin. May isang makapangyarihan at mayaman na pamilya ang may galit sa pamilya nila. Kaya naman pinasunog ng mga ito ang barong-barong tirahan nila. Nakaligtas silang dalawa ngunit hindi pinalad ang kanilang mga magulang.
Ang kanilang ama ay mula sa pamilya na nagpasunog ng kanilang dating tirahan. Itinakwil siya ng kanyang pamilya dahil sumama siya kay Pacing, ang pinakamamahal niyang asawa at ang ina ng mga batang sina Ben at Jose. Ang akala nila ay wala ang kanilang anak at ang kanyang asawa at mga anak lang ang nasa loob ng tirahan nila. Ngunit nagkamali sila. Nasama ang kanilang anak sa sunog. Hindi nga lang nila alam na nakaligtas si Ben at Jose sa sunog.
“Hindi na tayo babalik sa bayan na iyon Jose,” sabi ni Ben sa kapatid at pilit na ngumiti.
“Bakit po kuya?” nagtatakang tanong ni Jose sa kanyang kuya.
“Basta Jose. Malalaman mo rin iyon sa tamang panahon.”
Hindi kasi alam ni Jose na hindi aksidente ang nangyaring sunog sa kanilang tirahan. Kaya naman alam ni Ben na hindi ito aksidente ay dahil nakita mismo ng mga mata niya kung paano sinunog ng mga tauhan ng kanyang lolo ang kanilang dating tirahan. Namukhaan niya ang mga taong ito dahil nakita na niya ito noon kasama ang kanyang lolo.
“Kuya, pwede po bang magpahinga muna tayo? Inaantok na po ako,” sabi ni Jose at humikab. Napatawa naman si Ben sa kapatid.
“O sige Jose. Umupo muna tayo diyan sa tabi. Matulog muna tayo. Iaantok na rin kasi ako,” sabi ni Ben at hinawakan ang kamay ni Jose.
Umupo sila sa pinakamalapit na puno. Agad namang nakatulog si Jose. Samantalang pinagmamasdan naman ni Ben ang kapatid na si Jose.
“Ano na kayang mangyayari sa atin? Makakaya banatin ito Jose? Susuko kaya ako? Para kasing ayoko na,” wika ni Ben at tuluyan ng nakatulog.
Mabilis na napanghinaan ng loob si Ben. Sinasabi niya kasi sa kanyang isip na hindi niya kayang maalagaan ang kanyang kapatid dahil labing dalawang taong gulang pa lamang siya. Wala siyang kayang gawin. Kaya naman pinag-iisipan niyang ipaampon ang kanyang kapatid sa bayan na katabi ng bayan kung saan sila nakatira noon.
PAGKALIPAS ng dalawa’t kalahating oras, nagising na si Jose. Nakita niyang tulog pa ang kanyang kuya at ramdam niyang pagod na pagod ito. Tumayo siya at umakyat sa puno kung saan sila natulog. Umupo ito sa sanga at tumingin sa paligid.
![](https://img.wattpad.com/cover/14276297-288-kd94bc6.jpg)
BINABASA MO ANG
The Last Five Standing (Summer Battle of 2014)
РазноеThis is the Summer Writing Contest of the Year! JOIN NOW! Credits to @magandangbabaeinsideandout for the cover