BALIW

167 2 5
                                    

"Baliw! Baliw! Baliw!" Pagkapasok ko pa lang sa aming eskuwelahan yan na agad ang bumungad sa akin ng aking mga estudyante. Ewan ko ba, hindi naman ako baliw. Siguro sa hitsura,mukha nga akong baliw ngunit sa ugali hindi naman.

Ako si Natasha Koling-koling. O diba, pangalan palang pambaliw na. 4th year na ako sa Mentalitic Academy, lahat ng mayayaman dito nag-aaral. Pero ako mahirap lang. Bakit ako nakakapag-aral dito? Simple lang dahil scholar ako dito.

Pagtapak ko palang sa eskuwelahan na ito, alam na alam ko ng hindi ako tanggap. Sino nga bang magtatangkang makipag-usap sa akin. Magulong buhok, yellow na ngipin at katakot-takot na kuko, parang mangkukulam diba.

So dito na magsisimula ang kuwento ko. Tandaan hindi po ito ROMANCE.

"Oh, look who's here? Ang isang baliw." Sabi ni CHAOPATRA SANDOVAL. Ang may ari ng paaralan na pinapasukan ko. Well yung family niya may ari, pero siyempre assuming din tong babaeng to, feeling niya siya yung nagmamay-ari ari ng school na ito.

Lahat ng gusto niyang saktan, sinasaktan niya. Lahat ng gusto niyang bullihin binubully niya. Minsan nga gusto ko na itong ilaglag sa bangin eh, my bangin kasi sa likod ng school namin. Pero naisip ko, mawawalan ako ng scholarship at makukulong pa ako. Kaya naman tinitiis ko nalang ang pang-aapi at pagpapahirap niya sa akin.

"Hoy, baliw! Tumabi ka nga sa dinadaan namin. Baka ipa-mental kita! Tch! " sabi naman ng isa niyang kaibigan si Crazty Rivera. Pinsan ni Chaopatra. Kala mo naman ang ganda ganda ang panget din naman nito.

Asarin ko kaya to? Sabi ko sa sarili ko. Upang lalo silang maasar, umakto akong parang wala sa sarili at lumapit sa kanila. Nginingitian ko sila na para bang nanloloko. Dahil doon isang malakas na sampal ang natanggap ko.

"Wag kang lalapit samin BITCH! Tara na nga Crazty baka mahawa tayo sa kabaliwan niyan!" Bulaslas nito.

Umalis na sila at naiwan naman ako dito sa hallway. Pinag-titinginan ng mga tao. Pinagmamasdan at tinitimbang ng kanilang mapang-aping mga mata. Hindi ko na matitiis ito. Naglalad ako sa direksyon kung nasaan ang mga taong kanina pa ako pinag-uusapan.

"Bakit niyo ako tinitingnan!?" Tanong ko sa kanilang sa tonong galit na galit. Dahil doon nagsipasukan ang mga ito sa kani-kanilang mga classroom at agad sinara ang mga bintana at pinto.

Hanggang dito nalang ba ako? Hanggang pananakot na lang ba ang gagawin ko? Naaawa na ako sa sarili ko. Bakit ba ako napanganak ng ganto? Bakit nawala agad sila nanay at tatay? Dahil ba mahirap at lagi silang pinagkakamalan na mangkukulam, na naging dahilan ng kanilang pagkawala.

Ang unfair ng mundo! Magbigti nalang kaya ako?

Pumunta ako sa likod ng aming school building. Doon ang mundo ko. Kung saan tahimik. Walang panggulo at mga mapang-aping mata. Ang lugar kung saan ako nagiging totoo sa sarali ko. Ang lugar kung saan ako nagiging kalmado.

Ngunit kaba ang nararamdaman ko ngayon dahil may mga tinig akong naririrnig.

"Inaapi ka ba nila?" Tanong ng tinig na hindi ko alam kung saan nagmula.

"Hah? Sino ka? Nasaan ka?" Tanong ko na may pag-aalala at siyempre..takot.

"Hindi na importante kung sino ako, at kung nasaan man. Nandito ako para ika'y tulungan."

"Hah? Tutulungan mo ko,hindi pa nga kita kilala. Atsaka, hindi ko kailangan ng tulong mo. Kaya ko ang sarili ko."

"Sige baka ngayon hindi mo kailangan ng tulong ko, pero kapag nagbago ang isip mo pumunta ka lang dito, at sabihin ang mga katagang 'Abra ka dabra! Baliw dito. Baliw doon. Balisawsaw, lumabas ka! '" Nge pantanga lang?

The Last Five Standing (Summer Battle of 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon