Taong 1500 bago dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay may isang kinakatakutan ang mga tao noon at iyon ay ang Aswang. Ngunit dahil sa takot ng mga tao ay nag tipon-tipon sila upang patayin ang mga ito. At tanging natira ay si Prinsesa Mayo pero nakakulong siya sa spell na bumabalot sa banga na hindi niya alam kung paano nagawa ng mga tao.
Nakita niya kung paano nag hirap ang mga Pilipino ng sakupin ng Espanyol, Estados Unidos at Hapon. Kahit gusto niyang tumulong ay wala siyang magawa dahil nakakulong siya.
Hanggang dumating ang panahon na nakalaya siya dahil aksidente na natabig ng isang batang lalaki ang bangang kinakukulangan niya.
Labis siyang nabigla sa mga nakikita ngayon tulad ng mga bagay na kung tumakbo ay isang kalesa na sinasakyan ng mga tao. At ang kanilang mga kasuotan ay masyadong maikli wariy baga'y nakikita na ang lahat. Ano naman iyong hawak-hawak nila na parisukat kung saan ay inilalagay nila sa tenga at ito'y kinakausap nila.
Wala siyang pagpipilian kung hindi pag aralan ang pamumuhay ng tao.
Ako si Mayo ang dating prinsesa noon ay isang katulong na ngayon. Nasanay na ako sa takbo ng mundo at unting-unti ko na din natutunan ang paraan ng kanilang pamumuhay. Muntikan na ako'ng masagasaan ng kotse at doon ko nakilala si Hunter na isang Doctor na kumupkop sa akin.
Mabait,suplado at babaero na lalaki. Nasanay na ako sa ugali niya dahil sa loob ng dalawang taon na pag tatrabaho ko sa kanya ay masasabi ko na kung ano ang ayaw niya at hindi. Pinag aral pa nga ako nito kaya marunong na ako mag sulat at mag basa ngayon.
Pero wala ito'ng ideya na isang Prinsesang aswang ang nakupkop nito.
"Nakapag luto ka na ba ng hapunan May?" tanong sa akin ni Hunter na kagagaling lang sa trabaho. Mukhang pagod ito pero gwapo pa din.
"Nakahanda na po ang pagkain Sir kayo na lang ang hinihintay." Nakangiti kung saad habang kinukuha ang bag nito at ang mga gamit na dala-dala.
"Good let's eat." Nauna na ito sa kusina.
"A-ay Sir kasi p-po ano eh. Nauna na ako'ng k-kumain kasi manonood po ako ng teleserye na sinusubay-bayan ko sa TV." alanganing kung saad na tinanguan lang ako. Ang bait talaga.
Natutunan ko ng kumain ng pagkain ng tao. Na train ko na ang sarili ko dahil tao din kasi ang tumulong sa akin.May konsensya din naman ako.
BINABASA MO ANG
The Last Five Standing (Summer Battle of 2014)
RastgeleThis is the Summer Writing Contest of the Year! JOIN NOW! Credits to @magandangbabaeinsideandout for the cover